PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Magandang Dilag ni Herlene Budol, nagpasiklab agad sa ratings

Pagsagot ni Herlene Budol sa Miss Grand Philippines presscon, part ng promo?
by PEP Troika
Published Jun 27, 2023
herlene budol magandnag dilag
Maganda ba ang naging resulta sa ratings ng bagong afternoon drama series ni Herlene Budol sa GMA-7 gaya ng titulo nito?
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Nagpasiklab si Herlene Budol, aka Hipon Girl, sa pilot episode ng pinagbibidahan niyang drama series, ang Magandang Dilag, na nagsimula sa Afternoon Prime ng GMA-7 nitong Lunes, June 26, 2023.

Naka-9.7% ito, at magandang simula na iyon.

Read: Herlene Budol on headlining GMA-7's new drama series: "Hirap ho ako sa script talaga."

Ang pinalitan nitong AraBella ay hindi sumampa sa 9% ang pilot episode. Ang finale ng AraBella ay 10.8%.

Tuwang-tuwa ang mga taga-Magandang Dilag na nag-resume ng taping noong Linggo, June 25. Nagkaroon kasi sila ng break nung nakaraang linggo dahil abala pa si Herlene sa pagsali niya sa Miss Grand Philippines 2023.

Pero nung linggong iyon ay pinag-usapan pa rin ang actress-beauty queen dahil sa pagsagot niya sa press conference ng Miss Grand Philippines 2023. Iyon ang typical Herlene na dala pa rin niya sa pagsali sa naturang beauty pageant.

Read: Herlene Budol, nabatikos sa "pagpapakatotoo" niya sa Miss Grand Philippines 2023 interview

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Herlene, yung character niya na mapapanood sa mga unang episode ng Magandang Dilag ay siyang-siya. Naka-prosthetics pa siya para magmukhang pangit at jologs magsalita.

Aniya, “Dun po sa una na naka-prosthetics po ako, Herlene na Herlene naman ho yun. Tapos, nung maganda na, inalis na yung prosthetics, as a beauty queen, naa-apply ko naman po yung personal ko sa istorya. Ang galing!”

Ayon sa ilang sources ng PEP Troika, sinadya raw ni Herlene na ganun ang sagot niya sa press conference ng Miss Grand Philippines. Ganung-ganun daw kasi ang karakter niya sa Magandang Dilag na parang bardagul sumagot.

Read: Herlene Budol apologizes for her Miss Grand Philippines 2023 interview: “Di ko lang po talaga na-gets yung tanong.”

Ewan ko lang kung totoong itinuro raw sa kanya yun ng kanyang manager para sa promo ng Magandang Dilag.

Tamang-tama kasing sumabay ito sa promo ng drama series niya kaya pinag-usapan naman. At sana nga, nakatulong sa promo nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng aming source, hindi na nila iniisip kung manalo o hindi sa Miss Grand Philippines. Ang mahalaga, na-promote ng naturang beauty pageant ang Magandang Dilag.

NOEL FERRER

Oh, so art imitates life, or vice versa?

Naku, iba ang labanan ng fiction at non-fiction; iba ang TV at totoong buhay!

Kung napaghahalo mo o nako-confuse ka, kailangang ipagpag mo iyan, Herlene!!!

Tingnan natin kung saan ka magwawagi — sa teleserye o sa beauty pageant or both or none at all. Wishing you all the best!!!

JERRY OLEA

Noong nakaraang linggo ay gitgitan sa ratings ang FPJ’s Batang Quiapo at Voltes V: Legacy, pati ang It’s Showtime na nasa TV5 pa, at ang revamped Eat Bulaga! ng GMA 7.

Nitong Hunyo 26, Lunes, ang It’s Showtime ay 3.9% at ang revamped Eat Bulaga! ay 4%.

Ang Abot Kamay Na Pangarap ay consistent pa ring mataas na 10.9%. Ang The Seed of Love naman ay 7.2%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang guesting ni Ricci Rivero sa Fast Talk with Boy Abunda ay 5.5%, at ang Luv Is nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ay 5.6%.

Sa Hulyo 1, Sabado, ay nasa GTV na ang It’s Showtime, mag-uumpisa ang bagong noontime show ng TVJ sa TV5, at bonggang-bongga ang mga papremyo sa revamped Eat Bulaga!.

Abang-abang tayo kung saan at kailan muli mapapanood ang segment na "Pinoy Henyo."

At tingnan natin kung ispageting pataas o ispageting pababa ang ratings ng Magandang Dilag. Laban, Hipon, laban!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maganda ba ang naging resulta sa ratings ng bagong afternoon drama series ni Herlene Budol sa GMA-7 gaya ng titulo nito?
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results