PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pops Fernandez, nanibago sa pagkanta ng Gen Z songs

Pops Fernandez, naiyak sa tribute sa kanya ng 'ASAP Natin 'To.'
by PEP Troika
Published Jul 24, 2023
pops fernandez for the love
Pops Fernandez on Gen Z songs: “Ang napansin ko kasi ngayon sa mga kanta ngayon, mas ano sila, mas expressive sila sa nararamdaman nila. Nadi-describe nila ang situation kung nasaan sila, nakukukuwento nila sa kanta talaga Dati kasi, in general, di ba? 'Tumingin ako sa mata mo,' in general yun. Ngayon kasi nakukuwento na yun."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Excited si Pops Fernandez sa bagong show niyang For The Love na mapapanood sa TV5, simula July 29, 2023, Sabado ng 3:20 p.m. Gusto niya ang concept dahil kinakanta muna niya ang kantang isasadula nito.

Read: Pops Fernandez, kapalit ni Charo Santos at bagong katapat ni Mel Tiangco?

Pero ang isa sa medyo naninibago ang original Concert Queen ay mga bagong kanta na pang-Gen Z.

Pahayag ni Pops sa nakaraang mediacon ng For The Love, nakakanta naman daw niya ang mga bagong kanta ng Viva Records, pero kailangan niyang pag-aralan dahil ibang-iba raw sa mga kanta nung kapanahunan niya.

“Pag napag-aralan naman, of course kaya," bulalas ni Pops.

"Pero iba na ngayon ang kanilang melody. Iba na ngayon ang kanilang phrasing. Dati kasi sa amin, kunwari one sentence dapat tatapusin mo yung sentence. Ngayon, kalahati ng sentence pupunta na dun sa kabila, parang may putol na.

"So it's very.... ahh, kumbaga I have to get used to it. It's wonderful songs," sabi pa ni Pops.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang napansin ko kasi ngayon sa mga kanta ngayon, mas ano sila, mas expressive sila sa nararamdaman nila. Nadi-describe nila ang situation kung nasaan sila, nakukukuwento nila sa kanta talaga

"Dati kasi, in general, di ba? 'Tumingin ako sa mata mo,' in general yun. Ngayon kasi nakukuwento na yun.

"And again, their melody is somehow a little bit different from ours. Kumbaga, ako in my mind, after this note dapat pumunta dun, sila naiiba. So, I just have to make sure that I learn it more,” dagdag niyang pahayag.

Pawang mga kanta ng Viva Records ang ginagamit sa naturang programa kagaya ng "Mahika" ni Kitchie Nadal, "Ligaya" ng This Band, "Pag-ibig Lang" ng The Juans ,at marami pa.

"Ngayon nakanta ko na, dapat kantahin ko na. I had to learn a lot of songs. And again, I don't mind it. Medyo natsa-challenge lang ako," napapangiti niyang pahayag.

Ilan pa sa mga kantang nai-tape ng For The Love ay version nina Hans Paronda and Edsel na "Kahit Kailan," "Before I Let You Go" ng Freestyle, at ang "Pagdating ng Panahon" ni Ice Seguerra.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Napanood ko ang celebration ng 40th anniversary ni Pops sa industriya nitong Hulyo 23, Linggo, sa ASAP Natin ‘To.

Kahit ang GMA-7 ang kumupkop sa kanya sa reality talent show na siya ang hurado, it really had to be in ASAP na siya ay mag-celebrate dahil isa siya sa nagpasimula nun with sina Martin Nievera, Ariel Rivera, at Dayanara Torres.

Naiyak si Pops sa pa-tribute sa kanya nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez, pati na nina Erik Matti, Jona, Morissette, at Klarisse de Guzman, dahil buti raw ay nabibigyang importansiya pa siya sa industriya kahit medyo nawala rin siya at nag-lie low.

Pero may inihahandang concert si Pops sa February 2024 para sa kanyang mga fans. Aabangan na lang natin ang pagbabalik ng Concert Queen sa concert stage.

For now, sa For The Love muna natin siya mapapanood sa TV5.

JERRY OLEA

Kasabay ni Pops sa pagdiriwang ng 40th anniversary sa showbiz this year si Zsa Zsa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil may weekly drama anthology na si Pops sa hapon, may mga nagturing na siya ang bagong Charo Santos na host ng defunct Maalaala Mo Kaya? (MMK).

Hindi kaya mas angkop na sabihing siya ang bagong Helen Vela? Nag-host noon si Helen ng Lovingly Yours, Helen.

Tungkol sa mga bagong kanta ng Viva Records… mas gusto ko pa rin ang mga lumang kanta gaya ng "Gaano Kadalas Ang Minsan," "Paano Ba Ang Mangarap?," "Sinasamba Kita," "Kahapon Lamang," "Hiram," "Sana’y Maghintay Ang Walang Hanggan," "Sana’y Wala Nang Wakas," "Init Sa Magdamag," "Pangarap na Bituin," "P.S. I Love You," "Kailan Sasabihing Mahal Kita?," at siyempre pa, ang paborito ng mga bisita sa handaan, ang walang kamatayang "Bituing Walang Ningning."

“Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal…”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pops Fernandez on Gen Z songs: “Ang napansin ko kasi ngayon sa mga kanta ngayon, mas ano sila, mas expressive sila sa nararamdaman nila. Nadi-describe nila ang situation kung nasaan sila, nakukukuwento nila sa kanta talaga Dati kasi, in general, di ba? 'Tumingin ako sa mata mo,' in general yun. Ngayon kasi nakukuwento na yun."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results