PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ormoc streetdance parade highlights

Piolo Pascual, Iza Calzado, Seth Fedelin nagpaningning sa Piña Festival 2023.
by PEP Troika
Published Jun 27, 2023
richard gomez lucy torres pina festival
Mayor Lucy Torres-Gomez on Ormoc City being recognized as 'Events Capital of Eastern Visayas': “More than wanting to be the best, I want the people here to be used to standard of excellence. Gusto ko na mawala yung mindset ng taga-probinsiya na, ‘OK lang ito, puwede na ito, probinsiya lang naman tayo.’ Hindi ganun.”
PHOTO/S: Jerry Olea / City Government of Ormoc Facebook

JERRY OLEA

Ipinagdiriwang ng Ormoc City ang Piña Festival sa buwan ng Hunyo bilang parangal sa mga patron ng lungsod na sina San Pedro at San Pablo.

Ang highlights ng festivities ngayong taon ay mula Hunyo 23 hanggang 28, 2023.

Noong Biyernes, Hunyo 23, ginanap ang Miss Ormoc 2023 sa Ormoc City Superdome.

Hosts ng timpalak sina Iza Calzado at James Deakin. Panauhin sina Piolo Pascual at Senator Imee Marcos.

piolo pascual miss ormoc

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa lipon ng dalawampung kandidata, kinoronahan si Shaan Morata, na lalahok sa Miss Grand Philippines.

Ang first runner-up na si Monette Paula Mangcal ay magko-compete sa Mutya ng Pilipinas.

Ang tatlo pang runners-up ay sina April Siaboc, Rio Anne Ronato, at Rafa Monica Fernandez.

miss ormoc 2023

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Miss Ormoc 2023 winners

Ang Miss Ormoc 2022 na Liezle Jones ay magre-represent sa lungsod sa Miss World Philippines.

Naudlot ang streetdance parade ng Piña Festival nitong Hunyo 26, Lunes ng hapon, dahil sa malakas na ulan. Dumiretso ang eight contingents sa City Sports Complex para sa ritual grand showdown. Buti at humulaw na bandang 6:00 p.m.

World-class ang kanilang mga pagtatanghal. Kani-kanya ng paandar. Naroon ang pagpupugay kina San Pedro at San Pablo, at paggunita sa kasaysayan ng lungsod.

Gaya ng inaasahan ng karamihan, nag-kampeon sa paligsahan ang Pundok sa Nagkhaisang Ormocanon (STI College-Ormoc). First runner-up ang Pundok Kasadpan (Western Leyte College), at second runner-up ang Pundok Sidlakan (EVSU-Ormoc Campus).

pina festival 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinanghal na Piña Festival Queen 2023 si Lime Berry Linaga ng Pundok Madasigon (Ipil National High School).

shaan morata miss ormoc city 2023

Lime Berry Linaga

First runner-up si Geovanna Catalina Con-ui Dawa ng Pundok Kasadpan (Western Leyte College), samantalang second runner-up si Giovana Scala ng Pundok Sitihaynon (New Ormoc City National High School).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Guest performer si Seth Fedelin, at kilig-kiligan sa kanya ang fans, kahit pa halatang lip synch ang tatlo niyang song number, at ngumunguya-nguya siya ng chewing gum.

Bahagi rin ng highlight ang dance number ng opisyales ng lungsod, sa pangunguna ng mag-asawang Congressman Richard Gomez at Mayor Lucy Torres-Gomez.

Ngayong Hunyo 27, Martes, ang Lechon Kumbira kung saan labing-apat na lechon ang magkakalaban at kapagkuwan ay pagsasaluhan.

Today rin ang blessing sa balkonahe ng Ormoc City Museum, at ang Business Night sa Carlosta Hotel kung saan panauhin sina Bituin Escalante at Frenchie Dy.

Hunyo 28, Miyerkules ng gabi, ang libreng concert ng Hitmakers sa Ormoc City Stage. Tampok sa music festival sina Marco Sison, Rey Valera, Nonoy Zuñiga, at ang Silent Sanctuary.

Hunyo 29, Huwebes, naman ang libreng concert ni Vice Ganda. Sadyang ang Ormoc City ang "Events Capital of Eastern Visayas"!

Nilinaw ni Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez na ang Department of Tourism ang nagbigay ng nasabing taguri sa kanilang lungsod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, that’s what Tourism said, we were based on the nature of why people would be coming to the city,” sabi ni Mayor Lucy noong Hunyo 26, Lunes ng hapon, sa kanyang tanggapan sa Ormoc City Hall.

“More than wanting to be the best, I want the people here to be used to standard of excellence.

“Gusto ko na mawala yung mindset ng taga-probinsiya na, ‘OK lang ito, puwede na ito, probinsiya lang naman tayo.’ Hindi ganun.”

Read: Mayor Lucy at Congressman Goma, bongga ang mga pasabog sa 75th charter anniversary ng Ormoc City

NOEL FERRER

Inalala ni Mayor Lucy Torres-Gomez yung kabataan niya na ang glamorosang si Eva Eugenio ang dumadalaw sa kanila sa Ormoc — at yun ang nagtatatak sa kanilang mga kababayan.

Kaya ngayong sila na ang namumuno ng lalawigan, dahil kung hindi man makapanood ang mga taga-Ormoc ng concerts ng mga the best sa entertainment industry, sila na ang nagdadala rito sa lalawigan ng mga tulad nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, The Company, Philippine Philharmonic Orchestra, Andrew E., at marami pang iba. Ito kasi ang maaalala ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Regine Velasquez, bumirit ng kanta mula sa rooftop ng Ormoc City Museum

Bukod sa mga Ormocanon, maraming ibang galing sa ibang kalapit-lugar ang dumadayo sa Ormoc para makapanood ng libreng concert. Marami ring negosyo ang nadye-generate nito — pagkain, transportasyon, mga hotel, atbp.

Grabe rin dahil in such a short time mula noong huli tayong nakadalaw sa Ormoc, maraming bagong lugar ang ating napuntahan tulad ng Heaven’s Peak at 88 Café na maipagmamalaki talaga rito.

Nandito rin ang nanalong best pasalubong na Alto Peak Chocolates, na meron nang champorado at mangga’t suman na isine-serve kasama ng kanilang masarap ng tsokolate. Sana’y matuloy na ang distribution nito sa Metro Manila soon sa tulong ni Iza Calzado at ang asawang si Ben Wintle.

May Ormoc Airport na rin na sana’y mabuksan na sa mas marami pang flights. Maaayos din ang mga daan. And very soon, may bagong pamantasan na bubuksan sa Ormoc mismo dahil prayoridad ng mga leader dito ang edukasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakatuwa na maraming mga tao ang nag-i-invest sa Ormoc, at ikinatutuwa ng mag-asawang Richard at Lucy.

From being the "drug capital in the Visayas" noong bago sila umupo, ngayo’y kinilala ito bilang isa sa sa safest places in the Philippines.

Ang dami tuloy nakukumbinsing kumuha ng property sa Ormoc at ito ang gawing retirement place. Ang saya lang talaga at nakaka-proud!

GORGY RULA

Ang isa pang nakakatuwa, sabi ni Mayor Lucy, karamihan sa mga artistang nagpe-perform sa Ormoc ay parang nakakaramdam na at home na sila agad.

Di ba, nung nakaraang t?on ay mag-isa lang si Zsa Zsa Padilla na nagdya-jogging sa umaga? Hindi siya natatakot.

Kahit si Piolo Pascual ay ganundin, na parang taga-Ormoc na rin na nakipagbatian sa mga nasasalubong niya habang nagdya-jogging.

Ang iba, kagaya ng mag-asawang Ben Wintle at Iza Calzado, ay nag-extend pa ng isang araw para makapaglibot.

Ang kalaban lang sa taunang selebrasyon ay ang ulan. Pero keber ng mga Ormocanon kahit umuulan, tuloy pa rin ang selebrasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya nga biglang natakot si Seth Fedelin nang mag-perform siya sa Grand Showdown nung Linggo dahil ang buong akala yata niya, konti lang mga tao dahil sa ulan. Hindi niya akalaing punung-puno ang Ormoc City Sports Complex na pagtatanghalan niya.

Sobra siyang namangha sa laki ng stage at sa dami ng taong nagkagulo sa kanya. Kaya napanguya siya ng chewing gum, para mabawasan siguro ang takot.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mayor Lucy Torres-Gomez on Ormoc City being recognized as 'Events Capital of Eastern Visayas': “More than wanting to be the best, I want the people here to be used to standard of excellence. Gusto ko na mawala yung mindset ng taga-probinsiya na, ‘OK lang ito, puwede na ito, probinsiya lang naman tayo.’ Hindi ganun.”
PHOTO/S: Jerry Olea / City Government of Ormoc Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results