PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'Eat Bulaga!' wins trademark battle|

Legal battle ng 'E.A.T.' at 'Eat Bulaga!' mas tumitindi.
by PEP Troika
Published Aug 7, 2023
e.a.t. eat bulaga noontime shows
(Top) TV5's 'E.A.T.' continues to dominate the ratings game in the noontime-show battle; (bottom) GMA-7 and TAPE's 'Eat Bulaga!' gains victory in Certificate of Registration battle.
PHOTO/S: TVJ Facebook / TAPE Facebook

GORGY RULA:

Lalong namamayagpag ang ratings ng E.A.T. ng TVJ sa TV5 sa gitna ng mainit na isyu nila sa trademark at copyright na ipinaglalaban ng revamped Eat Bulaga!.

Read: 'Eat Bulaga!' trademark na pagmamay-ari ng TAPE Inc., ni-renew ng IPO

Ang taas ng rating ng E.A.T. nung Biyernes, August 4, 2023, kung saan mahaba-haba ang jamming nila sa bandang Ben & Ben. Naka-5% ito.

Ang Eat Bulaga! ay naka-3.8%, at ang It's Showtime ay naka-3.2%.

Nung Sabado, August 5, ay bahagya pang tumaas ang E.A.T. na naka-5.2%, at 3.7% naman ang Eat Bulaga!, at ang It's Showtime ay 3.3%.

Mainit pa rin ang patutsadahan na ang latest ay nag-post na naman si Joey de Leon sa kanyang Instagram account na tila patama sa "Tahanang Pinasaya" at "EB Happy" na bagong slogan ng Eat Bulaga!.

Sabi ni Tito Joey, “Hindi masamang magsaya kung tama ang dahilan. Hindi masamang magbunyi kung wala kang nilamangan...at ninakawan!---crEATor (heart emoji)."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Did Joey de Leon take a swipe at TAPE Inc.'s Eat Bulaga! trademark registration?

Ayaw na itong sagutin ng mga taga-Eat Bulaga!. Basta tuluy-tuloy lang daw sila sa ginagawa nilang pagpapasaya sa mga nanonood sa Eat Bulaga!.

Ayaw na ring magsalita ni Paolo Contis, na tinitira ng iba na nagso-SONA na naman daw ito.

Sinabi naman ni Paolo na nagsalita lang siya nung anniversary ng Eat Bulaga! dahil sa patuloy na tinatawag nilang 'Fake Bulaga' ang kanilang programa.

Hindi naman daw apektado ang mga host, at mas naka-focus daw sila ngayon kung paano maipahatid sa mga tao ang tulong mula sa Eat Bulaga!.

Read: Paolo Contis, sinagot ang batikos na "Fake Bulaga" ang revamped 'Eat Bulaga!'

Dalawang house and lot na ang naipamigay nila, at ngayong Lunes ay may binigyan si Yorme ng P55,000 sa isang tatay sa Las Piñas para maipagpatuloy ang pag-aaral ng kanyang anak.

JERRY OLEA:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumala ang hidwaan dahil sa renewal ng Certificate of Registration na nakuha ng TAPE, Inc. para sa Eat Bulaga!. Ang nagsasalita ngayon para sa Eat Bulaga! ay ang legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.

Muli nitong ipinaliwanag na ang trademark ang kailangan, hindi ang copyright.

"Trademark yung name ang logo. Kumbaga, walang makakagamit nun, ng name ng Eat Bulaga saka EB. Kasi yun yung covered ng kanilang trademark registration. EB ay trademark na Eat Bulaga, at saka EB, at saka logo ng Eat Bulaga," pahayag ni Atty. Maggie.

Ipinaliwanag pa rin niyang ang theme song ng Eat Bulaga! ay pag-aari raw ito ng TAPE, Inc. Pero minabuti raw nilang huwag na lang gamitin.

"Kasi di ba, kahit na nga yung song, hindi na ginagamit ng Eat Bulaga. Di ba, ang song pinalitan na, yung Tahanang Pinasaya na siya.

"Kasi in a way, on the part of Eat Bulaga, they want to differentiate na rin e from TVJ. Parang nilalayo na nga nila," saad ni Atty. Maggie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Taga-TAPE daw ang nagsulat nito na si Vincent Dy Buncio. Pero ang naglapat daw ng melody ay si Vic Sotto.

"Yung gumawa ng song na yun, si Vincent Dy Buncio yung 'Mula Aparri…’ sa kanya yung lyrics na yun.

"Ang kay Vic lang dun, yung melody yun. Yung lyrics kay Vincent Buncio yun na employee ng TAPE. Siya yung headwriter dati.

"So, kumbaga sa kanya yung copyright, kay Vincent Buncio yun.

"Umamin sa amin si Vincent Buncio na nung pinagawa sa kanya ng TAPE yun, bayad siya ng TAPE for that," sabi pa ng abugada.

NOEL FERRER:

Suntok sa buwan ang panalangin ko, at yun ang plot twist na nasa isip ko noong una pa lang. Pero dahil sa nangyayari ngayong may legal battle na, malabo pang mangyari at least sa ngayon.

Pero malay mo naman… sa darating na panahon?

Ka-level lang iyan ng It’s Showtime sa GMA-7 subsidiary. Unthinkable iyan dati, pero ngayon, milestone at tanggap at ipinagbubunyi natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano kaya kung mag-iba na lang ng pangalan —- tutal bagong show naman na ang meron sa GMA-7 with all new hosts?

Di ba, iyan din ang panukala ni Paolo noon sa may-ari ng TAPE para clean slate at may goodwill na lang lahat? At i-drop na lahat ng demandahan. At tama na ang bangayan?

I know this is such a simplistic solution. And it’s grounded on deep goodwill. (E, ngayon, alam nating malalim ang sugat.)

In a perfect, ideal world, puwede sanang mangyari ito. Pero malay niyo naman, di ba?

I’m just putting out the possibility here. Baka naman the world, or even God would listen. What do you think?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top) TV5's 'E.A.T.' continues to dominate the ratings game in the noontime-show battle; (bottom) GMA-7 and TAPE's 'Eat Bulaga!' gains victory in Certificate of Registration battle.
PHOTO/S: TVJ Facebook / TAPE Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results