PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Assunta de Rossi's Pandemic Motherhood

Assunta de Rossi says no to making a showbiz comeback.
by PEP Troika
Published Jul 4, 2023
assunta de rossi
Assunta de Rossi on taking a break from showbiz to raise daughter Fiore: "Dinedicate ko talaga yung buhay ko... sa motherhood talaga. Ang tagal ko rin bago siya… di ba, ang tagal ko siyang inantay. So, nung dumating nga siya, siguro parang naisip ko nga rin na it is a new chapter. Okay na! Ang tagal ko nang artista. Ang tagal ko nang ibang tao yung winu-worry ko. Ang dami kong priorities noon. E, di eto na ngayon, and in-accept ko naman.”
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Kasama ni Assunta de Rossi ang daughter niyang si Giulia Fiorentina Alessandra o Fiore sa 10th birthday celebration ng Farrell Triplets noong Hulyo 1, 2023, Sabado ng gabi, sa Okada Manila, Parañaque City.

Read: Farrell triplets ng dating aktres na si Ramona Revilla, interesadong mag-showbiz

Sa Oktubre 23 ay magti-three years old na ang miracle baby nina Assunta at Jules Ledesma, pero nagbe-breastfeeding pa rin ito.

Noong 2002 pa ikinasal sina Jules at Assunta. Napakatagal bago sila biniyayaan ng supling.

Read: Assunta de Rossi gives birth to her "miracle baby"

“May konting parental shock. Kasi ano, e… kahit sabihin mo na nabasa ko na lahat ng articles, nag-research na ako lahat ng videos, parang nothing really prepares you,” pagtatapat ni Assunta.

“Tapos gitna pa ng pandemic. So, wala ako masyadong support from family, kasi nga wala yung parents ko, wala akong kasamang kapatid.

“E, talagang ganun. So, ni-navigate ko yung motherhood, halos mag-isa lang din talaga ako. Wala masyadong guidance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakaya naman, laban lang. Ha! Ha! Ha! Talagang ganun, e.”

Kumusta ang support sa kanya ng husband niyang si Jules?

Napangiti si Assunta, “Okay naman. Takot kasi yun sa bata, e. Takot talaga sa mga bata. So, andun lang siya.

“Emotional support, okay naman. Until now naman, ganun pa rin naman siya. Pero mahal na mahal niya yung bata. Lagi niyang hinahanap.

“Tapos yun! Nagba-bonding din naman sila kapag hindi naman siya busy. Thankfully talaga, meron akong helpers. Kasi kung wala, mababaliw na talaga ako!”

OK na ba sa kanya ang isang anak? O umaasam siyang masundan pa si Fiore?

“We’ll see kung itinadhana. If it’s meant to be, kasi 40 na rin ako,” tugon ni Assunta.

“Hindi ko alam kung kaya ko pa ba, or sabihin na natin… sa kanya kasi ako nakatutok, e.

“As of now, hindi ko alam kung kaya ko pang hatiin ang atensiyon ko. E, sa sarili ko na nga lang, hindi na ako magkandaugaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pa sa plano niyang magbalik-showbiz?

Mabilis na sagot ni Assunta, “No, no, no talaga! She’s my priority talaga."

Hanggang kailan niya ipa-prioritize si Fiore at isasantabi ang kanyang showbiz career?

“Hanggang kaya ko. Hanggang sabihin niya siguro, ‘Ako na ‘to!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa muli ni Assunta.

“Kahit hanggang mag-18 years old siya, okay lang. Dinedicate ko talaga yung buhay ko... sa motherhood talaga.

“Ang tagal ko rin bago siya… di ba, ang tagal ko siyang inantay. So, nung dumating nga siya, siguro parang naisip ko nga rin na it is a new chapter.

“Okay na! Ang tagal ko nang artista. Ang tagal ko nang ibang tao yung winu-worry ko. Ang dami kong priorities noon. E, di eto na ngayon, and in-accept ko naman.”

Read: Preggy Assunta de Rossi: "Survived 1st and 2nd trimester...without complications"

NOEL FERRER

Talaga? Takot pala sa bata si Jules?

Pero hindi ba nainggit kay Assunta ang 38-year-old sister niyang si Alessandra na meron na siyang anak?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ahh hindi, ano lang yun, parang feeling ko, anak din niya si Fiore. Sapat na sa kanya yun,” sabi ni Assunta.

“E, iyong ibang mga kapatid ko nga, parang wala silang balak mag-asawa’t mag-anak.

“Nag-iisa lang talaga si Fiore. Kawawa naman! Nag-iisa siyang apo ng family unit namin, sa de Rossi.

“Kaya talagang princess na princess yan!”

Read: Assunta de Rossi's miracle baby is a girl

JERRY OLEA

Ten days bago ang lockdown noong Marso 2020, nalaman ni Assunta na six weeks pregnant siya.

Pagbabalik-tanaw ni Assunta, “Ganun. Ganun lang! ‘Ha? Joke ba ‘to?’ Ganun. Kasi wala, hindi pa ako nakaramdam ng symptoms nun e.

“Sabi ko lang, ‘Delayed ako?’ Talagang sige, pa-check up ako. That time, kumakalat na nga yung COVID, 'no?

“Buti na lang, nakapaghabol pa ako. So, nakapagpa-check up naman na ako nun. And then biglang boom! “Ahh! Spontaneous talaga. Kaya yan, miracle baby ko talaga yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-IVF (in-vitro fertilization) na sila noon ni Jules.

“Nag-try na ako once. Hindi naging successful. Siguro mga three years before ako nagbuntis naturally,” pagsisiwalat ni Assunta.

“To be honest, nagpa-plan na rin kami nung 2020. Sabi ko, ‘Hey, you wanna try again? May embryos pa ako diyan.’

“Kung hindi maging successful, ‘You wanna try abroad? Mga America, or Singapore, Taiwan, marami diyan.’

“Meron akong friends, nagsa-suggest na rin e. ‘Try mo itong clinic na ‘to. Try this.’ Okay, tapos wala, parang sige fine.

“E, nung time na yun, kumakalat na ang COVID. ‘Ano ba ‘to? Paano ang gagawin?’ And then, yeah, it just happened.”

Read: Assunta de Rossi is pregnant

Andaming restrictions noong lumaganap ang COVID. Nahirapan siya?

“Oo. I was five months na nung sumunod na check up. Mula nung nag-lockdown, wala,” salaysay ni Assunta.

“As in nandun lang ako, na-stuck sa bahay. Nanonood lang ng TV. Wala ka namang puwedeng gawin. Hindi ka naman puwedeng lumabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos wala. Nagre-rely ka lang sa symptoms, ganun. Maya’t maya, yung mommy ko, kukumustahin ako. ‘Anak, kumusta ka na?’ ‘Eto, hilung-hilo na ako.’

“‘Okay lang yan, anak. Ibig sabihin nun, healthy pregnancy.’ Ibig sabihin nun, buntis pa ako!

“Tapos minsan yung OB ko, kukumustahin ka. ‘Kumusta ka naman?’ ‘Eto, tulog nang tulog.’ ‘Ahh okay, normal lang yan.’ ‘Eto, nasusuka ako.’ ‘Okay, normal lang yan.’

“Ibig sabihin, may laman pa ‘to! Ha! Ha! Ha!” pagmumuwestra ni Assunta sa sinapupunan.

“Nung hindi na restricted yung ano, nakakapagpa-check up na ako. Nabuo na talaga siya. Ang laki na ng baby, five months pregnant na ako.”

Read: The moment Assunta de Rossi finds out she is pregnant

Nagka-postpartum depression siya?

“Exhaustion, yeah. Kasi, you go from tulog nang tulog to suddenly wala nang tulog,” pahayag ni Assunta.

“Kasi every two hours, nagpi-feed yung baby. Tapos yun na nga, until now naman. Yung anak ko doesn’t sleep through the night pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, isa yun sa mga struggles ko sa araw-araw, yung lack of sleep. Kasi, she sleeps with us, di ba? Gising pa rin siya ng gising.

“Kaya ang eyebags ko! Wala na rin akong time for myself, kasi talagang in the morning, I fix her breakfast. Ako pa rin nagpapakain sa kanya.

“May dalawang yaya to assist me, para magbantay. Pero ako ang nagpapakain, nagpapatulog. Ako yung sumasama din sa school.

“Kung ano man ang activities na kailangan niya, I’m there. Hindi siya humihiwalay sa akin at all.

“Kung kailangan niyang lumabas, kasama ako. Pero ako, I can go out naman on my own pero nasa bahay lang siya.

“Pero any lakad niya, kailangang kasama ako.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Assunta de Rossi on taking a break from showbiz to raise daughter Fiore: "Dinedicate ko talaga yung buhay ko... sa motherhood talaga. Ang tagal ko rin bago siya… di ba, ang tagal ko siyang inantay. So, nung dumating nga siya, siguro parang naisip ko nga rin na it is a new chapter. Okay na! Ang tagal ko nang artista. Ang tagal ko nang ibang tao yung winu-worry ko. Ang dami kong priorities noon. E, di eto na ngayon, and in-accept ko naman.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results