PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lianne Valentin, hindi isyu kung nalilinya sa kontrabida roles

Lianne, gaganap bilang third wheel sa pelikulang Apo Hapon
by PEP Troika
Published Jul 30, 2023
Lianne Valentin
Sparkle actress Lianne Valentin on her kontrabida roles on TV and movies : "I'm very happy with my role right now as kontrabida. Pero of course, hindi ko po kinu-close yung doors. I really wanna be challenged pa, and I really wanna try different roles."

GORGY RULA

Kung kinamuhian nang bonggang-bongga si Lianne Valentin sa Apoy sa Langit, sa tingin ng Kapuso actress ay mas kaiinisan siya rito sa Royal Blood kung saan gumaganap siya bilang si Beatrice Royales na isa sa suspect sa pagpatay sa kanilang amang si Gustavo Royales na ginampanan ni Tirso Cruz III.

"Kung gaano kagrabe yung reaction nila sa akin sa Apoy sa Langit, parang hinihigitan nila ngayon dito sa Royal Blood. Kasi yun nga, my role as Stella sa Apoy sa Langit is very different from Beatrice Royales dito sa Royal Blood.

"Malalim kasi yung mga characters ng bawat isa sa Royal Blood na talagang kailangan mong pag-isipan yung bawat sasabihin mo, yung bawat gagawin mo for that character development in real.

"Mahirap. Pero happy naman po ako sa mga reactions ng mga tao. Merong naiinis, merong natutuwa," pahayag ni Lianne nang nakapanayam namin sa story conference ng bagong pelikula niyang Apo Hapon noong Hulyo 27, Huwebes sa Max’s restaurant, Sct. Tuason St., Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito sa Apo Hapon ay si Lianne ang gaganap na bubog sa umuusbong na pagmamahalan ng dalawang lead characters dito na ginagampan nina JC de Vera at Sakura Akiyoshi.

Lianne Valentin
JC de Vera
Sakura Akiyoshi

Hindi isyu kay Lianne kung malilinya na siya sa kontrabida roles. Pero open daw siya sa mga susunod na projects na siya naman ang inaapi at nagmumukhang kawawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Welcome daw sa kanya sakaling ipagkatiwala sa kanya ang role ng isa namang kinakawawa.

Aniya, “Ako naman po, nagpapasalamat po ako sa Sparkle, of course, sa GMA na binibigyan nila ako ng mga ganitong opportunity, and very happy with my role right now as kontrabida.

"Pero of course, hindi ko po kinu-close yung doors. I really wanna be challenged pa, and I really wanna try different roles.

"So, kung bibigyan po ako ng role na ako yung inaapi, ako yung kawawa, fully accepted po. Kasi gusto ko nga ng challenge, and gusto ko ma-experience yung iba't ibang role na I think yun yung makakatulong sa akin for me to grow pa as an actress."

NOEL FERRER

Excited si Lianne sa pelikulang Apo Hapon dahil first time niyang maidirek ni Joel Lamangan sa pelikula.

Hindi alintana ni Lianne na kinatatakutan ng ibang artista si Direk Joel. Mas nanaig sa kanya ang nais niyang marami pa siyang matutunan sa batikang direktor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa pagkakaalala niya ay edad 11 or 12 pa lang siya noong dinirek siya ni Direk Joel Lamangan sa reboot ng drama series na Valiente (Pebrero-Hunyo 2012) kung saan bida sina JC de Vera at Oyo Sotto.

"I'm excited to work with him again po. Of course, iba yung bata pa ako, iba rin yung ngayon e. Pero I'm very excited to work with Direk Joel again," pakli ni Lianne.

Ngayong Hulyo 30, Linggo ang first shooting day ng Apo Hapon, kung saan bida sina Sakura Akiyoshi at JC de Vera.

JERRY OLEA

Sa pagkakaalam ni Lianne ay hindi kontrabida ang role niya sa Apo Hapon bilang Vanessa, ang jealous ex-girlfriend ng karakter ni JC.

“Kumbaga, may depth din yung karakter ko dito. I’m a teacher,” sabi ni Lianne.

“Yung role ko rin dito is a little you know mature woman also na may alam din sa mga History and all, and really wants to help.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masasabi kong medyo mataray siya dito. Siyempre, sino ba namang jealous ex-girlfriend…

“But I believe na may depth din naman yung karakter. May kahahantungan din siya.”

Tungkol sa Royal Blood, thankful si Lianne sa mga pumupuri sa kanyang performance. Hindi siya basta-basta nagpakabog kina Rhian Ramos at Mikael Daez na mga kapatid niya sa istorya.

Natatawang sey pa ni Lianne, “Hashtag Royal High Blood daw kaming magkakapatid. Kasi, lahat daw kami, high blood. Hahahaha!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sparkle actress Lianne Valentin on her kontrabida roles on TV and movies : "I'm very happy with my role right now as kontrabida. Pero of course, hindi ko po kinu-close yung doors. I really wanna be challenged pa, and I really wanna try different roles."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results