PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Male personality, kuda nang kuda laban sa hosts ng noontime show

Male personality, meron bang ambag sa tumitinding battle of noontime shows?
by PEP Troika
Published Jul 2, 2023
Blind item
Sino itong male personality na kuda nang kuda habang pinapanood ang isang kontrobersyal na noontime show, at panay daw ang text sa mga big boss ng production ng kanyang panlalait sa mga host, na ayon sa kanya ay walang kalatuy-latoy?
ILLUSTRATION: Igi Talao

GORGY RULA

Totoo kaya itong nakarating na kuwento sa PEP Troika na meron daw kilalang male personality na kuda nang kuda habang pinapanood ang isang kontrobersyal na noontime show?

Ang tsismis na nakarating sa amin, nagte-text daw itong male personality sa ilang boss ng production ng programang ito. Pawang panlalait daw ang tini-text niya tungkol sa mga host.

Sinasabi raw na talung-talo na raw ang noontime show na ito sa dalawang makakatapat na shows.

Hindi lang alam ng aming source kung anong eksaktong words na ginamit, pero pawang negative comments daw ang tine-text na tipong walang kalatuy-latoy ang mga host. Walang kuwenta!

Noong napag-usapan na raw kasi ang matinding tapatan ng tatlong noontime shows, nagsa-suggest daw ito sa production staff na kunin ang dati niyang programa na siya ang maghu-host.

Hindi naman daw sila sure diyan kung papayag ang network.

Pero kung kukunin daw ang format ng dati niyang show, tiyak na patok na patok daw yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagkibit-balikat na lamang ito ng ilang hosts nang nakarating sa kanila itong mga pinagsasabi diumano ni male celebrity.

Sabi ng isang host, sana ay tanggapin na lang daw nitong si male celebrity na hindi muna niya panahon ngayon.

Hintayin na lang daw ang tamang panahon na babalik ang dating kinang ng kanyang hosting career.

Ganoon talaga iyan! Pana-panahon lang yan!

NOEL FERRER

Ang nakakontrata sa network ay ang specific na programa at format, at airtight daw talaga ang contract na hindi puwedeng maiba ang nature o buod ng show na napagkasunduan.

Kahit rebranding ay baka isyu pa rin talaga.

Oh well, may kanya-kanya talagang opinyon ang mga tao. Karapatan natin iyun. Bahala na lang kung paano ito tatanggapin at bibigyan ng halaga.

JERRY OLEA

Panalo ang audience sa kabugan ng tatlong noontime shows — E.A.T. sa TV5, Eat Bulaga! sa GMA-7, at It’s Showtime sa GTV.

Naniniwala ako na win-win situation para sa Kapuso Network na panatilihin ang Eat Bulaga! sa kanilang kuwadra, at idagdag sa GTV ang It’s Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga hanash nang hanash ng kanegahan, makabubuti sigurong tutukan muna nila ang mga kaganapan nowadays sa TV landscape.

Maging realistic kumbaga sa probability ng mga iminumungkahi. Huwag ipagduldulan ang malabo at irrelevant, 'ika nga.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino itong male personality na kuda nang kuda habang pinapanood ang isang kontrobersyal na noontime show, at panay daw ang text sa mga big boss ng production ng kanyang panlalait sa mga host, na ayon sa kanya ay walang kalatuy-latoy?
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results