GORGY RULA:
Kaabang-abang sa 44th anniversary celebration ng Eat Bulaga! bukas, Hulyo 29, 2023, Sabado, ang pamimigay ng pitong cellphones, at pito rin ang mananalo ng tig-P44,000 sa segment nilang "QR Code."
May pina-plug pa silang house and lot at isang milyong piso, na isa raw ito sa extravagant na sorpresa.
Read: Paolo Contis, tiniyak na magiging "big" at "grand" ang 44th anniv ng 'Eat Bulaga!'
Gagamitin na ng Eat Bulaga! ang kanilang bagong theme song.
Meron pa silang ia-announce na ang dinig namin ay may kinalaman sa kanilang social media account. Magkakaroon na ba sila ng YouTube channel nila bukod sa kanilang Facebook account?
Nahihirapan sila sa aspetong ito dahil nare-report silang pinapalabas na gumagaya sa Eat Bulaga! ng TVJ. Hindi lang namin alam kung may magagawa sila rito, dahil ang dalawang noontime shows na katapat nila ay namamayagpag sa online.
Read: Paolo Contis unbothered by takedown of 'Eat Bulaga!' social media accounts: “Hindi tayo susuko."
Meron din silang bagong segments at pa-contest na ilulunsad, at yun daw ang aabangan.
Maingat lang daw sila ngayon sa mga pa-contest nila dahil medyo nahihirapan sila sa MTRCB. May kahigpitan daw sa kanila ang naturang ahensya, kaya sumusunod talaga sila sa patakaran.
Kailangan namang bantayan ng MTRCB ang isang noontime show dahil napapanood ito ng lahat, lalo na ang mga kabataan.
Definitely, maingat din diyan ang MTRCB lalo na't si Ma'am Lala Sotto, anak ni dating Senator Tito Sotto, ang chairperson.
Curious kami kung paano ipagdiriwang ng Eat Bulaga! ang 44th anniversary ng programa na hindi mababanggit ang mga nakaraang segments kasama sina Tito, Vic & Joey, at mga legit Dabarkads.
Sabi nga ni Joey sa kanyang IG post, “You cannot complete and celebrate 44 years without the PAST!"
Pero magdidiwang din ang TVJ ng "National Dabarkads Day" sa E.A.T. Babanggitin kaya nila ang Eat Bulaga! sa E.A.T.?
Sa kanilang YouTube channel ay nababanggit nila ang dati nilang noontime show. Ewan ko lang kung gagawin nila sa TV5.
Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline
JERRY OLEA:
Pagkatapos ng celebration ng 44th anniversary celebration, inaasahang ma-finalize na rin ang regular hosts ng revamped Eat Bulaga!.
Bukod kina Paolo Contis, Isko Moreno, Buboy Villar, Betong Sumaya, Alexa Miro, at ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi, may mga guest co-host pang sina Winwyn Marquez, Glaiza de Castro, Chariz Solomon, Yasser Marta, Dasuri Choi, Kokoy de Santos, Kimpoy Feliciano, at Michael Sager.
Sina Paolo at Isko pa lang ang pinapirma ng kontrata.
Sabi ni Paolo sa panayam ng DZRH, papipirmahin na rin daw ang iba pa nilang kasamahang hosts at madadagdagan pa.
Aniya, “I'm not sure if I'm allowed to say, but they will be signing that's for sure. Nagkataon na lang na nauna kami ni Yorme. Pero pini-prepare... kasi yung TAPE nasa process sila of professionalizing the whole office.
“So, nauna lang kami ni Yorme, pero susunod na yung ibang co-host na pipirma sa TAPE. Ako, naniniwala ako na we are in the process of, kumbaga, finding the perfect timpla 'ika nga ng mga host."
Hindi pa raw nila alam kung sino sa mga guest co-hosts ang puwede nang maging regular.
"Masasabi natin na tuluy-tuloy lang sila sa paghu-host, pero siyempre, alam naman natin na hindi pa kami kumpleto, hindi pa sobrang buong-buo yung mga host ng Eat Bulaga!.
"Pero sa ngayon, we believe it's working, sobrang close na nung grupo, pero we're very open na merong madagdag pa sa amin.
"Alam naman namin na kailangan pa namin ng iba pang tulong at mga host sa grupo namin. Alam naman namin yun.
"Naniniwala ako dun, kasi si Chariz, sobrang effective. Napapadala na siya sa 'G Sa Gedli.'
"Si Winwyn, sobrang galing na co-host din. So, eventually, naniniwala akong i-introduce na kung sinu-sino talaga yung regular at maging formal na hosts ng Eat Bulaga!," saad ni Paolo.
NOEL FERRER:
Na-maintain pa rin ng tatlong noontime shows ang ratings nila.
Maulan nung Miyerkules at Huwebes dahil sa bagyong Egay, kaya nakatutok ang televiewers sa telebisyon sa kani-kanilang tahanan.
Nung Miyerkules, July 26, naka-4.6% ang E.A.T, 3.9% ang Eat Bulaga!, at 3.5% ang It's Showtime.
Nung Huwebes, July 27 naman, 4.6% pa rin ang E.A.T, 3.8% ang Eat Bulaga!, at 3.4% ang It's Showtime.
Exciting tutukan ang anniversary celebrations ng dalawang noontime shows this weekend!
