PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tony Tuviera, tikom pa rin ang bibig amid TVJ-TAPE Inc. issues

Mr T, mas pinapahalagahan ang pamilya
by PEP Troika
Published Jul 2, 2023
tony tuviera, tito sotto, vic sotto, joey de leon
Ayon kay Direk Mike Tuviera, panganay na anak ng TAPE Inc. co-owner na si Tony Tuviera (na mas kilala bilang Mr. T), mas pinipili ng kanyang ama na manahimik na lang sa gitna ng hidwaan sa pagitan ng TAPE Inc. at ng former Eat Bulaga! hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon. Nananatili si Tony bilang Production Consultant sa TAPE Inc, na siyang nagpapatakbo ng revamped edition ng Eat Bulaga!

GORGY RULA

Isang tao na lang ang hinihintay na magsalita tungkol sa mainit ng isyu ng Eat Bulaga!, ng TAPE, Inc., at nina Tito, Vic and Joey—si Mr. Tony Tuviera.

May tinanong ang PEP Troika na ilang involved sa bagong show ng TVJ na E.A.T. kung nandun ba sa studio si Mr. Tuviera. Wala raw.

Bahagi pa rin si Mr. T sa TAPE, Inc. Sa katunayan, nasa closing credits ng Eat Bulaga! ang pangalan niya bilang Production Consultant.

Pero hindi pa raw nakikita uli si Mr. T sa APT Studio kung saan ginagawa ang Eat Bulaga!.

Nakorner namin ang anak ni Mr. T na si Direk Mike Tuviera sa nakaraang media launch ng bagong endorsement ni Marian Rivera na BlancPro ng Beautederm.

Mina-manage si Marian ng Triple A ni Direk Mike Tuviera. Ang Triple A at APT Entertainment ay ang mga kumpanyang hawak ni Direk Mike.

Kinlaro ni Direk Mike na wala siyang kinalaman sa TAPE, Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako naman kasi, I’m not involved. I’m not involved with TAPE. Dun lang talaga ako sa activities ng APT. Ang APT and Triple A, ang dami na naming ganap,” pakli ni Direk Mike.

“Actually, pinag-usapan naman namin ito ng dad ko. My passion was always movies kasi, saka narrative.

“So, ang TAPE naman kasi ang gumagawa ng narrative. So, I was never involved in TAPE. Sa APT talaga ako ever since,” dagdag niyang pahayag.

Okay naman daw ngayon ang daddy niya. Mas may time na raw ito ngayon sa kanilang pamilya.

Alam daw naming hindi talaga magsasalita ang kanyang ama, lalo pa sa isyung ito ng Eat Bulaga! at ng TVJ.

“Okay naman siya. Hindi lang talaga siya masyadong magsalita,” saad ni Direk Mike.

“Sa family, kami, yung mga apo niya. He’s catching up on time with family. Yun yung main ano niya, parang source of happiness niya ngayon. Laging kasama yung family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“When we’re together, we don’t really talk about working,” saad ni Direk Mike Tuviera.

NOEL FERRER

Hindi itinatanggi ni Direk Mike Tuviera na nalulungkot ang kanyang ama sa mga nangyayari.

“I think kahit sino naman. I think buong bansa naman nalungkot sa chain of events. Pero he’s okay now lalo na... we don’t talk about it.

“But ano naman, as long as surrounded siya ng family.”

Sa huli’t huli, katulad na rin ng nasabi ng magkabilang panig, they are there to respect and support Mr T, and so be it!

JERRY OLEA

Masalimuot ang mga kaganapan sa pagkalas ng TVJ, Legit Dabarkads, at staff sa TAPE.

Patung-patong ang mga bagay-bagay na dapat linawin, at makabubuti sigurong idulog at ipaubaya iyon sa husgado.

Nasabi na namin before na ang isang “mahiwagang” coffee maker is just the tip of the iceberg.

Kung pipiliin pa rin ni Mr. T na manahimik, nasa kanya yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inaasam natin na sa tamang panahon ay maayos ang gusot, at maghilom ang mga “sugat.”

Ano kaya ang magpapabuklod sa dalawang panig na magkaumpog sa usaping ito?

Posible bang ipaubaya na ng TAPE sa TVJ at Legit Dabarkads ang paggamit ng program title na Eat Bulaga! — considering na may contractual obligations ang TAPE sa advertisers?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Direk Mike Tuviera, panganay na anak ng TAPE Inc. co-owner na si Tony Tuviera (na mas kilala bilang Mr. T), mas pinipili ng kanyang ama na manahimik na lang sa gitna ng hidwaan sa pagitan ng TAPE Inc. at ng former Eat Bulaga! hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon. Nananatili si Tony bilang Production Consultant sa TAPE Inc, na siyang nagpapatakbo ng revamped edition ng Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results