PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gladys Reyes Reacts to Eat Bulaga! Show Rigodon

"Wine-welcome ako ke Kapatid, Kapuso, Kapamilya at even NET25."
by PEP Troika
Published Jul 7, 2023
Gladys Reyes on It's Showtime and Eat Bulaga!
Gladys Reyes: "Natutuwa lang ako na wine-welcome ako kahit saan. Ke Kapatid, Kapuso, Kapamilya at even NET25."
PHOTO/S: Gladys Reyes Facebook

JERRY OLEA:

Nag-e-enjoy si Gladys Reyes bilang hurado sa "Mini Miss U" segment ng It’s Showtime.

Read: 'It’s Showtime' gives its all in GTV premiere

May epekto ba sa kanya ang paglipat ng It’s Showtime mula TV5 patungong GTV?

"Wala akong naramdaman," sabi ni Gladys nitong Hulyo 5, Miyerkules ng gabi sa Plaza Ibarra, Timog Ave, Quezon City.

"Kasi, same naman siya na nasa ABS-CBN studio kami. Di ba, actually nagkakamali sila, akala porke GTV, lumipat na ng studio? Hindi!

"Umeere lang siya sa GTV, pero as is, masaya pa rin. Alam mo naman si Vice, napakatalino, di ba? Napaka-witty, ambilis ng isip.

"So kanina, alam mo yun, bigla na lang niya naisip na pasayawin kami ni Ate Janice [de Belen] just like ginagawa nung contestant — pero nagtataray na sumasayaw. Yung mga ganun.

"May mga impromptu kami, talagang batuhan, na only Vice can do that. Alam mo yung ganun na bibiglain ka pero pasok pa rin. Ganyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Produkto si Gladys ng "Little Miss Philippines" ng Eat Bulaga!.

"So, siyempre, hindi ko naman nakakalimutan ang Eat Bulaga!, saka bago yung huling episode nila… kami ni Ara [Mina] yung guest nila,” lahad ni Gladys.

"Yung mga may kapatid na may special condition. So nag-usap kami ni Ara lately. Nagkita kami sa isang guesting, sa Magandang Buhay.

"'Naku, nag-guest pa tayo?!’ Yun pala, parang second to the last episode na yun. So, always ano rin naman yung E.A.T., ano?

"Ganun ba yun, E.A.T. ng TVJ. Hindi na yun mabubura siyempre.”

Dahil nasa It’s Showtime siya, nararamdaman ba niyang kakumpetensya sina Tito, Vic & Joey ng E.A.T., pati na si Paolo Contis ng revamped Eat Bulaga!?

Pareho sila ng manager ni Paolo, si Manay Lolit Solis.

"Hindi po, hindi ko yun nararamdaman. Kasi, siyempre sila naman yung mga main host, e, di ba?” tugon ni Gladys.

"Yung sa amin, basta ako, happy ako na okay ang ratings ng segment namin na 'Mini Miss U,' as well as 'Tawag ng Tanghalan,' di ba, antaas-taas din ng rating?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So ako naman, sabi ko nga… natutuwa lang ako na wine-welcome ako kahit saan. Ke Kapatid, Kapuso, Kapamilya at even NET25.

"E nakakatrabaho nila ako. Katrabaho ko sila, at malaking bagay sa akin yun. Grateful ako dun.”

Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline

Read: First day of 'E.A.T.' on TV5: a warm mix of old and new tricks, laughs, tears, and hugs

NOEL FERRER:

Isa ulit si Gladys Reyes sa nakakapagpatunay na hindi lahat ng mga tumatawid ay mamamatay.

Simula ngayong Hulyo 7, Biyernes ay magte-taping na ang Katrabahong si Gladys para sa Kapuso prime-time series na Black Rider, kasama ang mga ka-church niya na sina Ruru Madrid at Jon Lucas.

Balik-kontrabida si Gladys sa Black Rider, kung saan mag-asawa ang papel nila ni Zoren Legaspi.

Huling pagkokontrabida ni Gladys ay sa Kapuso series na TODA One I Love (Pebrero-Abril 2019), kung saan bida rin si Ruru katambal si Kylie Padilla.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tapos, may talk show pa siyang Moments sa NET25.

Tingnan natin kung paano kung mapapadpad pa si Gladys sa ALLTV, PTV4 at TV5, di ba? Knowing Gladys, na pati catering sa Kongreso ay pinasok na rin, posibleng mangyari iyan!

Read: Carla Abellana: "Ayoko nang mag-asawa. Pero..."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes: "Natutuwa lang ako na wine-welcome ako kahit saan. Ke Kapatid, Kapuso, Kapamilya at even NET25."
PHOTO/S: Gladys Reyes Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results