JERRY OLEA
Tinawag ni Boy Abunda na “kaaway” ang mga kapwa hurado sa Battle of the Judges na sina Bea Alonzo, Jose Manalo at Atty. Annette Gozon-Valdes.
Nagkapikunan ba sila?
“Wala pa naman, wala pa naman. We don’t look forward to pikunan. Wala pa naman,” sabi ni Kuya Boy sa mediacon ng Battle of the Judges noong Hulyo 9, Linggo, sa Studio 6 ng GMA Network, Quezon City.

“Parang hindi. Kasi nagtatawanan kami right after, e,” sambit ni Atty. Annette.
“Wala namang personalan!” bulalas ni Bea. “We all know that what we’re doing is for the contestants.”
Sambot ni Atty. Annette, “Parang ano kasi, we really need to do it. Kasi sa totoo, parang wala kaming gustong i-eliminate. Yun ang problem. But we have to.
“So, kaya walang personalan, walang ano.”
Sabi ni Alden Richards na host ng talent competition, “Saka for the record po, yung mga makikita niyo po at mapapanood niyong debates and arguments ng judges, wala pong script yun.
“Everything is organic.”
Pagbibiro ni Kuya Boy, “At pag hindi ko natiis, magwu-walk out ako! Hindi! Joke! Ahh, yung trabaho namin, yung trabaho naming judges kasi, yung Battle of the Judges, is not just on stage.
“Andami naming mga secret meetings with our talents. Totoo yun.
“Halimbawa, some two weeks ago, alam ko, may mga nagmi-meeting na rin.
“We meet our talents off cam kung saan-saan, pinupuntahan namin.”
Dagdag ni Bea, “And even during rehearsals, sometimes inaabot kami ng midnight para panoorin silang mag-rehearse at sabihin na, ‘Ahh, dapat bumaba sa stage na ‘to!’ ‘Uy, sana mabigyan niyo kami ng ganito, revolving keme!’
“As in, like you know we’re really involved.”
Ang pilot episode ng Battle of the Judges ay ngayong Hulyo 15, Sabado ng 7:15 pm sa GMA-7.
Sa umpisa ay 24 ang squad members na pasiklaban. Sa semi-final round ay 12 members ang magbabakbakan.
At sa championship round ay anim na lamang ang magbabardagulan.
GORGY RULA
Malalim ang respeto ng judges sa isa’t isa kaya hindi sila nagkapikunan.
Pero nagkaiyakan na ba sila sa Battle of the Judges? Nabagbag ang kanilang damdamin?
Pagtatapat ni Kuya Boy, “May mga nakakaiyak na performances.”
Pag-ayon ni Bea, “Oo. Ako, oo. Lalo na kasi, alam mo nga dahil paulit-ulit naming sinasabi na involved kami sa likod nung show, masyado ka nang invested dun sa mga buhay nila.
“So kapag inaano mo sila, kina-campaign mo sila sa audience at co-judges mo, tapos alam mong medyo magaling yung kalaban, talagang nakakaiyak!
“Kasi parang ayaw mo silang matalo! Kasi you know they deserve to be here.”
Sabi naman ni Miss Annette, “Saka kasi dito, yung mga contestants, hindi lang yung performance yung nakikita.
“Lumalabas yung kuwento ng buhay nila. Kaya parang nakikilala mo sila at a deeper level.
“Kaya nagkakaroon talaga ng emotional connection, kaya yun nga ang sinasabi nila, maraming talagang mata-touch ka.
“Lalo na before and after their performance, parang halos maiyak na rin kami dahil nakikilala mo kung sino talaga sila, yung paghihirap na pinagdaanan nila just to get there.
“So andaming ganun, andaming kuwentong ganun sa likod ng mga performances.”
NOEL FERRER
“Tracy, kunin mo ang number,” iyan ang aabangan kong linya sa Battle Of The Judges with Tito Boy, Classmate Bea, Dabarkads Jose at ang kapatid kong Annette.
Sana, may episode talaga na sila ring mga Judges ang magpe-perform.
Masaya iyan. Aabangan natin iyan mamaya habang happy birthday din ni Mommy Tessie ni Annette at ang puno ng energy na pagho-host ni Alden, lalo pa’t nandiyan si Tracy!
Dapat pala may game after na “Hanapin o Kilalanin si Tracy!”
