JERRY OLEA
Umaariba ang Battle of Nootime Shows ng E.A.T. sa TV5, It’s Showtime sa GTV, at revamped Eat Bulaga! sa GMA-7.
Read: Ratings war explained: how are noontime shows faring amid new TV landscape?
Sa Hulyo 22, 2023, Sabado, ay magniningning ang GMA Gala, at inaabangan natin kung magpapasikat dito ang hosts ng It’s Showtime at revamped Eat Bulaga!.
Kapuso pa rin ang Legit Dabarkads na sina Vic Sotto at Jose Manalo. Meron silang programang Open 24/7 at Battle of the Judges, respectively sa GMA-7. Imbitado ba sila sa GMA Gala?
Take note na idinemanda nina Tito Sotto, Vic, Joey de Leon, at Jeny Ferre ang GMA-7 at TAPE, Inc. (producer ng revamped Eat Bulaga!).
Read: TVJ, Jeny Ferre file copyright infringement and unfair competition complaints vs TAPE, GMA-7
Sa nalalapit na kasal nina Maine Mendoza at Congressman Arjo Atayde sa Baguio ay inaasahan natin ang buong puwersa ng Legit Dabarkads.
Hulyo 30, Linggo, ang ika-44 anibersaryo ng Eat Bulaga!.
Sa Hunyo 29, Sabado, ay ipagdiriwang ito ng hosts ng revamped Eat Bulaga!.
Sabi ni Quezon City Vice-Mayor Gian Sotto nang makatsikahan natin sa opening ng South Korean restaurant na bbq Chicken noong Hulyo 16, Linggo, sa Robinson’s Magnolia, Quezon City, in full force ang pamilya Sotto na ipagdiriwang ang anibersaryo ng orig na Eat Bulaga!.
Read: QC Vice-Mayor Gian Sotto, masaya sa tagumpay ng 'E.A.T.' ng TVJ
Nang mainterbyu namin si Kakai Bautista noong Hulyo 7, Biyernes, sa Beautederm HQ sa Angeles City, Pampanga, sinabi niyang OK siyang mag-guest sa It’s Showtime.
Pahayag ng Dental Diva na naging bahagi noon ng Eat Bulaga!, “Love ko naman talaga ang TVJ pero kasi, wala naman akong karapatang magsalita for them, for what happened.
“Love ko sila, love ko sila. And I think, talagang ganun sa industriya natin. Kasi this is show business.
“So, lahat ng mga nangyayari sa atin dito ay nangyayari nang may dahilan, di ba? So business ito, e!
“But sobrang support ko kay Tito Sen, kay Tito Joey. Kasi naging mabait sila sa akin, kaya sobrang love ko sila.
“Na-feel ko yung nag-aano ako sa Bulaga! dati is… na-feel ko din yung love nila for me.
“Saka andami ko ring beses nakatrabaho si Bossing! Sa pelikula, sa sitcom, andami nang beses.
“So, sobrang love ko talaga ang TVJ!"
Paano pag in-offer siyang makasama sa E.A.T.?
Mabilis na tugon ni Kakai, “Why not if given the chance, di ba? Go! Sabi ko nga, trabaho lang tayo nang trabaho, wala na tayong ano sa…
“Basta kung saan may trabaho, kung saan magbibigay ng pangkain sa pamilya ko, doon ako. Go! Di ba?!
“Di ba, trabaho lang tayo. Wala tayong ano. Walang mga personalan, walang ano. Basta naiintindihan natin yung isa’t isa na tayo lahat ay nagtatrabaho lang.
“Work natin ito. So, di ba, walang personalan.”
E, sa revamped Eat Bulaga! nina Paolo Contis at Yorme Isko Moreno?
“Puwede naman. Basta ako, right now, my support is with TVJ. Love ko talaga silang tatlo. Super, super-love ko sila!” pagdidiin ni Kakai.
Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline
GORGY RULA
Hindi ko na kinumpirma sa TVJ kung imbitado ba sila sa GMA Gala.
Pero sa pagkakaalam ko, hindi sila kasama sa mga imbitado. Hindi ko rin tiyak kung dadalo ba sila kung sakaling naimbitahan man.
Pero wala naman daw samaan ng loob. Nilinaw naman sa amin iyan noon ni Vic Sotto na okay na okay sila ng GMA-7. Wala raw siyang problema sa Kapuso network.
Hindi ko lang sure ngayong may demandahan na. Pero bukod diyan, marami pang puwedeng abangan sa napakahabang saga na ito ng Eat Bulaga!.
Itong E.A.T. at Eat Bulaga! ang mas tinututukan pa rin ng karamihan, base sa TV ratings, kung alin ang patuloy pa ring tatangkilikin ng mga manonood.
Ang isa sa inaabangan ay kung kaya nang magpasikat ng E.A.T. dahil meron silang ginu-groom ngayon na isang Nigerian na si Zombie na walong taon nang naninirahan dito sa Pilipinas.
Nagpakuwela itong si Zombie sa isang segment nila na "Babala" na kinatuwaan nilang lahat. Magmula nun ay isinasama na nila si Zombie sa kanilang "Sugod Bahay" segment.

Paolo Ballesteros, Zombie, and Wally Bayola with an E.A.T. contestant
Inaabangan lang namin kung mapapasikat ito ng E.A.T. ng TV5 kagaya ng mga napasikat noon ng Eat Bulaga!? sa GMA-7. May ilan na ring nagsasabi sa aming natutuwa na rin sila sa ilang segments ng bagong Eat Bulaga!, kagaya ng "Word of the Rings" na parang "Pinoy Henyo" lang din, ang "Bash Station," at ang nagustuhan ng karamihan na "G sa Gedli" ni Isko Moreno.
Nung Lunes, July 17, ay pinagkaguluhan nang husto sina Yorme at Buboy Villar sa Dipolog City kung saan ay doon sila nag-"G sa Gedli."

Isko Moreno and Buboy Villar in Dipolog City
Marami tuloy ang nagtatanong sa amin kung totoo bang hindi na tatakbo si Isko sa darating ng 2025 elections.
Sinasabi naman niyang hindi na raw talaga. Pero tingnan natin pag malapit na ang eleksyon, lalo na't pumapatok itong segment niya sa Eat Bulaga! kung saan ay nagagawa niyang makisalamuha sa mga tao.
Samantala, totoo kayang may ilang staff ng Eat Bulaga! na nagsasalita raw nang hindi maganda sa mga Dabarkads na lumipat ng TV5?
May mga ibang nagsasabing tila nabunutan daw sila ng tinik nang hindi na nila nakakatrabaho ang ilang Dabarkads at pati na rin ang TVJ.
May ilan pang nagpu-post sa social media na tila patama sa mga Dabarkads.
Kilala ko ang ilan sa kanilang naiwan sa Eat Bulaga! na alam kong may utang na loob pa ang iba riyan kay Vic Sotto at sa ilang Dabarkads.
Sana, inisip man lang nila iyun bago sila naglalabas ng mga hanash at bitterness nila laban sa dati nilang nakatrabahong Dabarkads.
Tutal, sinasabi naman nilang masaya na sila ngayon sa kanilang kinalalagyan. Kaya maging masaya na lang at tuluy-tuloy na lang ang pag-move on sa kanilang ginagawa.
NOEL FERRER
Magpapagandahan pa ang E.A.T. at ang revamped Eat Bulaga!. Masaya iyan para sa audience.
Maganda rin ang effect ng collab ng networks kaya puwedeng mag-crossover guesting gaya na lang nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa E.A.T. dahil may teleserye silang collab ng TV5 at Kapamilya network.

Wagi rin ang guesting ni Julie Ann San Jose sa It’s Showtime para makapag-promote ng pelikula niyang The Cheating Game.

Julie Anne San Jose (in red) with 'It's Showtime' hosts
Sana, tuluy-tuloy pa rin ang ganyang tawid-tawiran ng stars. Hintayin din natin ang mga tatawid din sa revamped Eat Bulaga!.
Isa pang aabangan ay ang 44th anniversary celebration. Sino at paano kaya ito ise-celebrate ng E.A.T. at ng Eat Bulaga!? Abangan.
Read: Tito Sotto, may reaksiyon sa pinaplanong 44th anniversary ng 'Eat Bulaga!': "The nerve!"
