GORGY RULA:
Tuloy pa rin ang Eat Bulaga! Hindi ito magtatapos sa pagdiriwang ng ika-44 anibersaryo sa Hulyo 29, 2023.
Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline
Ngayong Hulyo 8, Sabado ng umaga, pumirma sina Paolo Contis at Isko Moreno ng long-term contract sa Television and Production Exponents Inc. bilang hosts ng longest-running noontime show.
Kasama sa contract signing ang president at CEO ng TAPE na si Jon Jalosjos, chief finance officer ng TAPE na si Mayor Bullet Jalosjos, at ang VP ng Sparkle na si Joy Marcelo.
Masaya si Paolo at nagpapasalamat sa pagtitiwala ng mga Jalosjos sa kanya.
Ani Paolo, “I'm very thankful sa tiwala na binigay ng TAPE sa akin at kay Yorme. Pare-pareho kami ng commitment to bring tulong at saya sa mga viewers for a long time kaya sobrang importante itong araw na ito for me.
"Katulad ng lagi naming sinasabi, ang Eat Bulaga! will stay hangga't nandiyan ang audience. Sila ang Eat Bulaga!, hindi kaming mga hosts."
Ganun din si Isko na pinupuri ang segment niyang "G sa Gedli." Naiimbitahan na ito ng ibang lalawigan na magpa-"G sa Gedli" kasama si Buboy Villar.
Ani Isko, “Thank you very much sa creative and production for 'G sa Gedli.' Yun naman talaga ang layunin namin ni Paolo at ng bagong Eat Bulaga!, ang makapagdulot na tulong at saya.
"This time talagang viewers natin ang bida."

Read: 'Eat Bulaga!', may pasabog sa 44th anniversary; 'G sa Gedli' ni Isko Moreno, patok sa viewers
JERRY OLEA:
Hindi na nagsalita ang magkapatid na Jon at Bullet Jalosjos na kasama sa contract signing.
Ang legal counsel nilang si Atty. Maggie Garduque ang nagsalita para sa kanila. Una, pinabulaanan ni Atty. Maggie ang isyung hanggang July 29 na lang ang Eat Bulaga!
Ani Atty. Maggie, “This is not true. Kung meron pong magtatapos sa July 29, 2023 ay ang 43rd year ng Eat Bulaga! Kasi po, 44th anniversary ng Eat Bulaga! ang July 29, 2023.
"At sa araw na yun, maraming inihandang surpresa ang Eat Bulaga! sa mga manonood na dapat talagang abangan.
"Until 2024 ang contract ng TAPE, Inc. with Eat Bulaga! So, Eat Bulaga! is committed to give fun, entertainment and help to all our Kapuso 45th year and beyond."
Ngayon lang daw nangyari sa Eat Bulaga! na pinapirma ng kontrata ang mga hosts.
“With the directive of our president and CEO, we are starting to professionalize everything also, like doing contract signing with employees and talents, as this does not only benefit the company but more so the talents and employees who will be secured of the terms and conditions of their engagements," pakli ni Atty. Maggie.
Masaya raw ang magkakapatid na Jalosjos sa takbo ngayon ng noontime show. Iyung dating commercial load daw nila na umaabot lang ng six minutes, ngayon ay mahigit 13 minutes na.
"Thus, there is no reason to discontinue the airing of Eat Bulaga!," pagmamatwid ni ng abogada.
Sabi pa niya, kung napapansin ang ratings ng tatlong noontime shows, tumataas daw ang sa Eat Bulaga! o nami-maintin nila ang kanilang audience.
Ipinadala niya sa amin ang ratings nung nakaraang Biyernes, July 7 at hiniglight niya makikita raw na number one ang Eat Bulaga! sa Visayas at Mindanao.
Sinabi rin ng abogada na "maliit na lang ang margin ng diperensya" ng Eat Bulaga! sa E.A.T. ng TVJ.
Sa pagsusuri namin sa datos mula sa Nielsen para sa July 7 telecast ng noontime shows, nanunguna ang E.A.T. ng TVJ sa Metro Manila at Balance Luzon.
Ang It's Showtime, ay pumapangalawa sa Metro Manila, pero pumapangatlo na ito sa Balance Luzon, Visayas, at Mindanao kahit na combined ang ratings ng GTV at A2Z.

Read: 'Eat Bulaga!' relaxed amid battle of noontime shows
NOEL FERRER:
Congratulations to Paolo and Yorme Isko for their long-term contracts. With these long term contracts , ibig sabihin, sila na talaga ang poposte sa revamped Eat Bulaga!.
Sa history ng show, sa kanila maa-attribute anuman ang ma-achieve ng bagong show.
Ibig sabihin, kung anuman ang ipapalabas sa show, sana may taya sila at kasama rin sila sa pagpapaganda nito.
Ibig bang sabihin nito ay ito muna ang magiging priority nina Pao at Isko, kaya wala munang long-term soaps? Ibig ding sabihin, sa guaranteed income ni Paolo sa GMA-7, TAPE na ang in charge doon? Hindi na siya masyadong poproblemahin ng GMA.
What will happen now to the other hosts of the revamped Eat Bulaga!? Sila rin ba ay magkakaroon ng long-term contracts? Abangan!
