GORGY RULA:
Naghahanda ang mag-cousin in-law na sina Danica Pingris at Joy Sotto (asawa ni Vice Mayor Gian Sotto) ng gender reveal party para kay Pauleen Luna.
Sabi ni Pauleen, simpleng handaan lang daw ito para sa pamilya na gaganapin sa kanilang tahanan sa Lunes, August 7.
Text ni Pauleen sa PEP Troika: "Family lang talaga. Hindi ko nga alam kung kumuha sila ng magpi-picture kasi si Danica and Mama Joy ang nag-ayos.
"Super simple lang dito sa bahay, walang ayos! Para lang kay Tali, para mapagbigyan."
Ang anak niyang si Talitha pala ang pinaka-excited sa lahat, kaya magpapa-gender reveal party na sila.
Ang gusto kasi ni Tali ay baby sister, kaya baka girl ang ipinagbubuntis ng actress/TV host para mapasaya lalo ang kanyang anak na excited nang maging ate.
Pero wala raw talagang ideya si Pauleen kung boy o girl ang pangalawang baby nila ni Vic Sotto, dahil sina Danica at Joy ang nag-aasikaso nito lahat.
Nangako naman si Pauleen na kaagad naman niyang ibabahagi sa PEP Troika kapag ma-reveal na ang gender ng kanyang ipinagbubuntis.
JERRY OLEA:
Hinihintay na ang panganganak ni Toni Gonzaga.
Noong July 23 pa pala ang due date niya, pero hanggang ngayon ay wala pang balita kung nakapanganak na siya.
Labas-masok daw sila ng hospital, dahil sa nahihirapan na ito sa pagdadalangtao.
Maaring i-caesarian na si Toni kung hindi pa niya ito iluluwal.
Samantala, may ideya na raw ang mag-asawang Cong. Jolo Revilla at Angelica Alita sa gender ng kanilang magiging first baby, pero hindi pa raw talaga sila sure.
Inaayos din daw ang gender-reveal party, dahil gusto ni Jolo na ma-experience ito ng kanyang asawa na first time ang pagbubuntis.
NOEL FERRER:
This month na ang due ni Kris Bernal.
Inaabangan din natin ang gender reveal ng fourth baby nina Alfred at Yasmine Vargas.
Pampa-good vibes ang mga ganitong balita!
