GORGY RULA:
Puring-puri ng kaibigan naming si Gerry Sy si Heart Evangelista nang kinuha niya itong endorser ng Opulence Design Concept.
Sa gitna ng mainit na isyu ng Kapuso actress sa kanyang glam team, tinupad nito ang kanyang commitment sa naturang furniture at decorative pieces kung saan inilunsad siya bilang kauna-unahang celebrity endorser nito.
Ipinakilala si Heart sa malaking event ng naturang produkto nung nakaraang Biyernes, July 28, 2023, sa The Metropolitan Museum, BGC.
Kuwento sa amin ni Gerry, kaya niya kinuhang endorser si Heart dahil noong pa raw panahon ng pandemic ay namimili na ang aktres sa kanilang store.
"Since pandemic, she buys from us and posts it on her social media. She even did free home decor video sa YouTube niya," pakli ni Gerry.
Ngayong taon lang daw sila nag-decide kuning endorser si Heart at hindi raw sila nahirapan sa negosasyon. Biniro namin si Gerry na tiyak na super mahal ang talent fee na ibinayad nila.
"Very reasonable lang for a small business," kaagad niyang sagot sa amin.
Ang suwerte raw nila dahil para sa isang effective endorser, hindi nagbigay ng sakit ng ulo sa kanila si Heart. Hindi rin daw sila nagbayad sa glam team na dala ni Heart.
"Even yung reel na pinost niya, I did not pay her videographer and photog. I think she is very effective, kasi she is the best epitome of opulence and luxury," sabi pa ni Gerry sa amin.

Sinubukan ng PEP Troika na hingan ng reaksiyon si Senator Chiz Escudero tungkol sa isyu ng dating glam team ng kanyang misis, pero tumanggi ang ilang taong malapit sa mag-asawa. Tahimik lang daw ang senador at alam din nilang hindi na ito magsasalita.
Nagkakapersonalan na raw kasi ang mga lumalabas at balitaktakan ng ilang taong malapit kay Heart at sa umalis na glam team. Mas mabuting manahimik na lang daw, at tried and tested na there's dignity in silence.
Read: Heart Evangelista's PA to makeup artist Justin Soriano: "Lumalabas wala kang utang na loob."
JERRY OLEA:
Iba na ang glam team ni Heart Evangelista sa GMA Gala noong Hulyo 22, Sabado, sa Marriott Hotel.
Sa gabing iyon, nagningning nang lubos ang kariktan ni Heart. Itinanghal siya bilang Sparkle Female Star of the Night!
Read: Heart Evangelista stuns in Maison Schiaparelli, Bulgari at GMA Gala 2023
Sa SONA noong Hulyo 24, Lunes, marami ang pumuri sa elegance ni Heart. Hindi matatawaran ang kanyang pagiging high fashion and couture queen.
Read: Heart Evangelista's modern Filipiniana gowns at SONA 2023 display timeless elegance
With her new endorsement, hindi kailangang maging “patola” si Heart sa mga isyung kadedma-dedmadela!
NOEL FERRER:
Heart Evangelista is class and luxury personified.
Walang make-up artist/glam team member ang makakasira ng kanyang imahe o pagkatao, lalo pa’t may tagapagtanggol si Heart na madaling napabulaanan ang mga di magandang paratang sa kanya.
The best weapon is not by answering these issues but by good work.
Sa pamamagitan ng mga bagong endorsements, napapatunayan ni Heart ang kanyang pagiging mabisang endorser at brand mismo.
Kung makikilala lang talaga ng tao ang tunay na Heart! Nakakatuwa siya talaga!
