PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cinemalaya 2023 opening night, box-office success!

Cinemalaya, first time na ginanap sa PICC
by PEP Troika
Published Aug 5, 2023
Cinemalaya 2023
Naging matagumpay ang red-carpet festivities sa opening night ng Cinemalaya XIX: ilumiNasyon, na ginananap sa Philippine International Convention Center sa Maynila. (Clockwise from upper left) Quark Henares, Ricky Lee, Maris Racal, EJ Jallorina; Azi Acosta and Jaclyn Jose screen grabs from Call Me Alma; Ricky Davao, Laurice Guillen and Ricky Lee.

JERRY OLEA:

Magpi-premiere ang bagong Vivamax movie ni Azi Acosta na Call Me Alma sa Cinemalaya XIX: ilumiNasyon.

READ: Complete guide to Cinemalaya 2023 full-length entries

READ: Cinemalaya 2023: 'Marupok AF' is opening film, 'Third World Romance' is closing film

Ang screening nito ay sa Agosto 10, Huwebes ng 9:00 pm sa Cinema Felipe (Meeting Room 4) ng PICC.

Inaasahang dadalo rito si Azi at ang co-stars na sina Jaclyn Jose, Mon Confiado, Gold Aceron, Soliman Cruz, at Josef Elizalde.

Ang Call Me Alma ay idinirek ni McArthur C. Alejandre, mula sa panulat ng National Artist na si Ricky Lee.

Ang setting ng Call Me Alma ay 1999 sa Manila, kung saan si Alma (Azi Acosta) ay kumakayod bilang high end bar girl.

Suki ni Alma ang yayamaning abogado na si “Tiger Joe” (Mon Confiado), at ang dakilang bank executive na si “Kabayo” (Josef Elizalde).

Siyanga pala, isa si Sir Ricky Lee sa mga rumampa sa Red Carpet ng Cinemalaya 2023 nitong Agosto 4, Biyernes ng gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumabay na siya sa pagpapalitrato kina Ricky Davao at Direk Laurice Guillen sa entablado.

Buti na lang, magkasunod sa rampahan ang Team Ang Duyan Ng Magiting at Team Iti Mapukpukaw kaya nakapaglagare si Dolly de Leon na suporta sa dalawang pelikula.

Sabay na rumampa sa Red Carpet ang competition jury members na sina Shamaine Centenera Buencamino at Lorna Tee.

Ang tatlo pang hurado sa 19th Cinemalaya filmfest ay sina cinematographer Neil Daza, Direk Raya Martin, at festival programmer Park Sungho.

Box-office hit ang opening ceremony, kung saan rumampa ang filmmakers, cast members at staff ng full-length films at short films na magtatagisan.

Nagkaubusan ng upuan sa dami ng rumampa!

May usherette pang lumapit sa amin at inurirat kung para kanina iyong ni-reserve naming mga upuan na nakalaan para sa mga taga-Media.

Sinabi namin na hahabol ang taga-broadsheet na classmate namin sa Cinemalaya, ganundin ang ilang taga-TV.

Pagkatapos ng opening ceremony ay nakita ko sa lobby si Sir Ricky. Nagpa-picture ako sa kanya at inusisa ko kung kailan matutuloy ang libreng scriptwriting workshop niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa October or November,” tugon ng multi-awarded writer.

Dumalo si Sir Ricky sa screening ng opening film na Marupok AF (Where Is The Lie?), na idinirek ni Quark Henares. In-acknowledge ang presence ni Sir Ricky bago ang screening.

Bukod kay Direk Quark, nasa screening din ang mga bida ng Marupok AF na sina Maris Racal, EJ Jallorina, at Royce Cabrera.

Nabanggit sa movie sina Anne Curtis, AJ Raval at Direk Joel Lamangan.

Sa ending ng movie, naghuhumiyaw ang buong pamagat ng pelikula, “MARUPOK AS FUCK.”

Siyanga pala, ilulunsad ang bagong nobela ni Ricky Lee na Lahat Ng B (karugtong ng ‘Para Kay B’) sa Agosto 6, Miyerkules ng 6:00 pm sa Cinema Palma (Meeting Room 5).

Ilu-launch din doon ang For B (or How Love Devastates Four Out of Every Five of Us). Translation ito ni Noelle Q. de Jesus ng nobela ni Ricky Lee na Para Kay B.

Salamat kay Bb. Glaiza Lee at nakuha ko agad iyong tiket para sa opening film na Marupok AF.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Imbitado rin kaya ako sa closing film na Third World Romance, starring Carlo Aquino and Charlie Dizon?

Ang screening nito ay sa Agosto 12, Sabado ng 9:00 pm sa Cinema Rizal (Meeting Room 1).

GORGY RULA:

First time ever na sa PICC ginanap ang Cinemalaya filmfest dahil under renovation ang CCP.

Mas malaki ang cafeteria ng PICC kesa sa canteen ng CCP, at affordable din. Kahit Sunday, open ang cafeteria ng PICC, at magdaragdag daw sila ng mga ulam at meryenda sa duration ng Cinemalaya.

Kahapon ay wala pa ang mga souvenir t-shirts ng Cinemalaya XIX: ilumiNasyon. Hopefully ay available na ang mga iyon today sa merchandise store.

Aba! Yung t-shirt ng Virgin Lab Fest 18: Hitik, last day na ng second week ay wala pa sa tindahan.

Ewan kung naihabol pa yun sa third and last week ng VLF 2023.

Masiglang-masigla si Adrienne Vergara na nag-host ng Red Carpet ng 19th Cinemalaya filmfest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang pa sa mga rumampa sa Red Carpet sina FDCP Chair Tirso Cruz III, ang chairman ng Film Development Council of The Philippines, chairman ng Cinemalaya Screening and Monitoring Committee na si Direk Jose Javier Reyes, at ang National Artist for Dance na si Bb. Alice Reyes.

Ang nag-opening remarks ay ang CCP President na si Bb. Margie Moran.

Bago pa mag-5:00 pm ay grabe na ang pila para sa libreng tiket ng opening film na Marupok AF. First come, first served iyon.

Dalawang sinehan ang pinagpalabasan ng Marupok AF, ang Cinema Rizal at Cinema Felipe. Na-accomodate lahat ng pumila.

May mangilan-ngilan pang bakanteng upuan sa Cinema Rizal, kung saan nandoon ang VIP guests at ang mga kabahagi sa pelikula.

Kasama ni Maris sa screening ng Marupok AF ang boyfriend na si Rico Blanco. Nanood din ng movie sina Karylle, Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr.

Para sa mga marurupok, must watch ang maikling pelikula ni Whammy Alcazaren na Bold Eagle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagwagi ito kamakailan ng Best Short Film Award sa International Short Film Competition ng 27th Fantasia International Film Festival sa Canada.

Mapapanood ang Bold Eagle sa Agosto 9, Miyerkules ng 9:00 pm sa Cinema Bonifacio (Meeting Room. 2/3). Ka-back-to-back nito ang screening ng short film ni Glenn Barit na Luzonensis Osteoporosis.

NOEL FERRER:

Cinema Rizal (Meeting Room 1) ang venue ng opening film, mga gala ng competing films, at closing film ng Cinemalaya 2023.

Mas maliit ang seating capacity nito kumpara sa CCP Main Theater. Magkaiba rin ng lay-out ang dalawang venue.

Ngayong Agosto 5, Sabado ang gala ng full-length films na Ang Duyan ng Magiting (6:15 pm) ni Dustin Celestino, at ng documentary na Maria (9:00 pm) ni Sheryl Rose M. Andes.

Nasa cast ng Ang Duyan ng Magiting sina Dolly de Leon, Bituin Escalante, Agot Isidro, Miggy Jimenez, Jojit Lorenzo, Paolo O’Hara, Joel Saracho, Frances Makil-Ignacio, at Dylan Ray Talon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Streaming online na ang mga pelikulang Deleter at About Us But Not About Us, pero ipapalabas pa rin ang mga ito sa Cinemalaya 2023.

Mapapanood ang About Us But Not About Us sa Agosto 11, Biyernes ng 9:00 pm sa Cinema Felipe (Meeting Room 4), samantalang matutunghayan ang Deleter sa Agosto 12, Sabado ng 9:00 pm sa Cinema Bonifacio (Meeting Rooms 2/3).

Nasa PICC Executive Lounge ang Cinemalaya 19 Competition Films Exhibit, ganoon din ang Portrait Pictures by Jojit Lorenzo.

Nasa PICC Cinema Rizal Foyer ang Cinemalaya Festival Posters.

Ilulunsad ang Sine Tala book series ni Nick Deocampo sa Agosto 8, Martes ng 6:00 pm sa Cinema Palma (Meeting Room 5).

Sana, mapantayan o mahigitan ng 19th Cinemalaya ang mga nakaraang edisyon ngayong nasa ibang tahanan na ito!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging matagumpay ang red-carpet festivities sa opening night ng Cinemalaya XIX: ilumiNasyon, na ginananap sa Philippine International Convention Center sa Maynila. (Clockwise from upper left) Quark Henares, Ricky Lee, Maris Racal, EJ Jallorina; Azi Acosta and Jaclyn Jose screen grabs from Call Me Alma; Ricky Davao, Laurice Guillen and Ricky Lee.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results