PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jorrybell Agoto, malakas ang laban bilang Best Actress sa Cinemalaya

Jorrybell Agoto vs Jorrybell Agoto for Best Actress?
by PEP Troika
Published Aug 7, 2023
jorrybell agoto cinemalaya
Jorrybell Agoto on positive reviews about her performance in 'When This Is All Over.': “Wow, sobra po akong nao-overwhelm. Sobrang happy ko, kasi binibigyan ng chance yung mga ganitong newbie pa, walang alam, and hindi ganun ka… alam mo yun, di ba?!”
PHOTO/S: Jerry Olea / Cinemalaya

JERRY OLEA:

Na-overwhelm si Jorrybell Agoto sa gala ng pelikulang When This Is All Over nitong Agosto 6, Linggo ng 6:15 p.m., sa PICC Cinema Rizal.

Applauded ng mga nanood ang dynamics nila ni Juan Karlos Labajo.

Sabi-sabi, malakas ang laban ni Jorrybell bilang best actress sa Cinemalaya XIX: ilumiNasyon, at mahigpit niyang kalaban ang sarili sa pelikulang Tether.

Read: Cinemalaya 2023 opening night, box-office success!

“Grabe naman po!” tila nahihiyang bulalas ni Jorrybell.

Markado ang pagganap niya bilang Rosemarie sa When This Is All Over. Ano ang pakiramdam niya?

“Actually ngayon, sobrang happy po ako sa naging kalabasan ng pelikula,” sabi ng 24-anyos na aktres.

“Kasi first time ko po siyang mapanood, and sa perspective po ng audience — like tinanggal ko yung sarili ko dun — sobrang nag-enjoy ako!

“Sobrang galing ni Direk Kevin Mayuga, ang ganda! Iyong mga trip scenes, parang sumabay ako. Sumabay ako!

“Oh my God! Trip na trip ako! At na-overwhelm. Sobrang saya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matindi rin ang Tether nila ni Mikoy Morales.

Ngayong Agosto 7, Lunes ng 9:00 p.m., ang gala ng Tether na idinirek ni Gian Arre.

Napatango si Jorrybell, “Yes po… ibang animal din po yung Tether. Ine-explore naman niya yung feelings and emotions na… even itong When This Is All Over, iba rin siya. So sana, manood po sila.”

First lead role ni Jorrybell ang When This Is All Over.

“Wow, sobra po akong nao-overwhelm. Sobrang happy ko, kasi binibigyan ng chance yung mga ganitong newbie pa, walang alam, and hindi ganun ka… alam mo yun, di ba?!” ni Jorrybell.

“Super-happy ako at thankful kina Direk Kevin at Direk Gian for trusting me at ibigay yung mga role na ito sa akin.” Kumustang katrabaho si JK?

“Sobrang saya ni JK sa set. Sobrang… parang ahhmm paano ba sasabihin? Parang lagi lang kaming nagtatawanan sa set every time,” pagtatapat ni Jorrybell.

“Sobrang fun. Sobrang gaan niya katrabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER:

Tama nga si Direk Joey Reyes na Filipino cinema is not dead: it is just waiting to be rediscovered for all the right reasons.

Yan ang unique selling proposition ng Cinemalaya—ang tumuklas at magtanghal ng bagong mga filmmakers at film industry members na siyang mangunguna sa pagpapaunlad at pagpapalawig pa ng pelikulang Pilipino.

GORGY RULA:

Ibang-iba naman ang Tether na pinagbibidahan ni Jorrybell kasama si Mikoy Morales. May pagka-sci-fi daw ito na mala-Black Mirror.

May sex scenes silang dalawa na naikuwento ni Mikoy na buong araw raw ay naka-plaster lang siya.

Nilinaw ni Mikoy na hindi ito sexy movie. Pero makakatulong daw ang mga ginawa nilang sex scenes sa pelikula.

Read: Mikoy Morales, naranasang plaster lang ang suot buong araw sa shooting

First time ni Mikoy na nakatrabaho si Jorrybell at pinuri niya ito dahil nakapag-deliver daw. Hindi pa gaanong kilala si Jorrybell, pero experienced na siya sa pelikula dahil bukod sa umaarte siya, nagtatrabaho rin siya behind the camera.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang suwerte lang niya ngayong taon, dahil dalawa ang entries niya na siya ang isa sa bida.

Kuwento ni Mikoy, may entry na hindi natuloy sa paggawa kaya nakapasok itong Tether.

"Yung Tether is I think the 11th or 12th entry. So, hindi siya kasama sa initial top 10 na pasok sa entries. Tapos, may nawala na entry, tapos pumalit yun.

“So, last minute namin ginawa yung Tether," saad ni Mikoy.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jorrybell Agoto on positive reviews about her performance in 'When This Is All Over.': “Wow, sobra po akong nao-overwhelm. Sobrang happy ko, kasi binibigyan ng chance yung mga ganitong newbie pa, walang alam, and hindi ganun ka… alam mo yun, di ba?!”
PHOTO/S: Jerry Olea / Cinemalaya
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results