PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jolo Revilla, Angelica Alita: Pag-ibig bunga 4 taon

Jolo at Angelica, magkaka-baby na sa wakas!
by PEP Troika
Published Aug 2, 2023
jolo revilla angelica alita pregnant
Jolo Revilla announces pregnancy of wife Angelica Alita: “Ito na ang surpresa namin sa inyo! We thank the good Lord for granting our wish, buntis na si Misis! Matagal-tagal din po kaming nagdasal at naghintay and in God's perfect time, answered prayer po kami."
PHOTO/S: Nice Print Photography

GORGY RULA:

Ang saya ng boses ni Congressman Jolo Revilla nang nakausap namin nitong Miyerkules ng umaga, August 2, 2023.

Binanggit niyang isi-celebrate nila ang kaarawan ng kanyang asawang si Angelica Alita-Revilla, pero may maganda silang ibabahaging balita. Abangan na lang daw ang ilalabas niyang announcement.

Read: Jolo Revilla-Angelica Alita wedding, napuno ng iyakan

Ipinost ng representative ng first district ng Cavite sa kanyang social media account ang magandang balita.

Aniya, “Ito na ang surpresa namin sa inyo! We thank the good Lord for granting our wish, buntis na si Misis!

"Matagal-tagal din po kaming nagdasal at naghintay and in God's perfect time, answered prayer po kami.

"Nagdadalangtao tao po sa ngayon ang aking maybahay, Angel Revilla, at masayang masaya kami na ibalita sa inyo.

"Alam po namin na madami din sa inyo ang nagdasal para sa amin at dahil po diyan gusto naming magpasalamat sa inyo.

"Samahan niyo kami sa aming journey, at siyempre excited na kami sa gender reveal. #BabyREVILLA"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

After four years, nagbunga na rin ang kanilang pagmamahalan.

Hinintay lang nilang matapos ang first trimester ng pagbubuntis nito bago nila in-announce.

Papasok na ngayon sa 4th month ang pagbubuntis ni Angelica at magandang balita ito para sa kaarawan ng misis ni Cong. Jolo.

Tuwing nagdidiwang sila ng kanilang birthday, ang magka-baby ang aming laging birthday wish sa kanila. Natupad na ngayon at sobrang excited ang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lani Mercado hats off to son Jolo Revilla for planning his own wedding

JERRY OLEA:

Pareho ang mag-asawang hindi alam kung boy o girl ba talaga ang gusto nilang first baby.

Text ni Angel sa PEP Troika, "We are both so torn. We want a boy and we also want a girl (laugh emoji). "I think most of all what's important for us after and praying for so long is just to have a healthy baby."

Medyo nahirapan pa raw minsan si Cong. Jolo kapag naglilihi siya dahil madalas ay hantinggabi siya nagki-crave.

"Naglilihi ako kay Jolo, spaghetti and mga kakanin (laugh emoji) and most of the time sa gabi ko siya hinahanap so sometimes hirap na hirap si Jolo maghanap ng puto ng 12 midnight hahaha," text niya uli sa PEP Troika.

NOEL FERRER:

This is truly good news — a new baby and people who are extra caring of each other.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Our congratulations to Jolo and Angel, at alam natin na hindi madaling maging magulang sa panahon ngayon.

But I am sure they are just so full of love to share to their forthcoming baby!!! All the best!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jolo Revilla announces pregnancy of wife Angelica Alita: “Ito na ang surpresa namin sa inyo! We thank the good Lord for granting our wish, buntis na si Misis! Matagal-tagal din po kaming nagdasal at naghintay and in God's perfect time, answered prayer po kami."
PHOTO/S: Nice Print Photography
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results