GORGY RULA
Muling ibinuhos ni Dennis Padilla ang nararamdaman niya sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaayos—sina Julia, Claudia, at Leon.
Read: Dennis Padilla wishes to reconcile with estranged children before Christmas
Nakonek niya ito sa pelikulang gagawin niya sa Rems Film Production na ang pamagat ay Magic Hurts. Ilulunsad ng pelikulang ito na ididirek ni Gabby Ramos ang tambalang Mutya Orquia at Beaver Magtalas.
Mahalaga ang role ni Dennis sa pelikula kung saan gagampanan niya ang role ng isang bading na nagmamay-ari ng isang flower farm sa Atok, Benguet.
Kasama rin sa cast ang kapatid ni Marjorie na si Claudine Barretto at ang eight-year-old daughter ng aktres na si Aryanna Barretto.
Read: Claudine Barretto hugs Dennis Padilla in tearful reunion: "I miss you Kuya"
Sa story conference na ginanap sa Relish Restaurant, Quezon City, ibinahagi ni Dennis ang kanyang sariling interpretasyon sa titulong Magic Hurts.
Aniya, “Kamukha nung title ng pelikula, pag hurt, may healing. Dun pumapasok yung magic.
"Kasi kapag may sakit, may healing. Tapos yun yung magic niya e, kasi galing sa pagmamahal yun.
"There was one time nga, tinext ko si Claudine. Sabi ko, 'Alam mo, Claudine, kung bakit tayo nasasaktan? Kasi mahal natin sila, e. Di ba, pag mahal mo, nasasaktan ka?'
"Parang natutunan mo nang mabuhay na kasama yung sakit. Nakakasanayan mo."
Obvious na tungkol sa kanyang mga anak kay Marjorie ang tinutukoy ni Dennis. Napangiti na lang si Dennis na sinabi niyang naniniwala siyang magkakaroon ng healing pag nasa Atok, Benguet na siya.
Sa Baguio at sa Atok kukunan ang kabuuan ng pelikula.
"Baka pagdating sa Atok, baka mag-heal siya, e. Kasi malamig siya dun, e.
"Baka dun pumasok yung magic ng healing," napangiti niyang pahayag.
Read: Julia Barretto on younger brother Leon: “I’m grateful he spoke up and he protected us.”

Magic Hurts cast
NOEL FERRER
Nandiyan na ba ang pagpapatawad na bahagi ng healing na sinasabi niya?
"HIndi ko alam kung ako forgiven na, pero... Matagal na. Saka wala naman akong dapat i-forgive dahil ako yung may nagawang pagkukulang, e,” pag-amin ni Dennis.
“So, ang madalas kong sabihin na... ang importante, nasabi mo ang dapat mong sabihin. Naparating mo yung message mo. Ang importante, yung pagmamahal, nandun yung magic, e.
"I'm waiting for that magic, and I hope yung pagmamahal ay nandun pa din.
"Kasi minsan, mas lumalalim yung pagmamahal pagka galing kayo sa sakit, di ba? Mas lumalalim," dagdag niyang pahayag.
Ngunit sa tingin ko, mas okey at mas may healing kapag personal itong sinasabi at ginagawan ng paraan. Mahirap kasi kung naisasapubliko lalo pa’t may kinalaman sa isang pelikula.
JERRY OLEA
Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Dennis na magkaayos sila ng mga anak niya.
"Yan ang sana sumunod, kasi I'm not getting any younger, e. Sana soon," pakli niya.
Pero hindi na raw siya ang magri-reach out. Matagal na raw siyang lumalapit, at sana nga raw ay gawin na ito ng kanyang mga anak.
"I've been reaching out since ano pa e, 2014, medyo matagal na rin. Ilang years na ba yun? Almost 10 years na... nine years, I've been reaching out, so I hope sila naman," saad niya.
Nakahanda naman daw siyang maghintay at hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa.
"Pagka tatay ka, mahaba yun... sabi nga nila, nung ako, suwail din naman ako sa tatay ko nung araw. Hindi naman ako all the way mabait na anak.
"So, dun ko naintindihan yung mga sinasabi ng magulang ko na... lalo na si Tatay, sabi sa akin, 'Kayo, matitiis niyo kami. Pero kayo, hindi ko kayo matitiis.’”
