PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis Responds to 'Eat Bulaga!' Criticism

Sino nga ba ang tunay na nagmamay-ari ng 'Eat Bulaga!'?
by PEP Troika
Published Jul 29, 2023
Eat Bulaga! 44th anniversary
'Eat Bulaga!' host Isko Moreno: “Ngayon, ang tanong, sino ba ang nagmamay-ari ng Eat Bulaga? Ang sagot, lahat po tayo. Kasi sa 44 years, lahat po tayo ay naging bahagi nito."
PHOTO/S: TAPE Facebook

GORGY RULA:

Emotional ang hosts ng revamped Eat Bulaga! na nagdiwang ng 44th anniversary ngayong Sabado, July 29, 2023.

Marami silang pasabog na papremyo sa mga manonood.

Lahat ng audience sa loob ng studio ay may uwing tig-1 thousand pesos, at ang pinakamatindi ay ang bago nilang segment na "May Pa-Key Sa Yo" na napanalunan ng contestant na taga-Silang, Cavite ang jackpot nilang house and lot na bigay ng Camella Homes.

Hindi na nila naipamigay ang pitong cellphones at tig-44 thousand pesos sa pitong mananalo dahil kinulang na sa oras.

Nangako na lang silang ibibigay nila ang mga ito sa Lunes, July 31.

Read: 'E.A.T.' at 'Eat Bulaga!' sabay na nagdiwang ng anibersaryo

Eat Bulaga! 44th anniversary show

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago nila in-introduce ang bagong theme song na ni-record ng mga hosts, hindi napigilan ni Paolo Contis na maging emotional sa kanyang pahayag.

Read: Bagong theme song at larong a la Pinoy Henyo tampok sa Eat Bulaga! anniversary show

Ani Paolo, “Mahalaga po ang araw na 'to sa Eat Bulaga!. Forty-four years ago, sinimulan po ng Eat Bulaga! ang pagbibigay ng saya.

“Lumipas man po ang panahon sa kahit anong pagkakataon…

“Maiba man po ang mga artistang humaharap sa inyo araw-araw…

“Ang hindi po mababago ay ang hangarin ng Eat Bulaga! na magbigay ng saya! Naging emotional ako, ha?"

Natigil siya sandali dahil pinipigilan niyang maiyak.

"At magbahagi ng pag-asa. Tulong at saya, yan po ang aming bagong tugon sa panahong ito."

Nagdagdag ng mensahe si Isko Moreno, “At bago tayo magpatuloy, binabati natin at sana'y gabayan kayo ng Panginoong Diyos sa mga kababayan natin diyan sa Northern region, nag-uulan at sa iba't ibang bahagi ng ating bansa, na hinahampas ng bagyo. Mag-iingat po kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"On behalf of TAPE, Inc. and our co-hosts, nakikiisa po kami sa inyo. At in our own little way, ngayong anibersaryo ng Eat Bulaga!, ang selebrasyon na 'to ay alay namin sa inyo, para mapangiti lang kayo kahit papaano.

"Mga Kapuso, nung nagsisimula kami bilang bagong hosts, ang ipinangako namin sa inyo ay kayo ang laging dahilan kung bakit kami naririto.

"Dahil sa inyo, mga mahal.... sabi nga namin, it's not always about the hosts. It's always about the viewers.

"Kayo sa studio, kayong mga manonood sa kani-kanilang tahanan na lagi ninyo kami isinasama sa inyong tanghalian, napakaraming salamat po sa inyong lahat."

Dito na nila in-introduce ang bagong theme song ng Eat Bulaga! na ni-record nilang mga hosts.

May pauso pa silang tagline na "EB Happy."

Sabi uli ni Paolo, “Ang gusto namin, fresh lang. Kaya mas pinaganda namin ang kantang ito na mas akma sa bagong panahon at bagong panlasa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero ang puso at hangarin ng Eat Bulaga!, siyempre hindi po yan mawawala. Kalakip nito ng kanta, dahil siyempre, nilikha ito para sa inyo.

"All for you, dahil 44 na tayo."

JERRY OLEA:

Nag-overtime ang 44th anniversary celebration ng Eat Bulaga!, pero hinayaan iyon ng GMA-7.

Bago nagpaalam ang Eat Bulaga!, muling nagsalita sina Paolo at Isko tungkol sa patuloy pa ring ibinibato laban sa kanila.

Eat Bulaga! 44th anniversary show

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging emotional na ang ibang co-hosts na sina Cassy Legaspi, Betong Sumaya at Buboy Villar.

Sinagot ni Paolo ang tawag sa kanilang "Fake Bulaga.”

Read: Who is Joey de Leon alluding to in his “KAPALMUKS” post?

Pahayag ng actor-TV host, “Mahabang panahon, kasama na natin ang Eat Bulaga!. Opo.

“Bago po kami, naintindihan po namin yun. Pero kami mismo, naging bahagi po kami ng Eat Bulaga!, dahil kahit nung bata pa ako, naging parte ako ng Eat Bulaga!. Nanonood ako ng Eat Bulaga!, lahat tayo."

Sumingit si Isko, “Naggi-guest tayo!"

"Totoo! Naggi-guest tayo sa Eat Bulaga!," susog ni Paolo.

Dagdag niyang pahayag, “Ngayon, ang tanong, sino ba ang nagmamay-ari ng Eat Bulaga!? Ang tanong, sino ang may-ari? Ang sagot, lahat po tayo.

"Kasi sa 44 years, lahat po tayo ay naging bahagi nito.

“Hindi po maiiwasan na may mga nagsasabi na wala naman po kaming ambag, dahil bago lang naman po kami dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ang mahalaga ay lahat po ay ginagawa namin, para ipagpatuloy ang pagbibigay ng saya at tulong sa inyo.

"Hindi na po kami mahalaga. Maari pong dumating ang araw, hindi na rin kami ang nandito, pero basta ang mahalaga ay ipagpatuloy namin ang matagal nang hangarin ng Eat Bulaga!—ang magbigay ng tulong at saya.

"Yun lang naman po ang gusto namin. Hindi po yun mababago. Mahalaga rin po sa akin na sabihin na ang ginagawa po namin ay totoo.

"Marami pong nagsasabi na kami ay fake. Marami ang nagsasabing kami ay 'Fake Bulaga!'

"Wala pong peke sa pagmamahal ko sa grupong ito. Wala pong peke sa pagmamahal ko sa staff.

"Walang peke sa pagmamahal ko sa crew. Walang peke sa pagmamahal ko sa trabahong 'to.

"Kaya masakit po sa amin kapag tinatawag niyo kaming 'Fake Bulaga,' dahil wala pong fake sa ginagawa namin, sa ngiti na nakikita namin sa mga tao. Wala po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muling nagbiro si Paolo ng, “Isa lang po fake sa 'Eat Bulaga!,' yan po ay ang ngipin ni Betong!"

Nag-react naman si Betong na napaiyak na raw sana siya, pero nagpasalamat siya sa kanyang doktora.

Sabi uli ni Paolo, “Uulitin ko po. Lahat po ng tawanan, lahat po ng luha na sini-share namin sa inyo, lahat po ng tulong, totoo po lahat yan, galing sa puso. Wala pong fake diyan.

"Para po sa amin, mahigit pa po sa 1-4-3 ang Eat Bulaga!, dahil para sa amin ang Eat Bulaga! ay 'All 4 U.’"

Nagdagdag naman ng mensahe si Isko sa lahat na mga apektado ng bagyong Egay.

"Sana, sa mga kababayan natin sa Northern region na binabagyo at nabagyo, napangiti kayo ng Eat Bulaga! ngayong araw na ito.

"Dahil talaga sa totoo lang, kayo sa studio, sa kanya-kanyang tahanan sa buong Pilipinas, sa buong mundo, talagang this is ‘All 4 U,’ thanks to you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Walang hanggang pasasalamat. Yan po ang gusto naming ibigay sa inyo.

"Humaharap kami araw-araw in our own little way, na sana lagi ninyo kaming piliin na makapananghalian... kasama sa tanghalian, katulad ng ginawa ninyo since 1979," bahagi ng kanyang pahayag.

NOEL FERRER:

Pero may napansin lang ang PEP Troika: bakit kaya wala si Alexa Miro sa 44th anniversary celebration ng Eat Bulaga!?

Pati sa video ng recording ng theme song ay wala rin doon ang actress-singer.

Mahiwaga ang kanyang pagiging Missing In Action sa EB, ha?!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
'Eat Bulaga!' host Isko Moreno: “Ngayon, ang tanong, sino ba ang nagmamay-ari ng Eat Bulaga? Ang sagot, lahat po tayo. Kasi sa 44 years, lahat po tayo ay naging bahagi nito."
PHOTO/S: TAPE Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results