PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Faye Lorenzo, iniyakan ang pagkakatanggal sa 'Bubble Gang'

Michael V at Chariz Solomon, nagsalita tungkol sa mga pagbabago sa 'Bubble Gang.'
by PEP Troika
Published Jul 5, 2023
faye lorenzo bubble gang
Faye Lorenzo on being axed from 'Bubble Gang': "Siyempre, na-hurt nang konti, pero at the same time, naintindihan ko din na baka puwedeng yun yung will ni God para siguro maiba naman yung forte ko. Siguro may reason kung bakit ganun. Iyon yung first love ko, ang show na yun, e."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nalungkot at iniyakan ng Kapuso sexy actress na si Faye Lorenzo nang ipinarating sa kanyang indi na siya kasali sa regular cast ng Bubble Gang.

Nagbago ng format ang Bubble Gang na mapapanood na sa Sunday primetime ng GMA-7 simula Hulyo 9, 2023, Linggo ng 6:00 p.m. Isa si Faye sa hindi na kasali.

Read: 'Bubble Gang', lilipat ng timeslot; magtatanggal at magdadagdag ng cast members

Ang mga bagong nasa cast ng naturang gag show ay sina Buboy Villar, Edgar Allan Guzman, Analyn Barro, at Cheska Fausto. Kasali pa rin sina Michael V, Paolo Contis, Chariz Solomon, Kokoy de Santos, at Betong Sumaya.

Nakatsikahan ng PEP Troika si Faye sa story conference ng bagong pelikulang gagawin niya, ang The Vigil, ng Obra Cinema, noong Hulyo 2, Linggo, sa Max’s Sct. Tuason, Quezon City.

Read: Male cast ng horror movie na 'The Vigil' kuwela ang sagot sa tanong na "Are you still a virgin?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Faye, sa Bubble Gang daw talaga siya nabigyan ng magandang break. Kaya nang nakarating sa kanyang hindi na siya kasali, nalungkot talaga siya.

Aniya, “Siyempre, ang tagal ko na rin po sa Bubble, and yun po yung unang-unang nagbukas sa akin ng door sa GMA .

"Siyempre, na-hurt nang konti, pero at the same time, naintindihan ko din na baka puwedeng yun yung will ni God para siguro maiba naman yung forte ko.

"Siguro may reason kung bakit ganun. Iyon yung first love ko, ang show na yun, e."

Ang iniyakan daw niya talaga ay hindi na niya makakasama ang mga kaibigan niya sa Bubble Gang.

"Iniiyakan ko kasi mami-miss ko yung cast. Masaya ho sa Bubble, e. Parang family kami doon. Pero ganun talaga ang buhay," pakli ni Faye.

Mabuti at may mga kasunod na projects naman daw na nabigay sa kanya. Isa na nga rito ang pelikulang The Vigil na ididirek ni Adolf Alix Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ipinaliwanag naman ni Michael V na ang pagtanggal ng ibang cast ng Bubble Gang ay desisyon ng network at alam nilang may valid reason kung bakit binago ang cast sa bagong format nito.

"We have to trust the network sa ginagawa nila. Hindi naman basta basta on a wink, tanggalin natin to, tanggalin natin to.

"Nagkakaroon ng studies and this time around, it so happened na studies pointed out to some reasons na na-discuss na i-let go sa show.

"Pero, as I've always said, itong mga naging part ng Bubble Gang na ito, itong mga artistang naging talent ng Bubble Gang, alam nila e, what it takes to be part of the show, and they can always find there way back," pahayag ni Bitoy sa mediacon ng Bubble Gang.

Speaking of Bitoy, abala ito na gawing espesyal ang kaarawan ng asawa niyang si Carol na mahal na mahal din natin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Happy Birthday, Ayoi!!!

JERRY OLEA

Isa rin si Valeen Montenegro sa natanggal sa Bubble Gang, at ikinalungkot ito ni Chariz Solomon.

Magka-partner sina Chariz at Valeen sa nakakaaliw na segment nilang "Balitang Ina." Iniyakan ni Chariz nang nalaman niyang hindi na nila kasama si Valeen.

Ani Chariz, “Siyempre po. Iniyakan ko po yun, saka kaibigan namin yun. Pero ano... nung isang araw lang, magkasama kami. Sa kanya kasi, alam niya yung takbo, alam niya yung konsepto ng negosyo, sa showbiz.

"Si Valeen naman, hindi naman siya nawalan. Nag-gain siya. Kasi sa Bubble, ang dami niyang natutunan.

"And naka-build siya ng magandang relationship. So, tinake niya yan with her, meron siyang mga bagong trabaho. Hindi lang ho sa mainstream, napaka-active rin niya sa work niya sa digital. And proud na proud po ako sa kanya.

"Ang sinabi ko sa kanya, 'Hindi naman ito lang yung venue natin to be together.' Kasi pareho po kaming may pangarap sa together na gagawin, na we will stick together, and will be partners pa rin. Hindi lang namin dito puwede gawin yun, maraming venue."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Faye Lorenzo on being axed from 'Bubble Gang': "Siyempre, na-hurt nang konti, pero at the same time, naintindihan ko din na baka puwedeng yun yung will ni God para siguro maiba naman yung forte ko. Siguro may reason kung bakit ganun. Iyon yung first love ko, ang show na yun, e."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results