PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kakai Bautista, mas type maging dyowa ang foreigner

Kakai Bautista, 2019 pa raw huling nagka-boyfriend.
by PEP Troika
Published Jul 13, 2023
kakai bautista
Kakai Bautista on her ex-boyfriend: "We’re friends. Nagiging friends ko naman yung mga ano, e. Single pa rin siya hanggang ngayon. Pero hindi ko na binabalikan yung mga tinapon ko na. Tapos na yun. Pag tapos na, tapos na. Never talaga. Never!”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

May mga lalaking nakaka-date si Kakai Bautista na Pinoy o European, pero nananatili pa rin siyang single.

“Choice ko yun!” bulalas ng Dental Diva noong Hulyo 7, 2023, Biyernes ng gabi, sa Beautederm HQ sa Angeles City, Pampanga.

“Sabi nga ng mga kaibigan ko, ‘Ang ganda mo, ‘no?! Hindi ka namamansin!’

“Kasi, pag nagta-travel talaga ako sa Europe, like sa UK and Swtzerland, di ba, marami talagang lumalapit.

“Alam mo naman ang fez natin, di ba?! Headturner iyan sa Europe! Mabenta talaga!”

Mas bet niyang banyaga ang maging dyowa niya?

Tumango si Kakai, “Oo… pero dapat mayaman ako.”

Gusto niya, mas matanda sa kanya?

“Depende, e. Pero kasi, from my experience, yung mga European kasi, swak na swak sila sa wavelength ko.

“Kasi, gusto nila ng strong women,” pagtatapat ni Kakai.

Read: Kakai Bautista clarifies she's not giving up on love despite past traumas

So, hindi kailangang thunder o gurang ang dyowa niya, kering kalapit ng edad niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Oo, pero yung stable, alam mo yun. Kasi hindi ko na deserve yung ako pa ang mag-aalaga! Ano ‘to?!” pagdidiin ni Kakai.

“Forty-five na ako, Dyusko, aalagaan ko pa?!”

Ayaw niya ng mga nasa early 20s?

“Dyusko! Ayaw ko na ng sobrang bata!” sey ni Kakai.

Taong 2019 huling na-in love ang Dental Diva sa isang Pinoy na non-showbiz, at tinapos agad niya iyon dahil nauntog daw siya.

“Pero we’re friends. We’re friends. Nagiging friends ko naman yung mga ano, e,” lahad ni Kakai.

“Single pa rin siya hanggang ngayon. Pero hindi ko na binabalikan yung mga tinapon ko na.

“Tapos na yun. Pag tapos na, tapos na. Never talaga. Never!”

Siyangapala, tampok sina Kakai, Thia Tomalla, Jelai Andres, at DJ JhaiHo sa grand opening ng Beautederm store sa Hulyo 22, Sabado ng 3:00 p.m., sa SM City Mindpro, Zamboanga City.

NOEL FERRER

Sinabihan daw ni Maja Salvador si Kakai, “Parang nag-e-enjoy ka na! Masyadong matagal ka nang single!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Push nang push daw si Maja kay Kakai na mag-boyfriend na. Pag single ba siya, wala rin siyang dy*g?

“Wala,” mabilis na tugon ni Kakai.

“Ako kasi ang tao na hindi mo ako maaano. Kaya nga sabi ng kaibigan ko, ‘P*t*ng ina, ano ka, Kristine Hermosa kung makatanggi ka sa lalaki?’"

Read: Kakai Bautista shrugs off “ilusyonada” tag: “Hindi na nga ako masyadong maganda."

GORGY RULA

Isiniwalat ni Kakai ang kinahinatnan minsan ng pagpapakipot niya.

“Mayroon akong isang experience sa Switzerland,” mabining salaysay ng Dental Diva.

“Noon pa ito, like ilang years ago, first time ko sa Swtzerland, nagpunta kami sa Irish pub.

“Di ba, uso dun yung mga pub, yung mga beer, ganyan. Punta kami sa Irish pub, ganyan. Inom kami.

“Nandun lang ako sa bar. Ganyan, sa bar ako, inom ako. Nakalimutan ko na kung ano ang ininom ko, ano yata, vodka.

“May lumapit sa akin, ‘Do you care for a drink?’ sabing ganun, ‘Do you care for a drink? Do you need another drink?’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tiningnan ko lang… tangkad, ang guwapo. Tiningnan ko lang. Sabi ko, ‘I can buy my own.’

“Tapos nilingon ko. Sabi ko, ‘Ay! Sh*t, sayang!’ Ha! Ha! Ha! Eto na, paglabas ko… e ano pa ako nun, medyo first time ko sa Switzerland, basta ako, view-view ganyan.

“Andun sila, isang barkadahan, magkakausap. Tapos tingin nang tingin sa akin, andun yung guy. Ganyan, tingin nang tingin.

“Tapos napansin ko na parang, ‘Ano ba ang mga ‘to?!’ Teka! ‘Excuse me, are you staring at me?’ pero ganun yung accent, ha?! ‘Excuse me, are you staring at me? Why are you staring at me? What’s the matter?’

“Ahhhh! Gumanun ako, ‘What’s the matter?’ Hindi ako naano sa ibang bansa, ‘What’s the matter?’

“Tapos tiningnan lang nila ako. ‘Is that you on the video?’ Oh my God, pinapanood nila ako sa YouTube. ‘Is this you in this video?’

“Pinapanood nila. Sabi ko, ‘Is that me?’ tapos tumawa lang ako. Tapos ayun na, naging kachika ko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung lalaki, naging kachika ko na. Ka-Facebook, ganyan. Nag-Facebook na kami.

“Nagme-message naman siya, ‘How are you?’ ganyan kiyeme-kiyeme. Ganda ko, e!

“Hindi ko pinapansin! Sabi ko, ‘I’m sorry, I’m quite busy. I’m sorry, I don’t get to answer your messages,’ ganyan.

“Ilang buwan na ganyan. Parang sinabi pa niya dun, ahh parang, ‘I would like to visit the Philippines.’ Ganyan-ganyan, ganyan-ganyan. Swiss siya, e.

“Tapos nakita ko na lang isang beses nang hinahanap ko, parang bigla ko lang siyang naalala… engaged na!!!

“So yun, ganun ang buhay ng lola niyo. Sayang! Pero happy naman siya, so in-unfriend ko na siya. In-unfollow ko na, in-unfriend.

“Ganun lagi ang nangyayari! Ganun ang nangyayari sa akin.”

Kung nakakapagsalita ang kanyang ‘kippy,’ ano kaya ang sasabihin nito sa kanya?

“Ha! Ha! Ha! Sabi niya, ‘Teh, sarado na ‘ko, teh! Maawa ka naman sa akin, teh!’

“Kung nagsasalita lang yung kippy ko, sabi niya, ‘Baka gusto mo naman, teh?!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista on her ex-boyfriend: "We’re friends. Nagiging friends ko naman yung mga ano, e. Single pa rin siya hanggang ngayon. Pero hindi ko na binabalikan yung mga tinapon ko na. Tapos na yun. Pag tapos na, tapos na. Never talaga. Never!”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results