JERRY OLEA
Horror wins!
Bawi agad ang $16M na puhunan ng American supernatural horror film na Insidious: The Red Door.
Nanguna ang bagong open na Insidious: The Red Door sa takilya ng North America nitong nakaraang weekend, Hulyo 7-9.
Humamig agad ito ng $33.0M sa box office ng US at Canada. Worldwide, naka-$64.7M na ito.
Read: Indiana Jones and the Dial of Destiny, nanguna sa takilya sa North America
Mixed ang reactions dito ng mga kritiko. Pero patok ito sa Pinoy moviegoers.

Kasabay nitong nag-open sa local cinemas last Wednesday ang foreign movies ding Detective Conan: Black Iron Submarine, The Childe, Kandahar, at Shin-Masked Rider.
Magpapasiklab na bukas, Hulyo 12, 2023, Miyerkules, sa mga sinehan ng Pilipinas ang bagong pelikula ng 61-anyos na si Tom Cruise, ang Mission: Impossible — Dead Reckoning Part 1.
Read: Tom Cruise screams at Mission: Impossible 7 crew for breaking COVID-19 safety protocol
Makikipagbakbakan dito ang supernatural horror movie na Elevator Game, at ang OFW The Movie na bida sina Rafael Rosell, Diane Medina, Kakai Bautista, Christian Vazquez, at Sylvia Sanchez.
Ang OFW The Movie ay base sa mga totoong kuwento.
Idinirek ito ni Neal Tan, at nasa cast din nito sina John Regala (RIP), Mel Kimura, Mark Neumann, Uno Santiago, Dave Bornea, Regine Angeles, Helga Krapf, Arnell Ignacio, Kate Brios, Gino Ilustre, at marami pang iba.

Naka-lineup sa July 19 playdate ang Oppenheimer, at ang horror movie na Mary Cherry Chua starring Joko Diaz, Kokoy de Santos, Lyca Gairanod, Abby Bautista, Krissha Viaje, Alma Moreno, and introducing Ashley Diaz.
Aprub na sa MTRCB ang pagpapalabas sa Pilipinas ng Barbie, na July 19 din ang target playdate.
Na-ban sa Vietnam ang pagpapalabas ng Barbie dahil sa mapa na may nine-dash line.
Nauna nang na-ban sa Vietnam at Pilipinas ang mga pelikulang Abominable (2019) at Uncharted (2022), at Netflix series na Pine Gap (2018), sa kaparehong dahilan.
Pero sa statement na inilabas ng MTRCB, wala silang nakikitang malinaw na "depiction of the nine-dash line" sa Barbie.
Nakasaad sa kanilang statement: "The MTRCB is firm, as per its mandate under Presidential Decree No. 1986, that when there is a clear portrayal in films/television of scenes injurious to the prestige of the Republic of the Philippines such as the 'nine-dash line' we will not hesitate to ban said materials.
"Conversely, if the material does not pose such a threat then, in the spirit of fairness and objectivity, we will not impose a ban on such materials.
"The Board believes that all things considered, it has no basis to ban the film 'Barbie' as there is no clear nor outright depiction of the 'nine-dash line' in the subiect film, in comparison to films such as 'Abominable' and 'Uncharted'."

Nasa July 26 playdate naman ang Haunted Mansion, Litrato ni Ai-Ai delas Alas, at The Cheating Game nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.
Puwedeng magkaroon pa ng pagbabago ang playdates ng mga pelikulang ito.
Para sa updates, bisitahin ang Facebook page ng SM Cinema, Ayala Cinemas, at Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), maging ang website ng Click The City.
GORGY RULA
Sa July 26 na nga raw ang showing ng The Cheating Game.
Bago na naman ito para kay Julie Anne San Jose at aminado siyang medyo kabado siya habang papalapit na ang showing.
Aniya, “Actually, every projects naman po talaga, palagi pong kinakabahan kasi, iba-ibang ano e, iba-ibang role.
“So, eto po ang Cheating Game, isang role na naman as an actress. Very excited as well, kasi siyempre, ibang Julie Anne ang makikita nila rito. Siguro, mas mature yung attack dun sa role.
"Nakakapanibago, but it was a humbling experience as well na kapag tini-tape namin yung mga eksena sa movie.”

May pagka-daring dito si Julie Anne na nakikita naman sa trailer na malayo sa pagiging Maria Clara niya sa Maria Clara at Ibarra.
“Hindi po ako yun!" natatawa niyang sagot sa amin ni Julie Anne.
"Yung pagiging daring naman po, it doesn't just mean na kailangang magpakita ng skin...
"Siguro mas bolder yung character, mas matapang, na mas empowered.
"You will really find out, kasi may kakaibang twist po yung movie, at saka yung story," sabi pa ng Asia's Limitless Star.
Makikita natin kung gaano ka-solid ang suporta ng JulieVer fans sa The Cheating Game.
NOEL FERRER
Buti na lang, despite the box-office situation, masipag si Ai-Ai delas Alas na mag-promote ng Litrato.
Read: Ai-Ai delas Alas, gaganap bilang lolang may Alzheimer's sa pelikulang "Litrato"
Sabay pa sila ng The Cheating Game nina Julie Anne at Rayver na may magandang merchandise.
Masaya lang na makitang nag-e-effort ang producers nating i-market ang kanilang mga pelikula. Pero test case talaga ngayon ang local films. Sana, makabangon na.
Dahil may ikinakasa nang Ate Vi at Boyet, plus Kathryn Bernardo-Dolly de Leon bago mag-MMFF. Sana, pumatok ang mga ito.
Ang Aga-Julia Barretto, for this year din ba? Pang-MMFF kaya? Anu-ano pa ba ang parating na mga magagandang pelikulang Pilipino?
Sana, masuportahan natin lahat ng mga ito!
