PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vic Sotto-Pauleen Luna, hindi na makakadalo sa Maja-Rambo wedding

E.A.T., balik na sa live airing bukas
by PEP Troika
Published Jul 30, 2023
Vic Sotto
Pauleen Luna
Tali Sotto
Hindi na raw makakadalo ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna sa wedding ni Maja Salvador at Rambo Nunez sa Bali, Indonesia. Medyo haggard na raw kay Pauleen kung magbiyahe pa siya pa-Indonesia lalo na't hindi pa rin ganun ka-okay ang panahon ngayon.
PHOTO/S: Pauleen Luna Instagram

GORGY RULA

Inabot pala ng pitong oras ang biyahe pabalik ng Maynila nina Vic Sotto at Pauleen Luna, kasama ang anak nilang si Talitha.

Nung Sabado, July 29, sila bumaba galing Baguio kung saan ginanap ang wedding nina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Maingat kasi sila sa daan dahil nagbabagyo pa nung araw na yun, kaya okay lang na matagal ang biyahe basta safe lang.

Medyo nahirapan si Pauleen nung mga unang linggo ng pagbubuntis niya. Pero ngayong nasa 12th week na siya, okay na raw ang kalagayan niya.

Kaya pinayagan na raw siya ng doktor niyang magbiyahe para makadalo sa wedding.

Ngayon ay okay na raw siya at hindi naman daw siya nahirapan sa paglilihi. Wala raw siyang partikular na pagkaing pinaglihian.

"Ayaw ko lang ng mga fried," text ni Pauleen sa PEP Troika.

Kagaya rin daw nung ipinagbubuntis niya si Talitha na wala rin siyang pinaglilihian.

Tinanong na rin namin kung ano ang reaction nI Tali nang nalaman nitong magkakaroon na ito ng kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Super excited na si Tali! Gusto niya ng sister hehehe!" text pa uli ni Pauleen.

Marami siyempre ang nagwi-wish na baby boy naman itong ipinagbubuntis ni Pauleen, pero kahit nung pinag-uusapan namin itong pagbubuntis niya, sinasabi niyang kahit boy o girl ang next nilang baby, sobrang okay na raw sa kanila. Basta healthy lang at safe lang silang mag-ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sobrang nagpapasalamat lang daw sila sa Panginoon na biniyayaan pa sila ng isa pang anak.

JERRY OLEA

Hindi na makakadalo sina Bossing Vic at Pauleen sa majestic wedding nina Maja Salvador at Rambo Nuñez bukas, July 31 sa Bali, Indonesia.

Medyo haggard na raw kay Pauleen kung magbiyahe pa siya pa-Indonesia lalo na't hindi pa rin ganun ka-okay ang panahon ngayon.

Inaalam pa ng PEP Troika kung sinu-sino ang dadalo sa wedding nina Maja at Rambo dahil magla-live na pala ang E.A.T. bukas.

Dalawang araw na silang naka-tape dahil nasa Baguio silang lahat. Kaya kailangan na raw nilang mag-live bukas.

NOEL FERRER

Iba rin itong destination wedding na ito. Kahapon pa tayo nakakakita ng posts na pinaghalong Kapamilya, Kapuso, Kapatid at Dabarkads din dahil sa circle of friends nina Rambo at Maja.

Maging mga personalities sa Philippine politics ay nakita kong tumulak papuntang Indonesia, kaya abangan natin ang star-studded na wedding na ito ng mga kaibigan nating Rambo Nuñez at Maja Salvador.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Our congratulations and best wishes!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi na raw makakadalo ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna sa wedding ni Maja Salvador at Rambo Nunez sa Bali, Indonesia. Medyo haggard na raw kay Pauleen kung magbiyahe pa siya pa-Indonesia lalo na't hindi pa rin ganun ka-okay ang panahon ngayon.
PHOTO/S: Pauleen Luna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results