PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'Eat Bulaga!' extended ang 44th anniversary celebration

Paolo Contis, hindi na raw mag-e-emote sa Eat Bulaga!
by PEP Troika
Published Jul 30, 2023
Eat Bulaga!
Extended ang 44th anniversary celebration ng Eat Bulaga hanggang bukas, Lunes, Agosto 31, 2023, at patuloy ang papremyo nila ng cash at iba pang prizes sa lucky viewers at audience members. (Photo shows Eat Bulaga! hosts with TAPE execs)

GORGY RULA

Nilinaw sa amin ng mga taga-TAPE Inc. na kaya wala si Alexa Miro sa 44th anniversary celebration ng Eat Bulaga! noong Hulyo 29, Sabado ay dahil naospital ito.

Nagka-boil pala ang singer/actress na medyo malala raw. Nasa second layer daw ng skin nito ang pigsa kaya nagpa-confine na siya sa hospital.

Sayang nga raw na wala si Alexa dahil ang saya raw ng celebration nila pagkatapos ng live presentation ng Eat Bulaga!.

Nag-stay pa raw silang lahat sa APT Studio dahil may Mass pa sila at nagkaroon ng handaan kung saan ay nagkantahan pa sila at nagkatsikahan.

Eat Bulaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dinig namin ay namigay pa raw ng bonus ang TAPE, Inc, kaya tuwang-tuwa raw ang lahat!

Eat Bulaga!

Tinanong ko si Paolo kung true bang may pa-mid year bonus sa kanila ang TAPE, Inc.

"Hehehe!" lang ang sagot sa akin ni Paolo sa Messenger.

Masaya lang daw silang lahat, dahil ang dami nilang napasayang mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa unang araw pa lang ng bagong segment nilang “May Pa-Key Sa Yo,” naibigay agad ang jackpot prize na house and lot.

Extended pa hanggang bukas, Lunes ang anniversary celebration dahil dito na nila ibibigay sa pitong lucky viewers ang cellphone at meron pang tig-44 thousand pesos.

Eat Bulaga!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sobrang saya rin daw nila na naka-31 minutes daw ang commercial load nila.

Kaya pawang pasasalamat sila sa Misa na ginanap sa APT Studio.

JERRY OLEA

Sinabi na rin ni Paolo Contis sa PEP Troika na hindi na siya magsasalita at mag-e-emote sa Eat Bulaga!.

Hindi maiwasang mag-react sa mga di magagandang sinabi laban sa kanila, pero ayaw na raw nila itong patulan.

"Last na yung nagsalita ako. Kasi anniverary naman," pakli ni Paolo.

Hindi raw maiwasan iyung may mga masabi pa rin laban sa kanila. Meron pa ring mamba-bash.

“Honestly, naintindihan ko naman yung mga bashers. Naintindihan ko na pupunahin kami. Kasi kumbaga, mahirap naman po talagang punan yung pinasok namin.

"But we're very thankful. Kami naman po ay wala kaming planong palitan kung sino. Nagtatrabaho lang kami, and we're very thankful na unti-unti kaming tinatanggap.

“And very proud po kami dun sa kumbaga, nagagawa namin. And naniniwala din kami na because of all the pressure and all the bashings ay naging very close yung grupo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya feeling ko, nakikita na po ito ng mga Kapuso natin ano, ng mga tao, nakikita naman nila kung gaano kami ka-close. Kung gaano kami nag-e-enjoy sa paghu-host ng Eat Bulaga!," saad ni Paolo.

NOEL FERRER

Pagdating sa isyu ng kasong hinaharap ngayon ng Eat Bulaga! at GMA-7 na isinampa ng TVJ at ni Jeny Ferre, hindi raw ito nagpapaapekto sa kanilang trabaho bilang hosts.

"Sinasabi naman sa amin na we're just there to work, we're just there to do our jobs.

"Yung mga kaso na kumbaga na hinaharap ng TAPE at nung kabila, mga lawyers na po yan ang puwedeng sumagot diyan, mga lawyers na po ang puwedeng mag-aayos niyan.

"Basta kami, sinabi po nila na magtrabaho lang kami. Yun naman, tuluy-tuloy lang kami ng ginagawa.

"Mahirap magpaapekto diyan, e. Kasi siyempre, madadamay yung audience kapag kami mismo nag-aalala.

“So, alam namin na we have faithful support at alam naman na full support din kami. So, tuluy-tuloy lang," saad ni Paolo noong nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Extended ang 44th anniversary celebration ng Eat Bulaga hanggang bukas, Lunes, Agosto 31, 2023, at patuloy ang papremyo nila ng cash at iba pang prizes sa lucky viewers at audience members. (Photo shows Eat Bulaga! hosts with TAPE execs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results