JERRY OLEA:
Ligwak na ang Seasons sa Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix.
Seven consecutive days na nanguna sa naturang talaan ng Netflix Philippines ang pelikulang pinagbidahan nina Carlo Aquino at Lovi Poe, sa direksiyon ni Easy Ferrer — mula Hulyo 9 hanggang 15.
Read: Bird Box Barcelona at King The Land, nangunguna sa Netflix PH
Nasa Top 10 Movies ng Netflix PH ang Seasons hanggang Agosto 2, Miyerkules.
Tanggal na iyon sa Top 10 Movies in the Philippines Today ngayong Agosto 3, Huwebes… pero pumasok naman sa listahan ang Singaporean horror movie na The Maid (2005), kung saan tampok si Alessandra de Rossi bilang Rosa Dimaano.
Nasa cast din ng The Maid sina Hong Huifang, Benny Soh, Guan Zhenwei, at Chen Shucheng.

Five consecutive days nang nangunguna sa nasabing listahan ang Hidden Strike aka Project X-Traction. Bida sa action-adventure comedy film na ito sina Jackie Chan at John Cena.
Ang original na ka-collab sana dito ni Jackie Chan ay si Sylvester Stallone, na nag-back out. Hindi ito prinomote ng Netflix at basta na lang ipinalabas, pero nag-number 1 agad ito sa 54 bansa kabilang ang USA nang mag-streaming ito.
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix ngayong Agosto 3, Huwebes, ay Hidden Strike, A Man Called Otto, Crank, Miraculous Ladybug & Cat Noir: The Movie, Dream, Paradise, Emily The Criminal, Happiness for Beginners, at Kingdom.

Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today naman ng Netflix ay The Uncanny Counter, King The Land, Baki Hanma, Zom 100: Bucket List of the Dead, Jujutsu Kaisen, The Witcher, D.P., Mushoku Tensei: Jobless Reincarnation, Hidden Love, at My Happy Marriage.

Ang Top 2 ay mula sa South Korea, iyong The Uncanny Counter at King The Land. Gawang-Koreano rin iyong D.P.
Bida sa South Korean TV series na The Uncanny Counter sina Jo Byeong-kyu, Yoo Jun-sang, Kim Se-jeong, at Yeom Hye-ran.
Lima sa Top 10 TV Shows ay Japanese anime. Ang mga ito ay Baki Hanma, Zom 100: Bucket List of the Dead, Jujutsu Kaisen, Mushoku Tensei: Jobless Reincarnation, at My Happy Marriage.
NOEL FERRER:
I can imagine na dahil bukas na ang iba’t ibang industries at work, nabawasan na rin ang oras ng mga tao sa pagne-Netflix. Kaya pagandahan talaga ng content para mapansin ito at paglaanan ng oras ng mga manonood.
Ang maganda rin ay nag-i-invest ang Netflix ng collab sa ating region kaya aabangan natin ang mga projects nila sa Pilipinas at mga gagawing Netflix Specials.
Samantala, tuloy ang pag-consumr natin ng may mga “K” na content!!! Happy viewing!
GORGY RULA:
Marami pang magagandang local films na may commitment na sa Netflix.
Kapag hindi papalarin ang ilang pelikulang isa-submit sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023tiyak na sa streaming apps sila mapapanood, at karamihan ay sa Netflix sila nakipag-usap.
Kahit nalaglag na sa Top 10 ang Seasons nina Lovi Poe at Carlo Aquino, malamang na kumita na rito ang Regal Films.
Para sa supporters ni Carlo, may official entry siya sa Cinemalaya XIX: ilumiNasyon (Agosto 4-13 sa PICC), ang animated film na Iti Mapukpukaw kung saan co-stars niya sina Gio Gahol at Dolly de Leon.
Ang gala ng Iti Mapukpukaw ay sa Agosto 8, Martes ng 6:15 p.m. sa Cinema Rizal (Meeting Room 1) ng PICC.
Read: Complete guide to Cinemalaya 2023 full-length entries
Ang closing film ng Cinemalaya 2023 ay ang Third World Romance, kung saan katambal ni Carlo ang girlfriend niyang si Charlie Dizon. Mapapanood ito sa Agosto 12, Sabado ng 9:00 p.m. doon din sa Cinema Rizal.
Sa Agosto 16, Miyerkules, ang showing ng Third World Romance sa local cinemas.
Read: Cinemalaya 2023: 'Marupok AF' is opening film, 'Third World Romance' is closing film
Sa Agosto 21, Lunes, naman mag-uumpisa ang streaming sa Viva One ng six-part series na Kung Hindi Lang Tayo Sumuko, kung saan katambal ni Carlo si Coleen Garcia.
