JERRY OLEA:
Lubos ang pasasalamat nina Wilbert Ross at Yukii Takahashi sa pagtangkilik ng fans sa online series nilang Ang Lalaki Sa Likod ng Profile, na nag-finale noong Hulyo 15 sa Puregold Channel sa YouTube.
“Willing To Wait” ang 13th and last episode ng online series tungkol sa love story nina Bryce (karakter ni Wilbert) at Angge (karakter ni Yukii).

Pahayag ni Wilbert sa PEP Troika nitong Hulyo 29, Sabado via Messenger, “Super grateful ko sa opportunity na ibinigay sa akin ng Puregold.
“Sobrang proud ko sa project namin, kasi alam kong lahat ng cast, buong puso nilang minahal ang project at ibinigay ang best.
“Thankful ako at sila ang nakatrabaho ko. Bawat isa ay talagang malaki ang tulong para mapaganda ang project.
“Thank you rin sa producer na si Direk Chris Cahilig at sa team niya na talagang inalagaan kami.
“Thank you kay Direk Victor Villanueva at nagkatrabaho kami ulit. Sobrang open ni Direk at talagang hinayaan niya kaming makipag-collab with him.
“Thank you, Bryce, sa napakagandang character mo!”
Sabi naman ni Yukii, “I’m so blessed and thankful to my Puregold family for having me as Angge in this project.
“To be honest, I’ve learned a lot of things in acting and I’m happy that I am part of this cast na full of passion, humility and love.
“Hoping for season 2 sa family na ‘to!! Because they are the best on- and off-camera!”
Kasama rin sa cast ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile sina Kat Galang, Migs Almendras, Marissa Sanchez, TJ Valderrama, Anjo Resurreccion, VJ Mendoza, at Star Orjaliza.
Matagumpay ang seryeng Ang Lalaki sa Likod ng Profile, kagaya ng naunang mga serye ng Puregold.
Nauna ang mga YouTube series ding GVBoys nina Jerome Ponce, Nikko Natividad at Dave Bornea, at Ang Babae sa Likod ng Face Mask nina Herlene Budol at Joseph Marco, pati ang premyadong Tiktok series na 52 Weeks starring Queenay Mercado and Jin Macapagal.
Umabot na sa 220K ang subscribers ng Puregold Channel sa YouTube.
In fairness, impressive ang digits ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile. Sa YouTube pa lang, bawat episode ay 150K hanggang 300K+ views na.
Moreover, the show sparked fans’ enthusiasm in expressing their thoughts and feelings, with each episode generating scores of positive comments filled with praise and admiration.
“This remarkable achievement is a win for Puregold's retailtainment efforts,” sabi ng marketing manager na si Ms. Ivy Hayagan-Piedad.
“We are happy that we created and presented a story that beautifully weaves together Filipino culture and values with contemporary issues.
“Puregold is committed to serving customers the best way it can… Through Puregold Channel we also deliver delightful content that brings joy and inspiration to everyone.
“We urge our followers to subscribe, as there will be more fun stories to watch for!”
GORGY RULA:
Ikinakasa na ang kasunod na online pasiklab ng Puregold, ang BL series na My Plantito starring Kych Minemoto and Michael Ver.

Ang official trailer nito ay matutunghayan sa Agosto 8, Martes ng 8:08 pm sa Tiktok at YouTube.
Idinirek ito ni Lemuel Lorca, at kasama rin sa cast sina Ghaello Salva, Elora Españo, Derick Lauchengco, at Devi Descartin.
Ano ang masasabi ng producer na si Direk Chris Cahilig kaugnay sa My Plantito?
“Una, chemistry. Grabe ang on-screen chemistry nina Kych at Michael kaya mukhang marami ang kikiligin sa kanila,” lahad ni Direk Chris.
“Pangalawa, maganda ang mensahe ng series. Di lang ito tungkol sa pag-ibig. Tungkol din ito sa pagtanggap sa sarili at sa mga taong minamahal natin.
“Pangatlo, acting. Saludo ako sa kakayahan ni Kych. He deserves the break. Si Michael, talagang nakatutok sa kanyang craft. Malayo pa ang mararating ng batang ito.
“Lastly, fan support. Ngayon pa lang ay highly anticipated na ang series ng mga BL fans across the globe.
“Nakakagulat na maraming nagpu-post kahit poster pa lang ang nilalabas namin. Paano pa paglabas ng trailer?”
Sa Agosto 23 ang streaming ng first episode ng My Plantito. Abangan!
NOEL FERRER:
Iba ring business model itong may product o service company na intrinsic sa content na nasa online.
Ito na ang bagong advertisement kung baga, narrative version nga lang … at mas ginagastusan at may sophistication ang production, in fairness.
Meron ding negosyo na gumagamit ng web comics series para mag-promote. May pagka-naughty pa ba ang iba! (At biglang bumuhos ang ulan….)
