PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Iza Calzado hosts Miss Ormoc 2023

Piolo Pascual, namangha sa ganda ng Ormoc City.
by PEP Troika
Published Jun 24, 2023
richard lucy iza piolo ormoc
Iza Calzado (second from left) hosted the Miss Ormoc 2023 pageant last night, June 23. In this photo, Iza is with Congressman Richard Gomez, Mayor Lucy Torres-Gomez, and Piolo Pascual who serenaded the candidates.
PHOTO/S: Noel Ferrer

NOEL FERRER

Tunay ngang "City of Beautiful People" ang Ormoc City lalo na nitong Hunyo 23, 2023, Biyernes ng gabi, sa ginanap na Miss Ormoc 2023 hosted by James Deakin at ng nagbabalik na talent kong si Iza Calzado.

Magiliw na tinanggap ng mag-asawang Congressman Richard Gomez at Mayor Lucy Torres-Gomez ang mga panauhin bilang isa sa highlights sa pagdiriwang ng taunang Pinya Festival sa Ormoc.

Read: Mayor Lucy at Congressman Goma, bongga ang mga pasabog sa 75th charter anniversary ng Ormoc City

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tagal na ring inimbitahan si Iza na pumunta sa Ormoc kaya lang ay ikinasal at nagdalantao ito. Kaya ito ang napakagandang moment nila ng kanyang ninang at ninong sa kasal na sina Lucy at Goma dahil kasama rin ni Iza sa biyahe ang asawa niyang Boss ng Booky na si Ben Wintle at ang anak nilang si Deia Amihan.

Excited silang mag-ikot ng Ormoc ngayong araw, Hunyo 24, at pumunta sa Lake Danao at sa Heaven’s Peak, at game na game ring mag-guest sa vlog na At Home With Goma.

Habang nasa stage kagabi, hindi maiwasan ni Iza na mag-gush at kiligin sa kanyang female crush at idol na si Lucy na nakasama at naging ka-close niya sa show sa GMA-7 na The Sweet Life, at kay Goma na nakatrabaho niya sa pelikulang Bente with Mel Chionglo as director at sa panulat ng National Artist na si Ricky Lee, at sa mga Kapuso teleseryeng Encantadia and All About Eve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Ate Lucy pala and I appeared in a film together. Nag-cameo siya sa film namin na Ang Panday 2 bilang Inang Engkantada. Di ba, rare yun?” sabi ni Iza of Lucy who I know did it at ang naging talent fee niya ay mga bagong classrooms sa Ormoc!

Hinarana ni Piolo Pascual ang Miss Ormoc candidates.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinamantala na rin nina Iza at Piolo na mag-catch up dito at hoping sila for a new movie together after Milan (which is Iza’s very first film) and Starting Over Again both with Olive Lamasan at parehong nakapagbigay kay Iza ng acting awards.

Lucky ang tandem nila ni Piolo and they have nurtured a friendship na talagang nakatatak na sa puso saan man sila magpunta.

Iza and Piolo have also done the teleserye Hawak Kamay. At kahit anong susunod na project, basta magkasama raw sila, ok na ok sa kanila.

“Kahit nga theater kung saan active din si Papa P o duet (naks, ang lakas ng loob), a movie or a mini-series, ok na ok! Ok kahit anong project, kahit baby. Charot!” pagbibiro ni Iza.

GORGY RULA

Kasama ni Piolo Pascual ang mommy niyang si Mommy Amy sa Ormoc. At dito nila napatunayang maganda talaga ang lugar.

Sabi ni Piolo, “I ran around this morning, and I had such a pleasant run. This place is full of beautiful people. At maganda talaga ang lugar. My mom has gone around too and she talked to very good people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“City of Beautiful people nga talaga ang Ormoc. At marami pang magagandang places. The next time around, I’ll be back to visit the other places.”

Iyan din ang ginawa ni Zsa Zsa Padilla sa Charter Day ng Ormoc nung nakaraang taon.

Nagulat ang mga Ormocanon na nasasalubong nila si Zsasing na nagdya-jogging.

Pareho kasi sila ni Piolo na nae-enjoy talaga ang probinsya at ang lungsod ng Ormoc ang isa talaga sa magandang pagbakasyunan.

JERRY OLEA

Maliban sa Miss Ormoc theme song, nagpaunlak si Piolo ng dalawa pang numbers na sobrang nagpakilig sa audience — ang "Babe" kung saan bumaba pa siya sa audience para halikan ang kanyang B (tawagan nila ni Iza) , at ang "The Way You Look Tonight" with the 5 Finalists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sabi ni Piolo sa mga Miss Ormoc candidates, “It’s not easy answering all the questions and doing the rounds of competitons, I hope they live up to what they are saying. Whether you win or not, what’s important is to carry on and be able to do what you advocate and try to help the community.”

Pauwi na si Piolo ngayong Hunyo 24, Sabado, habang si Iza naman kasama sina Ben at Deia Amihan ay may buong araw mag-e-explore sa Ormoc.

The first order of the day ay ang special lunch na inihanda sa kanila ng Ninang Lucy sa kanilang napakagandang lugar sa Ormoc, The City of Beautiful People, kung saan makukumpleto na naman ang PEP Troika sa taunang Pinya Festival.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iza Calzado (second from left) hosted the Miss Ormoc 2023 pageant last night, June 23. In this photo, Iza is with Congressman Richard Gomez, Mayor Lucy Torres-Gomez, and Piolo Pascual who serenaded the candidates.
PHOTO/S: Noel Ferrer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results