GORGY RULA
Napag-usapan nina Kuya Boy Abunda at Chito Miranda si Stell Ajero ng SB19 sa Fast Talk With Boy Abunda nung Miyerkules, July 12, 2023.
Si Chito ang special guest ni Kuya Boy.
Pinuri ni Chito si Stell na kapw niya coach sa The Voice Generations, na magsisimula nang umere sa GMA-7 sa susunod na buwan.
Sabi ni Chito tungkol kay Stell, “He is such a revelation, for me.
"Everything that he does is so entertaining and everything that he says is so humble and full of wisdom.
"Yung wisdom na pambata. Alam mo yung hindi nagmamarunong.
"Kung paano niya gustong i-push ang sarili niya. Makikita mo lang how hardworking they are and kung paano niya purihin yung mga kasama niya sa group.
"I'm a sucker for that, that's how I talk to my bandmates. Alam ko lahat sila may saltik, pero I always see the good in them, e.
"Siya rin ganun, na lagi siyang may puri when it comes to sa grupo niya."
Ganito rin ang narinig namin mula sa iba pang coach ng The Voice Generations na sina Julie Anne San Jose at Billy Crawford.
Kahit ang ilang miyembro ng press ay namangha rin sa katalinuhan ni Stell nang nakatsikahan namin ito.
Nabanggit nga ang naging isyu noon ng SB19 tungkol sa music copyright. Napag-usapan nang sinabi sa It's Showtime na hindi na nila puwedeng gamitin ang kantang "Gento" ng SB19, dahil kailangang bayaran ang rights ng naturang kanta.
Nagkaroon ng pagtatalo sa isyung ito, at hindi naiwasang na-bash ang sikat na grupo.
Nagpaliwanag si Stell kaugnay sa isyung ito.
Sabi ni Stell: "Actually, maganda siya na napag-usapan kasi parang matagal na rin siyang isyu, e, sa Pilipinas, yung copyright, about music.
"Pero may mali lang talaga dun sa ibang part na nagkaroon ng bashing, e. Kasi, ayaw naman namin matalakay yung isyu yung copy, pero may ibang artist na nadadamay or nada-drag down.
“Kasi, open kami na magkaroon ng kaalaman yung mga tao, when it comes to music, copyright, and everything. Pero sana nasa napag-usapan siya nang maayos, and wala dapat sisihin.
“Kasi, kumbaga, nandito naman tayo for everyone's improvement. Nandito tayo para mabigyan ng knowledge ang bawat isa.”
Hindi maiwasang merong kumukontra at naging negative ang dating sa iba. Kung maayos daw sana ang pag-uusap, baka mas naintindihan.
Sabi pa ni Stell, “Happy kami na napag-usapan, pero sana in a nice way. Sana, hindi siya na-misinterpret.
“Kasi, wala talaga siyang problem, e. May mga negative lang, e. Mga bashers lang ang nagpalaki ng isyu. Kaya sana sa susunod maiwasan siya, and sana hindi na lumaki yung ganung isyu.
"Tama na napag-usapan siya, pero sana hindi in a negative way."
NOEL FERRER
Kuwento pa ni Chito sa Fast Talk tungkol kay Stell, “May sinabi siya na very important sa akin — kung sinong weak, the other guys need to be strong. Sobrang ganda nun, di ba?
"So, when your bandmate, may limitations siya, I'll be strong for you on that part and pag ako, may limitations, kumbaga sapuan. Everybody tries to chip in as a team instead of trying to stand out.
“And it took Parokya years to do that, and they have been together for 5 years only, ganun na siya magsalita.
"Wala lang. Bilib lang ako sa kanya, galing niya!"
JERRY OLEA
Bilib na bilib din si Kakai Bautista kay Stell. Na-starstruck siya rito at hindi nakapagsalita nang magtagpo sila.
Nilinaw ng Dental Diva na fangirl siyang humahanga, pero wala siyang pagnanasa o ilusyon na makatikiman si Stell.
Read: Kakai Bautista, inaming crush si Stell ng SB19
Sa Agosto pa ang The Voice Generations pero abang-abang na rito ang A’Tin, tawag sa fans ng SB19.
Sayang at waley si Stell sa GMA Gala sa Hulyo 22, para makita sana natin kung gaano kainit ang pagtanggap sa kanya roon kumpara sa ibang Kapuso celebrities.
Meron kasing "Pagtatag! World Tour" ang SB19 sa U.S. at Canada.
Magpapasiklab ang SB19 sa Chicago, Illinois (Hulyo 21); Dallas, Texas (Hulyo 22); San Francisco, California (Hulyo 28); at Los Angeles, California (Hulyo 29) this month.
Magpapayanig sila afterwards sa New York, New York (Agosto 5); Washington, DC (Agosto 6); Toronto, Ontario (Agosto 11); Winnipeg, Manitoba (Agosto 13); Vancouver, British Columbia (Agosto 18); at Edmonton, Alberta (Agosto 20).
