PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Can 'M:I 7' Beat 'Top Gun: Maverick'?

Ilang local films, umatras sa regular screening para isali sa MMFF 2023?
by PEP Troika
Published Jul 18, 2023
mission: impossible dead reckoning
Tom Cruise and Hayley Atwell in a scene from 'Mission: Impossible - Dead Reckoning Part One.'

JERRY OLEA

Ang Top 2 na pinakamalakas ng movies last year ay Avatar: The Way of Water ($2.3B) ni Direk James Cameron, at Top Gun: Maverick ($1.5B) ni Tom Cruise.

Read: Top Gun: Maverick ni Tom Cruise, hitik sa makapigil-hiningang action scenes pero may kurot sa puso

Senior citizen na si Tom Cruise (who turned 61 last July 3) pero malakas pa rin ang hatak niya sa takilya.

Nanguna sa takilya ng North America last weekend, July 14-16, 2023 ang bagong bukas niyang pelikula na Mission: Impossible — Dead Reckoning Part One.

Humamig agad ito ng $54.7M sa U.S. at Canada. Worldwide ay naka-$234M agad ito.

Read: Tom Cruise screams at Mission: Impossible 7 crew for breaking COVID-19 safety protocol

Aabangan natin kung ang worlwide gross nito ay lalapit o lalampas sa kinita ng Top Gun: Maverick.

mission: impossible poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasabay ng Mission: Impossible — Dead Reckoning Part One na nag-open sa Pilipinas last Wednesday ang horror movie na Elevator Game, at ang OFW The Movie na noong Hunyo 8, 2019 pa nag-premiere sa SM Megamall, Mandaluyong City.

Wala akong balita kung ano ang sinapit ng OFW The Movie at Elevator Game.

Bukas, Hulyo 19, Miyerkules, ay tuloy na ang showing sa bansa ng Barbie movie nina Margot Robbie at Ryan Gosling.

Kasabay nitong mag-o-open ang Oppenheimer ni Direk Christopher Nolan; Joy Ride nina Ashley Park at Stephanie Hsu; at horror movies na The Captive at Mary Cherry Chua.

barbie poster

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Patapos na ang blockbuster season ng Hollywood movies this year.

So far, ang dalawampung (20) pinakamalalakas ng movies worldwide ngayong 2023 ay ang mga sumusunod: The Super Mario Bros. Movie ($$1.3B), Guardians of the Galaxy Vol. 3 ($843M), Fast X ($705M), Spider-Man: Across the Spider-Verse ($664M), The Little Mermaid ($554M), Ant-Man and the Wasp: Quantumania ($476M), John Wick: Chapter 4 ($427M), Transformers: Rise of the Beasts ($421M), Elemental ($313M), Indiana Jones and the Dial of Destiny ($304M)...

Creed III ($275M), The Flash ($267M), Mission Impossible: Dead Reckoning Part One ($234M), Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves ($208M), Scream VI ($169M), Evil Dead Rise ($147M), Shazam! Fury of the Gods ($134M); Pathaan ($129M), Insidious: The Red Door ($123M), at Detective Conan: Black Iron Submarine ($94M).

GORGY RULA

Kahit punung-puno ang ilang malls na napupuntahan namin, hindi pa rin ganoon kalakas ang mga sinehan.

Nasa Robinson’s Magnola kami nung Linggo, hindi rin ganoon kadami ang nanoood ng Mission: Impossible — Dead Reckoning Part One kahit ang daming tao sa mall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na panonood ng sine ang bonding nila, kundi kumain na lang at konting shopping. Siguro dahil sa mahal ng ticket ng sine, kaya hindi na lang sila manonood. Puwede naman sa bahay na lang manonood, dail maraming choices sa mga streaming platforms.

Kaya ang ibang film producers ay patuloy pa rin sa paggawa ng pelikula. Hindi naman sila umaasa na lang sa theatrical release, dahil naibebenta na nila sa mga streaming service. Kahit mga bagong producers ay sa streaming ang fallback nila kung mahihirapan silang makakuha ng booking sa sinehan.

NOEL FERRER

Naku, habang tuluy-tuloy na ang release ng foreign movies, sina Julie Ann San Jose at Rayver Cruz (The Cheating Game) at Ai-Ai delas Alas at Quinn Carrillo (Litrato) naman ang magsasalpukan sa takilya among the films next week.

the cheating game02

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matumal pa rin ang suporta ng mga tao sa pelikulang lokal. Iyan kaya ang dahilan kaya nag-withdraw na raw sa regular playdate ang pelikula nina Ate Vi (Vilma Santos) at Papa Boyet (Christopher de Leon) para isali na lang sa finished film submission ng 49th Metro Manila Film Festival?

Balitang hahabol din daw ang pelikula nina Aga Muhlach at Julia Barretto, pati na yung kina Daniel Padilla at Zanjoe Marudo sa darating na MMFF.

Totoo bang pati si Senator Bong Revilla ay balak gumawa rin ng pelikulang pang-MMFF?

Tingnan natin kung an-anu at sinu-sino ang makakatapos.

Still and all, sana ay may kumita nang pelikulang Pilipino para magtuluy-tuloy ang sigla ng ating local na industriya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Cruise and Hayley Atwell in a scene from 'Mission: Impossible - Dead Reckoning Part One.'
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results