JERRY OLEA
Nagtayo ng entertainment company si former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson, at nakipag-coordinate siya sa mga South Korean para i-develop ang Pinoy talents.
Nauna na rito ang P-pop group na HORI7ON, na ang mga miyembro ay galing sa reality competition ng ABS-CBN na Dream Maker.
Read: Dream Maker's Top 7 winners launched as all-male pop group HORI7ON
“Nakikipag-partner din kami sa iba, like sa ABS-CBN, sa Dream Maker,” sambit ni Singson sa opening ng South Korean restaurant na bbq Chicken noong Hulyo 16, 2023, Linggo, sa Robinson’s Magnolia, Quezon City.
“Nagpi-finance kami ng ipinapadala sa Korea. May anim na buwan na ngayon na nandun, ang gagaling! Puro Pilipino.
“Mukhang Koreano na nga, e, nung nakita ko sila last week. May mga kulay na ang buhok nila. Ang gagaling nila!
“Pag nag-training ang mga dancers sa Korea, matagal. Pagpipilian nila, libo, buong mundo. Training nila, five years, six years, pero gumagastos yung mga company.
“Twelve hours a day. Ganun kahirap. Pipili sila, libo. Hanggang maiwan. Like yung BTS, andami; ang naiwan, anim lang.
“Yung BLACKPINK, andaming pinagpilian, apat lang. So, mga ganun.
“Pinoy group naman ang tini-train natin. Pure na Filipino. Nagte-training lang dun as dancers, like yung ginagawa ng mga K-pop dancers.
“Magagaling sila nung last time na nakita ko sila. Itong year na ito, dadalhin na sila sa Pilipinas, e, saka sa ibang countries.
“Bakit ambilis, ikako. Kasi usually, taon bago nila ilabas. Magagaling sila, sabi sa akin. Madaling natuto, mga Filipino dancers. HORI7ON ang pangalan nila.”
Tuloy pa rin ba iyong planong pagpapatayo ng Little Seoul sa bansa?
Tumango si Singson, “Yes, yes, uumpisahan na this year. Final na yung plano nila. In fact bukas ang dating ng mga founder, titingnan nila yan.
“Ang gagawin natin diyan, parang Little Korea. Ang tawag e Little Seoul. Kinopya ko lahat ng magaganda sa Korea para ilagay diyan.
“Then dadalhin ko naman dito yung mga movie stars nila para i-promote, or matuto yung mga kababayan natin.
“So magkakaroon din sila ng mga show rito. Dagdag sa ating tourism industry.”
Mga two years daw siguro bago matapos ang mga gusali para sa Little Seoul na iyan.
May mga paborito bang Korean stars o celebrities si Singsont? Kilala ba niya?
“Oo, pero kung gabi, pare-pareho na, e,” makahulugan niyang sagot.
Read: "Galawang Chavit" video goes viral
NOEL FERRER
Okay naman na magtayo ng entertainment company si Singson. Kasi, immersed naman siya at maraming contacts sa showbiz.
Pero paano kaya niya matutulungan ang pagbangon ng ating film industry?
GORGY RULA
Noong Marso ay bumisita si Lee Seung-gi sa Ilocos Sur. Noong Mayo ay bumalik uli ito sa bansa sakay ng ptivate plane ni Singson, at nag-concert sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.
May partnership pa ang entertainment company ni Singson sa ibang Korean stars.
Read: Lee Seung Gi returns to the Philippines for concert and business
“Babalik-balik sila dito. Magpe-perform sila dito,” sabi ni Singson.
Naisip ba niyang magtayo ng TV network?
“Noon, nag-offer ako noon na bibilhin ko yung Channel 7, hindi lang natuloy,” sambit ni Singson.
Bakit?
Rason nila, tatlo silang magkaka-partner, e. Medyo nagkagulo lang ang… Pero sumulat na ako nang pormal noong araw,” sabi ni Singson.
“Hindi rin natuloy. At okey naman sa akin dahil nga hindi na kailangan ng TV ngayon, digital na lahat, e.
“Anybody could put up their own. Labanan na lang ngayon ng content.”
Magpoprodyus pa ba siya ng pelikula?
“Oo, puwede rin. Naghahanap ako ng magandang story, direktor. Magagaling ang mga direktor natin,” saad ni Singson.
“Pag may magandang istorya, open pa rin ako. Kasi yung nanay ko, nagprodyus nung araw, marami nang nagawa. Producer din kasi yung parents ko.”
Naisapelikula na ang buhay niya. Ano paang dream project niya sakaling magpoprodyus siyang muli?
“Wala naman. Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Singson.
“Wala na akong mahihiling sa ating Panginoon dahil sa malaking tulong sa akin. Para sa akin, ahh nagpapasalamat na lang ako araw-araw paggising ko dahil buhay pa ako.
“And tulong na lang sa ibang tao. Lahat naman, ginagawa ko. Pati yung pinakamahirap!
“Pinakamahirap, patawarin mo yung kalaban mo, yung nagmumura sa yo.”
Meron pa ba siyang kaaway o kalaban?
“Wala naman. Lahat ng nakalaban ko sa politics, magkakaibigan na kaming lahat.
“Si Pareng Erap, magkaibigan na kami pagkatapos magkaroon kami ng misunderstanding.
“Si Manny Pacquiao, magkaibigan na kami. Lahat, lahat.”
Octogenarian na si Singson. Bakit nae-enjoy pa rin niya na sinu-supervise ang kanyang mga nagosyo, samantalang puwede na siyang mag-relax-relax. Puwedeng ipaubaya na niya sa kanyang mga anak ang pamamahala sa mga negosyo, di ba?
Ang daughter niyang si Vanessa Singson ay isa sa mga punong abala sa bbq Chicken.
“Puwede pero kung wala kang gagawin, kakalawangin ka, e,” sabi ni Singson.
“Parang kakalawangin ka pag wala kang ginagawa, kaya ayokong mag-retire.”
Nakikita ba niya na iyong ibang kasabayan niya ay kinakalawang, nag-uulyanin, nagkaka-Alzheimer’s Disease?
Natawa muli si Singson, “Kaya nga! Ha! Ha! Ha!”
