GORGY RULA
Obvious na ang Bubble Gang ang tinutukoy sa isang post sa social media account ng GMA-7.
Nakasaad dito: “May lilipat? Goodbye Friday, hello SUNday! SUN ka punta? Chewing soon on GMA!”
Read: Michael V. on bidding farewell to some Bubble Gang stars: “It’s not easy, but it’s inevitable.”
Noon pa man ay nasasagap na ng PEP Troika na magri-reformat ang longest-running comedy and gag show ng GMA-7.
Ngayon lang nila ito naayos at maganda ring ilipat na ito ng timeslot dahil kailangang mapanood ito sa maagang oras.
Hindi pa kumpirmado kung bandang first week of July ay mapapanood na ang Bubble Gang ng Linggo ng 6:00 ng gabi.
Mananatili pa rin daw ang ilang nasa main cast kagaya nina Michael V, Paolo Contis, Chariz Solomon, at Betong Sumaya.
Wala pa kaming ideya kung sino ang ibang maiiwan, pero may mga bagong idadagdag.
Ang isa sa narinig naming inaayos na mapasama sa cast ay ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake. Pero hindi pa raw yun sure nang tinanong namin ang ilang staff ng Bubble Gang.
Basta, may mga nag-audition daw pero hindi pa alam kung sino ang mapipili.
Abangan na lang natin kung ano ang bagong mapapanood at sino ang idadagdag sa regular cast ng Bubble Gang.
NOEL FERRER
Ow, kahit saan namang timeslot ilagay ang Bubble Gang, susundan ito ng mga loyal na manonood nito.
Sa bagong timeslot nito sa Sunday, ibig bang sabihin… yung Unbreak My Heart na teleserye ay mapapanood na from Monday to Friday?
Magagawa na ba ni Michael V ang kanyang mga relyricked song segments na inaabangan talaga?
Level Up na ba ito at hindi na paglalagyan lang ng mga contract artist na hinahanapan ng trabaho?
At makikita natin kung magiging mas kind ang viewers kay Paolo Contis dito kaysa sa noontime show niya?
Wait and see tayo rito!!!
JERRY OLEA
Sino kaya itong komedyante na kusang umalis na raw sa Bubble Gang dahil mas gusto niyang mag-focus muna sa sinimulan niyang negosyo?
Hindi naman siya magku-quit sa pag-aartista, pero parang mas type daw niyang mag-teleserye.
At dahil Kapuso na ang It’s Showtime, puwede kayang mag-guest sa Bubble Gang ang ilang hosts nila roon?
Aba! Abang-abang din tayo kung magge-guest sa Fast Talk With Boy Abunda sina Vice Ganda, Anne Curtis, at Vhong Navarro para i-promote ang paglipat ng It’s Showtime sa GTV!
