GORGY RULA
Halatang hindi gaanong masaya si Herlene Budol aka Hipon Girl sa koronang Miss Philippines Tourism na ipinutong sa kanya kaya tila pilit lang ang pagngiti niya hanggang sa natapos ang grand coronation ng Miss Grand Philippines 2023 nitong Biyernes ng madaling-araw, July 14, 2023.
Read: Herlene Budol's reaction after winning Miss Philippines Tourism 2023 crown
Pero ilan sa pinakamasaya sa napanalunan niyang korona ay ang kanyang mga kasamahan sa pinagbibidahan nitong afternoon drama series sa GMA-7, ang Magandang Dilag.
Napansin naming wala pa sa mga kasamahan ni Herlene sa naturang teleserye ang nagku-congratulate sa kanya nang matapos ang pageant. Pero kinahapunan ay sunud-sunod na ang mga pagbating natanggap niya mula sa mga taga-Magandang Dilag.
Maaaring napuyat sila sa pagpanood sa live streaming ng naturang beauty competition na inabot na nitong Biyernes ng madaling-araw.
Dapat ay diretso na si Herlene sa taping nito, pero nakiusap ang manager niyang si Wilbert Tolentino kung puwedeng i-move ang taping dahil kailangan lang daw magpahinga ng alaga niya.
Pinag-antigen na lang muna si Herlene ngayong araw, at bukas, July 15, ay magre-resume na sila ng taping.
Read: Herlene Budol, agaw-eksena sa mga paandar niya sa Miss Grand Philippines 2023
Mga apat o limang araw na lang daw ay matatapos na ang kanilang taping, kaya ang laking pasasalamat ng staff at ibang cast.
Sabi ng ilang taga-Magandang Dilag na nakakatsikahan namin, ito raw ang pinakamahaba nilang nagawa dahil umabot ng sampung buwan ang taping.
Dalawang beauty pageants ang sinalihan ni Herlene kaya ilang beses silang nagpabagu-bago ng schedule para makapag-adjust sa schedule ng bida nito.
Ayaw naman nilang sisihin lahat kay Herlene, pero talagang nagtiyaga sila para matapos lang ito. Sulit daw ang hirap nila at tagal sa paghihintay dahil, so far, maganda ang ratings ng Magandang Dilag. Hindi bumababa sa 8% ang daily ratings nito.
Read: Magandang Dilag ni Herlene Budol, nagpasiklab agad sa ratings
Kaya sa pagbabalik-taping ni Herlene bukas, maghahanda ang buong staff at cast bilang celebration sa tagumpay ng bagong hirang na Miss Philippines Tourism 2023.
JERRY OLEA
Facebook post ni Herlene Budol ngayong Hulyo 14, Biyernes (published as is), “Thank you lord sa lahat ng blessings na tinatamasa ko po ngayon. indi ko man nakuha ang TOP CROWN atleast may CROWN padin ang Hipon girl nyo kht 3rd crown pa yan, iwawagayway ko pa rin ang bandila ng Pilipinas sa International stage.
“Dahil indi rin biro Sumalang sa isang National Pageant mula sa registration day hanggang sa screening. At kung palarin ka maging isang Official Candidate, Ang sarap kaya sa pakiramdam yung mabilang ka bilang isang OFFICIAL CANDIDATE ay parang nanalo ka narin sa LOTTO.
“Bonus din yung maka pasok at kasama ka sa bilang ng SEMI FINALIST lalo na sa estado ko na isang simpleng Hipon girl at laking squatter na indi marunong mag ingles.
“Binibining Pilipinas 2022 1st runner up at ngayon tinanghal ako ng MISS PHILIPPINES TOURISM 2023 ay isang malaking karangalan at achievement para sa akin.
“Dahil ilalaban ako sa upcoming INTERNATIONAL STAGE sa LONDON ng NOBYEMBRE 2023 sa 32nd Annual search ng Miss Tourism World 2023. Eto ay panibagong yugto at hamon para sa akin dahil wala pang na koronahan ang PHILIPPINES sa loob ng dalawang dekada. Kaya mag sisikap ako ma e uwi ang pangalawang MISS TOURISM WORLD CROWN para sa PILIPINAS!
“Salamat sa nag iisang Boss Amo Manager ko si Sir Wilbert Tolentino Wilbert Tolentino, Ang taong nag tiwala at tuparin ang pangarap ko. Wala ako ngayon sa kinatatayuan ko kung wala cya sa tabi ko. Your one of a kind. kaya makita nyo sa larawan nito linagay ko ang Korona sa ulo nya rin. Dahil ang tagumpay ko ay tagumpay nya rin, tagumpay natin lahat…”
Bahagi naman ng Facebook post ni Wilbert Tolentino, “Congratulations for a job well done Herlene Hipon Budol. Nakita mo naman yung resulta at naging outcome mo sa lahat ng effort at dedication natin at buong team. All Hardwork paid off.
“Proud kami sa lahat ng achievement at narating mo despite newbie at first timer ka last year sa Binibining Pilipinas na uwi mo ang 1st runner up & you prove urself na kaya mo makipag sabayan sa mga veterans at repeater candidate makipag hampasan ng balakang sa swimsuit round mo ay Wow na Wow at naka uwi ka pa ng 8 Special award.
“Binibining Pilipinas - 1st runner up
“Binibining Pizza Hut
“Binibining SHEIN
“Binibining Silka
“Binibining Jag Jeans Denim Queen
“Binibining World Balance
“Binibining MANILA BULLETIN
“Binibining Ever Bilena Black Water
“Binibining kumu
"Record breaking yung hakot award mo sa loob ng 58 yrs ng BBP.
“This year naman is your 2nd time sa National pageant ng Miss Grand Philippines at nakuha mo ang 3rd crown at 5 Special Award.
“Miss Philippines Tourism 2023
“Best in Runway
“Miss Ever Bilena
“Miss Arena Plus
“Miss Mermaid Manila Hair
“Miss Blue Water Day Spa
Looking forward tayo sa laban ni Herlene sa international stage, The 32nd annual search for Miss Tourism World 2023 this coming November at sa London eto igaganap.
“Praying na makuha ni Herlene yung pangalawang korona para sa Pilipinas na mahigit dalawang dekada na walang Korona ang Pilipinas…”
NOEL FERRER
Isa si Rob Gomez, na leading man ni Herlene sa Magandang Dilag, ang nakaintindi sa kalagayan ngayon ng Kapuso comedienne-beauty queen.
Ayaw raw nilang isisi lahat kay Herlene ang delay na inabot ng taping ng Magandang Dilag.
"I don't think... there's no one to blame. The staff is amazing. The cast is amazing.
"I was also to blame. I had shooting in HBO series right now with Direk Erik [Matti] also, with Edu [Manzano] and Judy Ann [Santos] and RK [Bagatsing]," pakli ni Rob sa nakaraang mediacon ng Magandang Dilag.
Read: Kapatid ni Rob Gomez, makakalaban ni Herlene Budol sa Miss Grand Philippines 2023
Puring-puri ni Rob si Herlene dahil kahit punung-puno ang schedule nito at halos hindi na magkandaugaga sa dami ng ginagawa niya, hindi naman daw ito nagbibigay-problema sa set.
"Sobrang commended ako kay Herlene, kasi sobrang ang dami niyang ginawa. Ang hirap po talaga ng ginawa niya.
"Siguro, sa news and everything na nahirapan sila sa schedule, sa acting niya, no! There's no problem with her.
"It's that… we're humans, everybody made mistakes. This will make her stronger," saad ni Rob.
