GORGY RULA
Nagtataka ang mga taga-Eat Bulaga! kung sino ang nagkakalat ng tsismis na hanggang July 29, 2023 na lang daw ang noontime show ng TAPE Inc. na uneere sa GMA-7.
Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline
Pinabulaanan ito ng host na si Paolo Contis, na isa sa aligaga sa pag-iisip ng segments at kung ano pa ang puwedeng gawin sa kanilang programa.
Hanggang 2024 pa ang kontrata ng TAPE sa GMA-7.
Read: 'Eat Bulaga!' relaxed amid battle of noontime shows
Bukod pa riyan, bago pa man sila nagsimula ay sinabi na raw sa kanila na ini-expect nilang mahirap ang pagdadaanan nila dahil masyado nang identified ang programa kina Tito, Vic & Joey at sa legit Dabarkads. Nakahanda raw silang igapang ito ng isang taon.
So far, ay masaya raw ang mga boss nila sa performance ng hosts, pati sa ratings at commercial loads.
Napilitan tuloy si Paolo na ibahagi sa amin na meron silang pinaghahandaan sa July 29. Bale yun daw ang big day ng 44th anniversary ng Eat Bulaga!.
Anniversary month ng Eat Bulaga! ang buwan ng Hulyo. Sa 29 ang pinaka-big day nila.
Hindi pa puwedeng sabihin ni Paolo kung ano ang aabangan sa anibersaryo ng longest-running noontime show.
Hindi lang ako masagot ni Paolo kung meron ba silang gagawin para kina Tito, Vic and Joey, o deadma na lang.
“Malamang maba-bash na naman kami,” napapangiting pakli ni Paolo.
Curious talaga kami kung paano nila ito ipagdiriwang. Gusto rin namin malaman kung magdiriwang din ba ang TVJ at Legit Dabarkads sa E.A.T. ng TV5.
Parang ang weird, sa totoo lang. Abangan na lang natin!
Read: First day of 'E.A.T.' on TV5: a warm mix of old and new tricks, laughs, tears, and hugs
JERRY OLEA
Hunyo 5, Lunes, nag-umpisa sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, at iba pa bilang hosts ng revamped Eat Bulaga!.
Hunyo 10, Sabado, nadagdag sa kanilang roster of hosts si Isko Moreno.
Hulyo 1, Sabado, nagdiwang ng first monthsary ang revamped Eat Bulaga!, kasabay ang paglipat ng It’s Showtime sa GTV, at pag-uumpisa ng E.A.T. sa TV5.
Interesting ang ratings ng tatlong noontime shows mula noong Hulyo 1.
Ang panlaban ng revamped Eat Bulaga! ay ang pamumudmod ng kadatungan sa mga manonood.
Ang dami nang nagre-register sa kanilang QR code. Araw-araw ay mahigit P100K ang inilalabas ng TAPE para ipamigay sa mga sumasali sa games at pati sa mga nanonood sa bahay.
Pinakamalakas na segment nila ang "G sa Gedli" ni Isko. Sa katunayan, naiimbitahan na raw si Yorme na mag-"G sa Gedli" sa iba’t ibang probinsya, gaya ng Cebu at Bohol.
Gaya ng nasabi namin before, kapana-panabik kung paano magpe-play out ang mga kaganapan this month kaugnay sa tapatan at pasiklaban ng tatlong noontime shows.
Sa Hulyo 15, Sabado, ang pilot episode sa GMA-7 ng Battle of the Judges, kung saan host si Alden Richards at isa sa apat na hurado si Jose Manalo.
Sa Hulyo 16, Linggo, ang ikawalong anibersaryo ng kalyeserye ng AlDub.
Sa Hulyo 22, Sabado, ang GMA Gala, at inaasahan nating ito ang most star-studded event ng taon.
Sa Hulyo 24, Lunes, ang SONA ni BBM. Rarampa kaya rito sina Congressman Arjo Atayde at Maine Mendoza, na bago matapos ang buwan ay ikakasal sa Baguio City?
Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde romance: A timeline
Nalalapit na rin ang kasal nina Rambo Nuñez at Maja Salvador. Si Maja ay leading lady ni Bossing Vic Sotto sa Open 24/7 ng GMA-7.
Noong Hulyo 30 last year ay naglagare si Maja sa tatlong showbiz event — 43rd anniv ng Eat Bulaga!, 70th FAMAS Awards sa MET, at GMA Thanksgiving Gala sa Shangri-La The Fort, BGC, Taguig City.
Wala pa tayong balita kung kailan at saan ang 71st FAMAS.
Ang 44th anniversary ng Eat Bulaga! ay sa Hulyo 30, Linggo.
Sa bisperas ng milestone na iyon sa Hulyo 29, Sabado… aling noontime program ang higit na may karapatang magdiwang — ang E.A.T. na mag-iisang buwan na sa TV5, o ang revamped Eat Bulaga! na nalalapit ang second monthsary? At mambubulaga ba si Willie Revillame sa senaryong ito?
Watch: Kim Chiu, naalala ang direktor na 'HUMAHAGIS NG SIOMAI!"
NOEL FERRER
Doble kayod talaga ang ginagawa at gagawin ng revamped Eat Bulaga! sa kanilang programa.
Talaga? Kung ise-celebrate man nila ang 44th anniversary, ano at kaninong history ang ipagdiriwang nila?
Bukod sa pagandahan ng portion, magandang makitang mag-gel muna ang grupo into a cohesive family katulad ng dalawang shows na katapat nila. Then carve its own identity na kanilang-kanila lang talaga!
Ginawa na rin ni Willie Revillame ang pamumudmod ng pera. Nagwo-work iyan sa simula, but there’s more to just giving money.
Kailangan talagang masagot: what binds the group in the revamped Eat Bulaga!, and what and who do they represent? Ano ang kanilang unique selling proposition?
Nangyari na ang lipatan at palitan ng hosts, now they have to find their strength as a group. At maipalabas nila iyan sa mga ginagawa nilang segments sa show.
