JERRY OLEA
Five consecutive days (Hulyo 16-20) nang nangunguna ang Bird Box Barcelona sa listahan ng Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix.
Bida sa Spanish post-apocalyptic horror thriller si Mario Casas. Spin-off sequel ito ng Bird Box (2018) na pinagbidahan ni Sandra Bullock.

Bird Box Barcelona
Pangalawa sa talaan ang 2021 crime drama film ni Matt Damon na Stillwater. Pangatlo ang Seasons nina Carlo Aquino at Lovi Poe, at pang-apat ang Lola Igna nina Angie Ferro at Yves Flores.
Ang anim pa sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines ngayong Hulyo 20, Huwebes, ay The Out-laws, Man on Fire, Monster Hunter, Bird Box, Sing, at Kingdom.
Bale apat na araw nang may dalawang pelikulang Pinoy sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines. Mula noong Hunyo 21 ay wala nang Pinoy series sa listahan ng Top 10 TV Shows in the Philippines Today ng Netflix.
Isang linggo nang naggigirian sa naturang listahan ang mga gawang-Hapon at Koreano.
Ngayong Hulyo 20, Huwebes, ang Top 5 ay King the Land (South Korean) nina Lee Jun-ho at Im Yoon-ah, Zom 100 Bucket List of the Dead (Japanese), Jujutsu Kaisen (Japanese), Burn the House Down (Japanese), at See You in My 19th Life (South Korean) nina Shin Hye-sun, Ahn Bo-hyun, Ha Yoon-kyung at Ahn Dong-goo.

King The Land
Pang-anim hanggang pansampu ang Celebrity (South Korean) nina Park Gyu-young at Kang Min-hyuk, Mushoku Tensei: Jobless Reincarnation (Japanese), Hidden Love (Chinese), I Got a Cheat Skill in Another World and Became Unrivaled in the Real World, Too (Japanese), at Record of Ragnarok (Japanese).
Bale anim diyan ang Japanese, five of which are anime. Tatlo ang South Korean, at isa ang Chinese.
NOEL FERRER
Parang this is Carlo Aquino season sa pelikula. Masaya tayo na ang Seasons done by Regal with him and Lovi Poe is doing well sa viewership ng Netflix.

Carlo Aquino and Lovi Poe in Seasons
Sana, ganito rin ang sapitin kapag naipalabas na sa Agosto 16 sa mga sinehan ang kanyang pelikula with Charlie Dizon in Third World Romance. Mukhang kakaiba naman ang pelikulang ito para mapapayag ang magkarelasyon sa totoong buhay para tanggapin ito.

Of course, kakaiba rin ang entry ni Carlo sa Cinemalaya XIX: ilumiNasyon (Agosto 4-13, PICC and select cinemas), ang animated film na Iti Mapukpukaw (The Missing) with Gio Gahol and Dolly de Leon. This is the first animated full-length film na in competition sa Cinemalaya.

Iti Mapukpukaw
In fairness kay Carlo, siya yung isang aktor na habang tumagal, gumagaling at nagiging maayos ang dating.
Marahil, magaling lang din siyang mag-alaga ng sarili, maliban sa isa si Carlo sa magagaling na aktor ng kanyang henerasyon.
Kaya mapa-online o sa takilya, sana ay mas maging matagumpay pa si Carlo na hindi nawawalan ng magagandang proyekto!
GORGY RULA
Nadala ng galing sa pag-arte nina Lovi Poe at Carlo Aquino itong Seasons. Maganda ang execution ng ibang mabibigat na eksena dahil magaling ang pag-arte nila. Kaya ang daming nagkagusto sa pelikulang ito, at itong magkakasunod na araw ring pumuwesto sa number one ng Netflix Philippines, mula Hulyo 9 hanggang 15.
Proud si Roselle Monteverde ng Regal sa pelikula dahil kaagad na kinuha ito ng Netflix. Hindi na siya namroblema sa booking sa sinehan.
Kaya bawi na rin ang Regal, kung hindi man nila naipalabas sa mga sinehan ang ilang pelikula nila. Pero sana, magsisimula na silang gumawa ng pelikulang sa mga sinehan na mapapanood.
Okay naman ang Bird Box Barcelona, pero mas maganda pa rin talaga ang una na pelikula ni Sandra Bullock.
Nagulat lang kami kung bakit bumalik at napasama sa Top 10 ang Lola Igna. Maganda naman ang pelikula, kaya okay lang.
Samantala, marami pa ring producers ngayon na tahimik lang pero tuluy-tuloy pa rin ang paggawa ng pelikula dahil open na sila sa ilang streaming service kagaya ng Netflix, Prime Video, at HBO.
Sinusubukan muna nilang i-submit sa Metro Manila Film Festival, at kung hindi mapili sa walong entries, ididiretso na nila sa streaming platform dahil mas nakikita pa nilang mababawi nila ang puhunan kesa magbakasakali sa sinehan.
