GORGY RULA
Pagkatapos matengga nang mahigit dalawang taon dala ng pandemya, ratsada na sa raket ang halos lahat ng artista.
Hindi lang sa taping, shooting, personal appearance, at kung anu-anong raket—aba, ang iba pala ay bumalik sa pa-booking!
Nawindang kami sa presyo nitong maganda at makinis na aktres na dati na palang "pa-walk" sa napakalaking halaga.
Wala lang kami ideya kung ano ang usapan at kung saan aabot ang serbisyo, pero ang tindi ng presyuhan sa ilang kilalang aktres na hindi mo akalaing pumapatol pala.
Itong si maganda at makinis na aktres ay umaabot daw ng PHP5 milyon ang presyo!
Sabi pa ng ilang napagtangunan namin, talagang pumapatol sila sa ganung kalakaran.
Hindi lang si maganda at makinis na aktres, pati raw itong si aktres na wholesome ang image, pero sexy at nagbida sa pelikulang isinali sa isang film festival.
Pagkatapos niyang bumida roon, lalong tumaas ang presyo na umabot na ng PHP3 milyon!
READ Aktres, namamalimos ng pag-ibig sa ex-boyfriend
Meron talagang pumapatol sa ganung presyuhan? Mga mayayaman at influential businessmen at politicians daw ang kanilang kliyente na wagas kung magwaldas ng kadatungan!
Nasusunod ang luho ng mga aktres na ito, dahil ang laki ng kinikita sa ganung klase ng raket.
Ang sabi ng ibang nag-a-arrange ng ganitong transaksiyon sa mga magagandang aktres, mas gusto raw nila ang ganitong raket dahil ang laki ng kinikita, walang resibo, at hindi nakakaltasan ng tax. Buung-buo nilang natatanggap ang bayad na walang withholding tax!
READ TV personality, nega star sa production; nambubulyaw sa convenience store
JERRY OLEA
Medyo mataas din ang presyo ng mga baguhang starlet kapag sinasabing contract star ito ng isang kilalang talent agency. Lalo na yung galing sa isang talent-reality search.
Kahit hindi pa ganun kakilala, maganda sila, sexy, sariwa kaya mataas na rin ang presyuhan na naglalaro ng PHP300K hanggang PHP800K.
Merong isang kaakit-akit na starlet na ipinanreregalo raw ng isang kilalang politician sa mayamang business partner sa halagang PHP700,000.
Parang type din daw ni politician si kaakit-akit na starlet, na sinasabihan si politician na kung ibu-book rin siya nito, hiwalay na bayaran yun, hindi package sa 700 kiyaw na ibinayad sa kanya.
READ Main host hindi compatible sa format ng show?
Hindi na raw umimik si politician. Hindi na niya kinuha si kaakit-akit na starlet.
Meron ding nauwi sa magandang relasyon nang nai-book itong si young actress na produkto ng isang talent search. Naging magdyowa sila, pero hindi rin nagtagal ang relasyong yun.
Nagkahiwalay sila nang nakarating sa mayamang dyowa na nakipagtikiman si batang aktres sa co-actor nang nagsama sila sa isang lock-in taping.
READ Magandang Aktres, kinikilalang Miss Take sa set ng pinagbibidahang serye
NOEL FERRER
May ilang Vivamax stars na nagsabing totoong may nag-aalok sa kanila kung gusto nila ng ganung "booking," pero hindi raw sila pumapatol sa mga ganung offer.
May ilan silang naririnig na pumapatol, pero buhay raw nila yun. Labas na raw sila roon kung gustong pumatol ng iba.
Grabe na ang panahon ngayon. Name your prize, at kapit sa patalim ang ibang artista na akala mo’y hindi makabasag-pinggan.
Ano kaya ang masasabi ng mga magulang ng mga ganito?
READ Controversial actress, nabuntis ng controversial din niyang boyfriend
