JERRY OLEA
Balik-akting si Marian Rivera sa Kapuso primetime series with Gabby Concepcion, at sa bagong movie with husband Dingdong Dantes.
Paano ipinapaunawa ni Marian sa dalawang anak nila ni Dingdong na sina Zia at Sixto na mapapalayo siya for a while sa mga ito para magtrabaho?
Read: Zia Dantes takes after her parents' dancing skills
“Simple lang, time management,” mabilis na tugon ng Kapuso actress sa launch ng BlancPro (affiliate ng Beautederm) nitong Hunyo 29, Huwebes, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.
“And siguro maganda na open yung communication ko sa kids. At kahit bata pa sila, ine-explain ko sa kanila.
“‘Ito ang gagawin ni Mama.’ ‘Ito yung mga times na wala si Mama.’ O, ‘Ito yung mga times na free si Mama,’ masasamahan ko, makakapasyal tayo.
“So I’m very open, especially to Zia. Si Zia kasi, medyo mature na talaga ang isip. Naiintindihan niya na.
“So pag wala ako, sasabihin ko sa kanya, ‘Bahala ka sa kapatid mo, ha? Ikaw ang tatayong mama ni Sixto pag wala si Mama.’
“So, may mga ganung conversation na kami. At talagang mahalaga na wala pa man, hindi pa man nangyayari, nabibigay mo na ang schedule ahead of time sa kanila.
“Mas maganda kasi na sinasabi mo sa mga bata. Hindi yung one week before, aalis na pala ako, may taping na pala ako.
“So, mas maganda, months pa lang, alam nilang magwo-work si Mama. So, handa yung isip at puso nila na mawawala ako.
“But… mabilis lang naman. Four months lang. Ha! Ha! Ha! And then after, go back na uli kami. Back na uli ako sa kanila sa school.”
Read: Zia Dantes receives a surprise party on 7th birthday
GORGY RULA
Seven years old na si Zia, samantalang four years old si Sixto. Ipagkakatiwala ni Marian kay Zia ang pag-aalaga kay Sixto kapag balik-trabaho na siya.
Sabi ni Marian, “Kausapin ko talaga siya. O, anak, wala si Mama, ha? You will take of your brother,’ sabi ko ganun sa kanya. ‘You update me.’
“Nanay-nanayan naman siya. Matured kasi mag-isip si Zia, e. Nakaka-proud siya bilang ate.”
Nagtatrabaho sa bahay si Zia. Naglalaba ng underwear niya.
“May checklist ako sa kanya sa dapat niyang gawin. Kung puwede ko lang ma-share sa inyo, meron dun siyang list na kailangan wina-wash niya yung underwear niya, every time na ginagamit niya,” lahad ni Marian.
“So, yung kanyang routine sa bahay, cleaning the room, turn off the lights and the TV, alam mo yung pag hindi ginagamit, clean up your room, pick up your clothes, and wash your underwear.
“Ano naman si Zia, e, alam niya kung paano niya dadalhin yung sarili niya,” sabi pa ng first endorser ng BlancPro.
NOEL FERRER
After pahinga, sabak sa major-major na work si Marian. And busy is happy really!!! Naayos naman na niya ang basic sa buhay niya, so she can do the things she wants to do na! Excited siyempre si Marian sa upcoming projects niya.
Read: Kapuso couple Dingdong Dantes, Marian Rivera to headline Star Cinema's "Rewind"
Aniya, “Actually, yung sa soap, very excited. Kasi ang tagal na nito. Parang dapat last month pa kami mag-start.
“May mga inayos lang na konti, na sabi ko nga e, ‘Gusto ko, pag gumawa ako ng isang proyekto, puwedeng panoorin ng mga anak ko at magiging proud ako.’
“So ito yung isa sa mga proyekto na yun. About movie naman, a dream come true for me. Kasi, first time ko talaga with Star Cinema, with Dingdong.
“So, parang sabi ko, ‘Wow! Napakaganda. Napakagandang opportunity! Masarap sa pakiramdam!’ Very excited na din ako to work.”
Halos five years na hindi gumawa ng teleserye si Marian kaya may kaba siya sa pagbabalik-akting niya.
“Sabi ko nga, ‘Naku, back to zero na naman ako sa lighting, sa direktor, sa pag-arte!’ Sabi ko, mangangapa talaga ako, and that’s for sure,” lahad ni Marian.
“Pero sabi ko nga, dahil siguro sa mga makakasama ko, for sure tutulungan ako ng mga direktor — ay maibabalik ko uli yung dating sharpness ko sa pag-arte.”
