PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga programa ni Dingdong Dantes sa GMA-7, wagi sa ratings

Ratings ng TV programs, tumataas.
by PEP Troika
Published Jul 17, 2023
dingdong dantes roya blood
Dingdong Dantes's 'Royal Blood' and 'Amazing Earth,' both on GMA-7, continue to deliver impressive numbers in the rating game.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Winner pa rin talaga si Dingdong Dantes sa lahat na Kapuso stars dahil lahat ng programa niya sa GMA-7 ay wagi sa ratings.

Nag-season break lang ang game show niyang Family Feud, pero patuloy pa ring umaariba ang ratings ng mga kasunod niyang show.

Consistent na double digit ang ratings ng Royal Blood sa GMA Telebabad. Noong nakaraang Biyernes, July 14, 2023, ay naka-11.2% ito.

Noong gabi ring yun ay nagsimula na sa dating timeslot ng Bubble Gang ang kanyang Amazing Earth, at maganda rin ang rating nito na naka-6%.

Medyo late na kasi ang oras na iyan na ang dating rating ng Bubble Gang sa oras na iyan ay hindi man lang nakaabot ng 6%. Kaya nagpapasalamat si Dingdong sa lahat na sumusuporta sa mga programa niya.

Read: Dingdong Dantes, muling pinatunayang karapat-dapat sa titulong "GMA Primetime King"

Humingi ang PEP Troika ng mensahe mula kay Dingdong sa magandang balitang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Maraming salamat sa lahat ng Royalistang sumusubaybay. Isang malupet na 'good vibes' ang binibigay niyo sa amin dahil sa ipinakita niyong interes at pagmamahal sa aming palabas, gabi-gabi.

"Kaya naman asahan niyo na paghusayin pa namin ang pagganap sa Royal Blood. Marami pang magaganap, kaya't tutok lang kayo sa inyong royal high-blood pressure.

"Ang makahula kung sino ang pumatay kay Gustavo Royales ay may premyo hehehe...

"On the other hand, I am extremely grateful that you warmly welcomed us last Friday night as we aired Amazing Earth in our new timeslot.

"We are thrilled to kickstart your weekend adventure by bringing these engaging stories about our beautiful, amazing earth right into your homes."

Abangan naman natin ang ihu-host ni Dingdong na The Voice Generations na magsisimula sa susunod na buwan.

JERRY OLEA

Malaking bagay rin sigurong nag-uulan noong nakaraang linggo, kaya nasa kani-kanyang tahanan lang at nanood ng telebisyon ang mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Huwebes, July 13, ay mataas ang viewership sa afternoon block.

Nangunguna pa rin ang E.A.T. ng TVJ na naka-4.7%. Ang revamped Eat Bulaga! naman ay 3.8%, at ang It's Showtime ay 3.4%.

Lalong tumaas ang Abot Kamay Na Pangarap na naka-12.1% noong araw na yun. Sumunod ang Magandang Dilag na naka-9.9%.

Ang The Seed of Love ay naka-8.8%, at mataas din ang sumunod na Fast Talk With Boy Abunda na may 6.1%.

Noong Biyernes, July 14, ay okay pa rin ang Eat Bulaga! na 3.7%, at 4% naman ang E.A.T., at ang It's Showtime ay 3.2%.

Ang Abot Kamay na Pangarap ay 11.4%. Ang Magandang Dilag ay 9.3%.

Parang hindi nakatulong ang pagkapanalo ni Herlene Budol bilang Miss Philippines Tourism sa katatapos lang na Miss Grand Philippines 2023, di ba?

Read: Herlene Budol's reaction after winning Miss Philippines Tourism 2023 crown

Sumunod ang The Seed of Love na naka-8.3%, at ang Fast Talk With Boy Abunda ay 5.6%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Nagsimula ang Battle of the Judges ng GMA-7 noong nakaraang Sabado, July 15, at okay ang rating nitong 11.8%. Katapat nito ang Everybody Sing, sa TV5 at A2Z, na naka-6.3%.

Napaaga ang Pepito Manaloto, na may 9.8%, na nakatapat naman ang Rated Korina na naka-3.3%.

Mataas din ang viewership nung Linggo, July 16.

Ang All-Out Sundays ay naka-5.5%, at ang ASAP Natin 'To naman ay naka-3.1%. Ang All Flix sa All TV ay 0.1%.

Sumunod ang GMA Blockbusters tampok ang pelikulang Call Center Girl ni Pokwang na naka-5%, taob ang FPJ Da King ay 4.7%.

Ang Regal Studio Presents naman ay 4.6%, at sinundan ng Resibo na naka-5.2%.

Pagdating sa primetime ay 7.2% ang 24 Oras Weekend, at 1.6% ang TV Patrol Weekend.

Naka-9% ang Bubble Gang sa bagong timeslot nito versus Tao Po sa A2Z at Kapamilya Channel na naka-2.4%.

Ang Happy ToGetHer, na hanggang August 6 na lang, ay naka-10%, at 6.7% ang Everybody Sing na katapat din ang Kuha All ni Ka Tunying sa All TV na may 0.1%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Consistent ding mataas ang rating ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na naka-11.5%. Ang katapat nitong I Can See Your Voice ay 4%.

Sumunod ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-15.4%, at ang The Boobay and Tekla Show ay 3.9%.

Parang ok na ok na ang TV ratings, ha! Sana, ang pagtangkilik sa local movies ay tumaas na rin!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes's 'Royal Blood' and 'Amazing Earth,' both on GMA-7, continue to deliver impressive numbers in the rating game.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results