JERRY OLEA
Malaking stress ang nabawas kay Alfred Vargas ngayong konsehal na lang siya sa 5th district ng Quezon City, sa halip na Congressman.
Ang pumalit sa kanyang puwesto ay ang nakababata niyang kapatid na si PM Vargas, at ipinagpatuloy nito ang magandang nasimulan niya.
“Ngayon, bukod sa family saka sa acting, I’m pursuing my Ph.D sa UP, na Urban Planning naman,” lahad ni Alfred noong Hulyo 27, 2023, Huwebes, sa Supersam restaurant, Sct. Tobias St., Quezon City.
“So marami akong nagagawa na productive, na nakakabuti for me. Ganun lang. We’re grateful siyempre sa lahat ng blessings.”
Dahil din siguro mas relaxed na siya ay nakabuo agad sila ng misis niyang si Yasmine ng fourth baby.

“It doesn’t matter if it’s a boy or a girl basta healthy. May isa na akong boy, e,” sambit ng 43-anyos na actor-politician.
“Aminado naman ako, pag tinitingnan ko yung anak kong lalaki, sabi ko, ‘Lord, talagang mas pogi ito sa akin!’
“Kasi nahaluan na ni Misis. Alam mo naman si Misis, iba ang level ng ganda, e! Tayo e kayumanggi lang.
“Kutis-Pinoy lang, nahaluan ng European blood.”
Fifteen years na ang lumipas mula nang magtagpo sila ni Yasmine.
“'Tapos two years na naging kami. 2008 kami nag-meet, e, 'tapos 2010 we got married, civil,” pagbabalik-tanaw ni Alfred.
“'Tapos 2017 we got married sa church. Plano namin, every seven years, magre-renew kami ng vows. “Lucky number namin, seven. Masuwerte kami sa seven. GMA-7, di ba? Number 7 si PM sa balota.
“Birthday ng anak ko, 7 din. Ipinanganak siya, 7:00 pm.”
Nang biruin na aabot din sa pito ang mga anak nila ni Yasmine, itinuro ni Alfred si PM, “Siya na lang!”
GORGY RULA
Nasa post production na ang pelikulang Pieta, kung saan co-star ni Alfred sina Nora Aunor, Gina Alajar, at Jaclyn Jose, sa direksyon ni Adolf Alix Jr.
Isusumite nila ito bilang finished product sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF). 80% na raw ng post prod ang tapos sa Pieta, kaya aabot ito bago pa man ang September 29 deadline ng MMFF 2023 para sa finished films submission.
Meron nang Sharon Cuneta movie sa darating na MMFF, yung A Mother and Son’s Story. Mag-ina rito sina Sharon at Alden Richards.
Aspiring entry rin ang When I Met You In Tokyo nina Vilma Santos at Christopher de Leon.
Pag-asam ni Alfred, “Sana, yung MMFF na ito—merong Nora, may Vilma, may Sharon.
“Tingnan natin. Kasi, it would be a very, very good movie. Parang babalik tayo sa ano, di ba?
“I think it would be good for Philippine cinema.”
NOEL FERRER
That’s an ideal scenario worth looking forward to—but there are more things to consider.
Medyo mahigpit talaga ang labanan sa drama category.
Kasi, aside from Ate Guy and Ate Vi, marami pang nagsa-submit ng drama.
May potential Maricel Soriano entry din, ha, among many others.
Plus, did we hear it right, baka isali rin ang Aga Muhlach-Julia Barretto film sa MMFF?
Exciting ang magiging labanan kung sakali. Also two entries max per genre talaga.
Kaya let the best films slug it out for the remaining four slots sa 49th MMFF that is shaping up to be a real interesting festival, huh!!!
