GORGY RULA:
Lalong namamayagpag sa ratings ang afternoon drama ng GMA-7.
Mas tumataas ang Abot Kamay Na Pangarap, lalo na't tumitindi ang pagkokontrabida ni Pinky Amador (Moira) kay Carmina Villarroel (Lyneth), at ni Kazel Kinouchi (Zoey) kay Jillian Ward (Analyn).
Read: Pinky Amador on her kontrabida role: "Nabubuhasan ng pintura, nadadapa, nasasaktan..."
Ang hirap na rin ng pinagdadaanan ng mag-inang Sandy Andolong (Luisa) at Herlene Budol (Gigi) sa kuwento ng Magandang Dilag.
Read: Magandang Dilag ni Herlene Budol, nagpasiklab agad sa ratings
Wagas din ang pagmamaldita ni Valerie Concepcion (Alexa) sa The Seed of Love.
Nung Miyerkules (July 26) at Huwebes (July 27) ay mataas ang viewership. Nag-uulan kaya pinili ng karamihan ng mga tao na manood sa telebisyon sa kani-kanyang tahanan.
Nung July 26 ay ang tataas ng mga programa sa Afternoon Prime at talbog pa nito ang ilang primetime shows ng GMA-7.
Pagkatapos ng Eat Bulaga!, umariba na ang Abot Kamay na Pangarap na naka-13.3%. Ang katapat nitong Pira-Pirasong Paraiso sa TV5 ay naka-1.6%.
Ang Magandang Dilag ng GMA-7 ay naka-11.3% versus Nag-aapoy Na Damdamin ng TV5 na naka-1.4%.
Sumunod ang The Seed of Love na naka-8.6% at ang Fast Talk with Boy Abunda na naka-6.3%.
Sumunod ang Thai drama ni Mario Maurer na Bad Romeo na naka-3.4%, at ang Luv Is nina Kyline Alcantara at Mavvy Legaspi ay naka-5.6%.
NOEL FERRER:
Noong Huwebes, July 27, ay nanatiling mataas pa rin ang Afternoon Prime ng GMA-7.
Ang Abot Kamay na Pangarap ay naka-13.2%, at 1.7% naman ang Pira-Pirasong Paraiso.
Ang Magandang Dilag ay naka-11% ito, at ang Nag-aapoy na Damdamin ay naka-1.7%.
Ewan ko kung nakatulong ang isyu nina Herlene at ng kumalas niyang manager na si Wilbert Tolentino.
Noong araw ring yun ay may hanash si Herlene sa kanyang YouTube channel na prinomote pa niya sa kanyang Instagram na abangan sa YT channel niya ang episode na "Bakit Moko Iniwan, Sir Wilbert?" Bakit nga ba?
Read: Herlene Budol addresses resignation of Wilbert Tolentino as her manager
Sumunod ang The Seed of Love ay 8.6%, at ang Fast Talk With Boy Abunda ay 6%.
Ang Bad Romeo ay 3.3%, at ang Luv Is ay 5.7%.
JERRY OLEA:
Nanood ang isang kaibigan ng isang Pinoy movie noong umaga ng July 26, Miyerkules, sa Robinson’s Magnolia. Mag-isa lang siya sa loob ng sinehan.
Nanood naman kami ng kaibigang Alex Jorolan ng 6:00 p.m. screening ng Haunted Mansion sa Cash ‘n Carry. Kaming dalawa rin lang ang audience.
Mukhang nag-stay na nga lang sa kani-kanyang bahay ang mga tao at nanood sa TV o streaming platforms.
Maraming magagandang panoorin sa Netflix, Prime Video, at Disney+. Tuluy-tuloy rin ang Vivamax sa paghahatid ng mga mapangahas na bagong pelikula at serye.
Streaming na umpisa this Friday, July 28, sa Vivamax ang pelikulang Litsoneras nina Yen Durano, Jamilla Obispo, Joko Diaz, Victor Relosa, Elmo Elarmo Jr., at Aerol Calmero, sa direksiyon ni Roman Perez Jr.
Sa AQ Prime ay streaming na sa Hulyo 30, Linggo, ang Taong Grasa na tampok sina Kurt Kendrick, Andrew Gan, Joni McNab, Manang Medina, at Emelyn Cruz, sa direksyon ni Neal “Buboy” Tan.
