GORGY RULA
Pinili ni Maureen Wroblewitz na tahimik lang ang kanyang love life ngayon.
Sobrang tipid ang sagot niya nang magpadala ang PEP Troika ng ilang katanungan tungkol sa mga pinagkakaabalahan niya sa Amerika, at pati na rin ang kanyang love life, at dating kasintahang si JK Labajo.
Hiningan namin siya ng reaksyon na tila para sa kanya pa rin ang huling single ni JK na pinamagatang "May Halaga Pa Ba Ako Sayo?". Kung maari ay ayaw na raw niyang sagutin ang tungkol kay JK dahil alam niyang nasa healing process pa rin ito.
Read: Is this JK Labajo’s reaction to Maureen Wroblewitz's sweet photo with rumored new boyfriend?
"I’m wishing him all the best," text sa amin ng beauty queen-actress.
Ganun din katipid ang sagot niya pagdating sa napabalitang boyfriend niyang model at medical student na si Noah Steinbuch.
"I’m very happy," sagot niya sa tanong namin tungkol sa relasyon nito kay Noah.
Read: Is Maureen Wroblewitz’s boyfriend fellow model Noah Steinbuch?
Nasa Los Angeles, Califoria ngayon si Maureen. Katatapos lang niyang umikot sa iba't ibang bahagi ng Amerika para sa special screening ng pelikulang Take Me To Banaue ng Carpe Diem Productions ng direktor at producer nitong si Danny Aguilar.
Sobrang na-enjoy raw niya ang mga napuntahan nilang lugar para sa special screening ng Take Me To Banaue, dahil marami siyang nakakasalamuhang mga Pinoy na natuwa sa kanyang pelikula.
"We have had 12 screenings so far. We were in Texas, Florida, Arizona, Las Vegas, New York, Washington DC.
"It’s been an amazing experience because I not only get to see beautiful places around the US but I also get to interact with the Filipino communities.
"We have received an overwhelmingly positive response and support of the film. People are really invested in the characters and are seeking for a sequel," pahayag ni Maureen.
Bukod kay Direk Danny Aguilar, kasama ni Maureen ang co-stars niya sa pelikula—ang Hollywood actors na sina Brandon Melo at Dylan Rogers, at ang Kapuso actress na si Thea Tolentino.

(From left) Dylan Rogers, Maureen Wroblewitz, Thea Tolentino, Brandon Melo, and director Danny Aguilar
JERRY OLEA
Naging close sina Maureen at Thea habang ginagawa nila ang Take Me To Banaue. Lalo raw natuwa si Maureen nang dumating sa Amerika si Thea para sumama sa mga special screenings.
"That’s the best part about the trips, getting to bond with my co actors. We get along so well and have become a little family.
"Thea and I have gotten closer too and have built a friendship that I cherish," saad ni Maureen.
Read: Maureen Wroblewitz at Thea Tolentino, nagba-bonding sa shooting gamit ang tarot cards
Hindi pa in-announce ni Direk Danny kung kailan ang streaming ng Take Me To Banaue, at kung saang streaming service ito mapapanood. May mga naka-schedule pa raw na special screenings dahil maganda raw ang feedback sa kanilang pelikula.
NOEL FERRER
Bale pangalawang pelikula na itong nagawa ni Maureen.
Matagal na niyang natapos ang Runaway under Reality MM Studios na dinirek ni Katski Flores. Kinunan pa sa New Zealand ang pelikulang ito kasama si Kit Thompson.
Naka-schedule na ang streaming nito sa Upstream noong Setyembre 3, 2021 pero hindi natuloy.
Matapos sumambulat ang iskandalong kinasangkutan ni Kit noong Marso 2022, tila ibinaon na muna ang Runaway movie.
Wala pang balita kung ano ang plano ng Reality MM Studios para sa acting career ni Maureen.
Sabi naman ng model/beauty queen/actress, willing siyang bumalik ng bansa kapag may magandang film project na ipapagawa sa kanya.
"So far there’s nothing planned but I’m definitely open to doing more movies since I’d love to focus on acting," pahayag ni Maureen.
