PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Will Ashley, sinagot kung naging sila ni Jillian Ward

Hanggang special feelings lang?
by PEP Troika
Published Jul 8, 2023
Will Ashley and Jillian Ward
Will Ashley on having special feelings for Jillian Ward in the past: "Nagkaroon po ng ganung feeling, pero bata pa po kami nung mga time na yun e. Marami pa po kaming mga bagay na dapat naming pagtuunan ng pansin kesa ganun."
PHOTO/S: Jerry Olea / Twitter (inset)

GORGY RULA:

Natutuwa ang Kapuso young actor na si Will Ashley dahil sa magagandang feedback sa tandem nila ni Bianca de Vera sa Kapuso prime-time series Unbreak My Heart.

Read: Kapuso Will Ashley at Kapamilya Bianca de Vera, magtuluy-tuloy kaya ang love team?

Napapansin na rin ang magandang chemistry nina Joshua Garcia at Gabbi Garcia, ganun din ang kina Bianca at Will.

"Sobrang happy po kami, kasi yung hard work namin talagang nagbubunga, and every, like, pag nagti-taping po kami, pinag-uusapan namin talaga na yung pagod, yung pagbiyahe talaga namin sa Europe," pakli ni Will.

Nakatsikahan namin siya sa story conference ng pelikulang The Vigil noong Hulyo 2, Linggo sa Max’s Sct. Tuason, Brgy. Laging Handa, Quezon City.

Nagkaroon daw sila ng workshop ni Bianca bago sila nagsimulang mag-taping sa Europe, pero medyo kulang pa raw iyun.

Malaking bagay raw iyung nagsama na sila sa taping sa Switzerland at Italy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"About sa amin ni Bianca po, super happy kami, kasi dumaan kami sa workshops e. And ginuide po kami ng direktor namin.

"Kasi at first, lagi naming sinasabi, bago pa mag-start, hindi po talaga kami nagkaroon ng time na magkapansinan yung closely. So, akala naming dalawa, hindi kami magba-vibe talaga.

"Pero habang nagra-run naman po yung taping namin, nag-ano naman yung workshop, natuwa naman po kami. Kasi unexpected naman po yung pagiging ano namin, yung parang kilig kaming dalawa, e, yung chemistry namin talagang nakikita.

"We are very happy kasi yung mga comments ng mga tao, maraming nakukyutan, maraming nasisiyahan. Kaya masaya po kaming dalawa," sabi pa ni Will.

Meron na raw fans ang tandem nila, pero hindi masabi ni Will kung masusundan pa iyun dahil magkaiba sila ng network, at sunud-sunod na rin ang ginagawa ng aktor.

Sinimulan na ang shooting ng The Vigil nitong Hulyo 8, Sabado, sa direksyon ni Adolf Alix Jr. Kasama niya rito si Faye Lorenzo, at iba pang Kapuso boys na sina Anjay Ansay, Abed Green, Bruce Roeland, Prince Carlos, Carlo San Juan, at Kimson Tan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Awra Briguela bar brawl incident: A timeline

NOEL FERRER:

Nagpapasalamat si Will dahil tuluy-tuloy na ang trabaho niya, at okay ang samahan nila ni Bianca sa taping ng Unbreak My Heart.

Sa dami ng ginagawa niya at naka-focus sa taping ng teleserye, hindi pa maisip ni Will na posibleng magkadebelopan sila ni Bianca.

Napabalita naman noon si Will na nakadebelopan niya si Jillian Ward nung nagkasama sila sa Prima Donnas.

"Actually, naging close po kami talaga ni Jillian," pakli ni Will.

Hindi niya itinanggi na nagkakaroon siya ng special feelings sa young actress.

"Nagkaroon po ng ganung feeling, pero bata pa po kami nung mga time na yun e.

"Marami pa po kaming mga bagay na dapat naming pagtuunan ng pansin kesa ganun," maingat na sagot ni Will nang kinulit kung naging sila ba talaga noon ni Jilian.

Hindi raw iyon natuloy sa serious relationship.

"Iyun nga po, ganung feeling... I can say siguro naging comfortable kami sa isa't isa. Kasi nga po, naging magkakababata kami.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"May ganun din po... hanggang dun lang po, kasi may kanya-kanya naman po kaming buhay. May kanya-kanya kaming career na dapat talagang mag-focus," sabi pa ni Will.

Read: Remember when Prima Donnas stars Jillian Ward, Will Ashley worked on this project four years ago?

Tuloy pa rin ba ang komunikasyon nila ni Jillian?

"We're good naman po, but not like before nga, kasi pareho po kaming busy," safe niyang sagot.

At base sa mga kasamahan sa trabaho, ok raw makisama at makaarte itong si Will Ashley! All the best!!!

Read: Sabrina M. shrugs off negative comments after revealing secret relationship with late Rico Yan

JERRY OLEA:

Challenging ang papel ni Will Ashley sa horror movie na The Vigil.

“First time kong gagawing character na may speech defect. So magiging challenging siya for me,” lahad ng 20-anyos na binata.

"Kasi, first time ko nga po siya and hindi naman po ako ganun in real life kaya pagtutuunan ko po siya talaga ng pansin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Eleven years old si Will nang mag-umpisa siyang mag-artista. Nag-manage before sa kanya si Direk Maryo J. de los Reyes, na pumanaw noong Enero 2018.

Ang una niyang drama series sa GMA ay Villa Quintana (Nobyembre 2013-Hunyo 2014).

Ang big break niya ay sa teledramang Prima Donnas (Agosto 2019-Abril 2022).

Naniniwala si Will na malaking tulong sa career niya na mapasama sa Unbreak My Heart, ang unang prime-time series kung saan sanib-puwersa ang GMA at ABS-CBN.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will Ashley on having special feelings for Jillian Ward in the past: "Nagkaroon po ng ganung feeling, pero bata pa po kami nung mga time na yun e. Marami pa po kaming mga bagay na dapat naming pagtuunan ng pansin kesa ganun."
PHOTO/S: Jerry Olea / Twitter (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results