JERRY OLEA
First time magkatrabaho nina Joross Gamboa at Paolo Contis sa pelikulang Ang Pangarap Kong Oskars.
Hindi sila nag-abot sa Kapamilya Network. Nakaalis na si Paolo sa ABS-CBN nang mag-umpisa si Joross sa Star Circle Quest (Marso-Hunyo 2004).
Parehong Bikolano ang dalawa, at magandang experience sa kanila ang pagsusyuting sa Catanduanes.
Kumustang katrabaho si Paolo?
“Masaya! Magaling si Pao!” bulalas ni Joross sa mediacon ng Ang Pangarap Kong Oskars nitong Hunyo 23, Biyernes ng gabi, sa The Block, SM North EDSA, Quezon City.
“Kumbaga kaya niya kasi. Bihira lang yung mga ganun, yung kayang mag-comedy saka kayang magseryoso.
“So, sa comedy namin, kahit naman ako, kapag nagko-comedy, yung seryoso — yung hindi ka nagpapatawa. Sitwasyon ang nakakatawa talaga.”

Magpo-promote ba siya sa revamped Eat Bulaga! kung saan main host si Paolo?
“Sa akin, kung saan kailangang mag-promote, magpo-promote naman tayo.”
Paano kung alukin siyang mag-host sa Eat Bulaga!, tatanggapin ba niya?
“Sa ngayon, ano, e… puno ang schedule ko dahil ginagawa ko ang The Missing Husband. Tapos wala rin namang offer,” tugon ni Joross.
Co-stars ni Joross sa Kapuso drama series na The Missing Husband sina Sophie Albert, Yasmien Kurdi, Rocco Nacino, Max Eigenmann, at Jak Roberto. Sa pagkakaalam ni Joross ay Agosto o Setyembre ito eere sa GMA-7.
Kasama rin si Joross sa cast ng Star Cinema movie na Rewind, kung saan bida sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Read: Kapuso couple Dingdong Dantes, Marian Rivera to headline Star Cinema's "Rewind"
OK lang kay Joross na mag-guest siya o mag-promote sa It’s Showtime, maging sa bagong noontime show ng Legit Dabarkads sa TV5.
Pahayag ni Joross, “At least, bilang kaibigan lang ako sa lahat… ‘Uy, kumusta ka? OK ka lang ba?’ ganyan-ganyan.
“Mine-message ko rin halimbawa, kaibigan ko sina Ryan Agoncillo. Kaibigan ko lahat.
“So, sa akin naman, ano kumbaga, in good faith naman lahat, e. Kumbaga, yung situation lang, aminin natin, meron talagang ano, mainit na topic. Oo, na kanya-kanya.”
Wala siyang “kinakampihan” sa mga magbabanggaan o maglalabu-labo na noontime show hosts.
“Actually hindi, e. Hindi ako… kumbaga, ako, as tao na yung character ko, kahit yung meron kang mga magkaka… kunwari lang, ibang mga kaibigan or mga kamag-anak,” salaysay ni Joross.
“Halimbawa hindi OK or ano. Kumbaga, hindi ka basta-basta kakampi. Basta nandiyan ka lang for ano.
“Ang gusto lang natin, maging OK lahat. Kumbaga, kung merong isyu, sana ma-resolve na kaagad.
“So, para at least, maging OK na lahat. Yun lang naman. Kumbaga ang hirap, di ba? Kapag sa mga artista at naano.”
NOEL FERRER
Kinumusta ni Joross si Paolo noong first day nito sa Eat Bulaga!.
Kuwento ni Joross, “Minessage ko siya. ‘Kumusta, bro, sana OK lang lahat. Sige, basta pag may kailangan ka, dito lang ako.’
“Hindi naman siya nag-reply. Tapos the next day kami nag-usap. Hindi pala siya tumitingin nun sa phone niya.
“The next day lang, ‘Uy! Nag-message ka pala. OK naman ako.’ Ayun na, nagkausap kami. Kinumusta ko lang naman.
“Dahil siyempre nag-ano, yung mga sitwasyon, oo.”
Concerned lang si Joross kay Paolo, kasi grabe rin ang pagba-bash dito.
Siyangapala, sa Hunyo 28, Miyerkules, na ipapapalabas sa mga sinehan itong Ang Pangarap Kong Oskars.
Nasa cast din nito sina Kate Alejandrino, Faye Lorenzo, Yukii Takahashi, Long Mejia, Jon Santos, Gian Magdangal, Erlinda Villalobos, at Junjun Quintana.
Isinulat at idinirek ito ni Jules Katanyag, at prinodyus ng MAVX Productions.
GORGY RULA
Nakikita kung paano makisama at makipagkaibigan ang dalawang bida ng Ang Pangarap Kong Oskars. Suportado sila ng kanilang mga kaibigan at nakatrabaho sa premiere night nito nung Biyernes.
Dumating sina Patrick Garcia, Adrian Alandy, Rocco Nacino, Jason Abalos, Kokoy de Santos, Royce Cabrera, Roadfil Macasero, at mga kasamahan ni Paolo sa Eat Bulaga! na sina Buboy Villar, Kimpoy Feliciano, Alexa Miro, at magkapatid na Mavy at Cassy Legaspi.

Mas swak sana kung makakasama ni Paolo si Joross sa Eat Bulaga!.
Bukas, June 25, sa The Boobay and Tekla Show ay special guest din nila si Paolo para sa promo ng naturang pelikula.
Nabuking nila sa kanilang "phone raid" na nag-text si Paolo kay Joey de Leon. Ano kaya ang mensahe ni Paolo sa original host ng Eat Bulaga!?
Sinabi rin doon nina Boobay at Super Tekla kung anong klaseng kaibigan si Paolo. Ikinuwento niya nung pandemya na laging pinapadalhan ni Paolo si Boobay ng pagkain.
Ibinahagi rin ni Super Tekla na pinautang din daw siya ni Paolo, na biglang nag-isip daw ang EB host kung nabayaran na ba siya ni Tekla. Hanggang sa natapos daw ang interview, tanong daw nang tanong si Paolo kay Tekla kung nabayaran na ba siya.
Masaya ang episode na yun. Pero ewan ko lang kung ano ang magiging reaction ng netizens sa sagot ni Paolo sa mga sinasabi ng mga namba-bash sa kanya.
