GORGY RULA:
Base sa ratings ng AGB-NUTAM nung Huwebes, August 3, 2023, ang Magandang Dilag ni Herlene Budol ang number one daytime drama ng GMA-7.
Read: Magandang Dilag ni Herlene Budol, nagpasiklab agad sa ratings
inaasan nito ang consistent toprater na Abot Kamay Na Pangarap nina Jillian Ward at Carmina Villarroel.
Narito ang ratings nung araw na yun:
Eat Bulaga! 4.1%; E.A.T. 4.8%, It's Showtime 3.7%
Abot Kamay Na Pangarap 13%; Pira-Pirasong Paraiso 1.7%
Magandang Dilag 13.2%; Nag-aapoy Na Damdamin ay 1.6%
The Seed of Love 9.9%; Fast Talk with Boy Abunda 5.6%
Bad Romeo 2.6%; Dapat Alam Mo! 7%
Maganda ang line-up ngayon ng tatlong Kapuso afternoon drama series.
Ilang beses nang na-extend ang Abot Kamay Na Pangarap kaya posibleng magkaroon din ng extension ang Magandang Dilag, o malay natin ang The Seed of Love na natapos na ang taping.
Read: Afternoon Prime dramas ng GMA-7, patuloy ang pamamayagpag sa ratings
JERRY OLEA:
Bakit malulungkot kung pantay naman ang kulay ng kuyukot?
Beautiful news para sa mga Ka-Hipon, Ka-Budol at Ka-Squammy na kinabog ng Magandang Dilag ang Abot Kamay Na Pangarap. Di ba, mga mima memomu?!
Magre-revenge na "Ang Pinakamagandang Hipon" sa Kapuso Afternoon Prime, at natitiyak kong mae-extend pa ang palabas na ito!
Goodbye pageant na si Herlene, hello extension naman ng drama series!
Marami pang trials and tribulations na puwedeng harapin ni Georgina “Gigi” Robles Illusorio. Kaya tumabi-tabi na ang mga nagmamaganda!
NOEL FERRER:
Siguro, mataas iyan dahil nasa bahay ang mga tao dahil sa pag-ulan. Sana, ma-sustain pa ito ng viewership ngayong umaaraw na naman.
And can we also inspect the ratings online. Iba rin kasi ang impact nito!!!
