PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'Barbie' umabot na sa $1 billion ang box-office gross worldwide

Barbenheimer, patuloy na rumaratsada.
by PEP Troika
Published Aug 8, 2023
margot robbie ryan gosling barbie
Margot Robbie and Ryan Gosling are the lead stars of 'Barbie,' now the second highest-grossing film in 2023.

JERRY OLEA:

Nanguna pa rin sa takilya ng North America last weekend, August 4-6, 2023, ang fantasy comedy film na Barbie with $53.0M.

Three consecutive weekends nang nanguna sa box office ng U.S. at Canada ang nasabing pelikula na para kay MJ Lastimosa ay "waley" at "parang school project."

Read: Barbenheimer, patuloy ang pamamayagpag sa box-office worldwide

Nag-debut sa second place ang Meg 2: The Trench with $30M.

Pangatlo ang Oppenheimer with $29.1M.

Pang-apat ang bagong bukas ding Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem with $28.0M.

Panlima ang certified flop na Haunted Mansion with $9.2M.

WORLDWIDE, lumampas na sa $1B ang global gross ng Barbie. Ito na ang ikalawang pinakamalakas na movie ng taon so far, samantalang pampito na ang Oppenheimer.

Opo! Patuloy na rumaratsada ang Barbenheimer.

Ang supernatural horror comedy na Haunted Mansion, waley pa sa Top 30 ang global gross. No wonder, ibinasura na ng Walt Disney ang planong sequel ng Haunted Mansion, na sa totoo lang ay nakakaburyong panoorin. Hindi ito nakakatawa, at lalong hindi nakakatakot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang update ng dalawampung (20) pinakamalalakas na pelikula WORLDWIDE ngayong 2023: The Super Mario Bros. Movie ($1.35B), Barbie ($1.03B), Guardians of the Galaxy Vol. 3 ($845M), Fast X ($705M), Spider-Man: Across the Spider-Verse ($684M); The Little Mermaid ($567M), Oppenheimer ($556M), Mission Impossible: Dead Reckoning Part One ($494M), Ant-Man and the Wasp: Quantumania ($476M)...

Transformers: Rise of the Beasts ($434M); John Wick: Chapter 4 ($427M), Elemental ($425M), Indiana Jones and the Dial of Destiny ($369M), Creed III ($275M), The Flash ($268M); Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves ($208M), Insidious: The Red Door ($182M), Scream VI ($169M), Sound of Freedom ($164M), Evil Dead Rise ($147M).

Ang mga pelikulang nag-open sa local cinemas noong Agosto 2, Miyerkules, ay ang Meg 2: The Trench, Soft & Quiet, Doraemon: Nobita’s Sky Utopia, Cobweb, at Sa Kamay ng Diyos.

Ongoing ang Cinemalaya XIX: ilumiNasyon sa PICC (Cinema Rizal, Cinema Bonifacio, Cinema Felipe, Cinema Palma) at Ayala Malls (Manila Bay, Trinoma, Glorietta, UP Town Center).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang opening film noong Agosto 4, Biyernes sa PICC Cinema Rizal ay ang Marupok AF kung saan nakakalukring ang CR scene ni Maris Racal, at nasarapan si EJ Jallorina sa ipinalasap sa kanya ni Royce Cabrera.

Sa PICC Cinema Rizal din ang gala ng competing films sa Cinemalaya 2023.

Read: Complete guide to Cinemalaya 2023 full-length entries

Tapos na ang gala ng dalawang set ng short films, ganoon din ang gala ng feature-length films na Ang Duyan ng Magiting, Maria, When This Is All Over, Rookie, Gitling, at Tether.

Magga-gala ngayong Agosto 8, Martes, ang animated film na Iti Mapukpukaw (6:15 p.m.) starring Carlo Aquino, Gio Gahol, and Dolly de Leon, at As If It’s True (9:00 p.m.) nina Khalil Ramos at Ashley Ortega.

Ang huling dalawang magga-gala bukas, Agosto 9, Miyerkules, ay Huling Palabas (6:15 p.m.) at Bulawan Nga Usa (9:00 p.m.).

Ang closing film na 19th Cinemalaya filmfest ay ang Third World Romance nina Carlo Aquino at Charlie Dizon, na matutunghayan sa Agosto 12, Sabado ng 9:00 p.m. doon pa rin sa PICC Cinema Rizal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

This is open and free to the public on a first-come, first-served basis. Ire-release ang libreng tickets by 7:00 p.m. sa PICC vestibule malapit sa exit area.

Read: Cinemalaya 2023: 'Marupok AF' is opening film, 'Third World Romance' is closing film

Ang awards night ng Cinemalaya XIX ay sa Agosto 13, Linggo ng 7:00 p.m., sa PICC Lobby.

Kasabay nito ang 71st FAMAS Awards sa Manila Hotel.

Read: 71st FAMAS: 'Family Matters' nakakuha ng pinakamaraming nominasyon

Siyanga pala, ang mga pelikulang ipalalabas sa local cinemas simula bukas, Agosto 9, Miyerkules, ay Ransomed, The Queen Mary, MAMAMOO: My Con The Movie, at The Ship Show nina Heaven Peralejo, Marco Gallo, at Tomas Rodriguez.

Nasa August 16 playdate naman iyong Third World Romance, Blue Beetle, Hitch Hike, at The Moon.

Para sa updates ng playdates ng mga pelikula, bisitahin ang Facebook page ng SM Cinema, Ayala Cinemas, at Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), maging ang website ng Click The City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA:

Nakakatuwa at nandiyan pa rin ang interes ng karamihan sa Cinemalaya.

Nasa PICC na ito na hindi talaga pang-cinema ang mga function rooms nila kung saan ginaganap ang screening ng sampung entries, pati mga short films at iba pang pelikula.

Hindi kumportable ang upuang ginamit dahil hindi naman talaga ito theater, kundi meeting rooms ng naturang convention center. Pero marami pa rin ang nanonood at kung nasa bandang likuran ka na nakaupo, medyo mahirap nang mapanood ang screen kung medyo may kaliitan ka.

Sa susunod na dalawang taon ay hindi pa rin sa CCP gaganapin ang Cinemalaya. Sana, merong isang mall na mag-sponsor na gawin na lang ito sa cinemas nila para kahit paano ay masanay na rin ang mga taong pumunta sa sinehan.

Ang maganda pa rito sa Cinemalaya, suportado ng mga taga-mainstream ang mga pelikulang kalahok, lalo na kung kaibigan nila ang artistang kasali sa isang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nga namin napansin na dumalo pala si Liza Soberano sa gala night ng pelikulang Rookie nung nakaraang Linggo, August 6. Wala kaming ideya kung sino ang nag-imbita sa kanya na dinaluhan niya kasama si Maris Racal at ilang kaibigan.

liza soberano cinemalaya

Kagabi naman ang gala night ng pelikulang Tether ni Gian Arre na pinagbidahan nina Mikoy Morales at Jorrybell Agoto. Maraming mga taga-Kapuso na dumalo bilang suporta nila kay Mikoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang National Artist na si Ricky Lee ay pumupunta-punta sa CCP Cinemalaya Shop sa 2nd floor ng PICC, sa Executive Lounge, at nag-o-autograph sa mga libro, with matching pa-picture.

Ilulunsad ang bagong nobela ni Sir Ricky na Lahat Ng B (Karugtong ng ‘Para Kay B’) — sa Agosto 9, Miyerkules ng 6:00 p.m. sa Cinema Palma (Meeting Room 5) ng PICC.

ricky lee book launch

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magbabasa ng excerpts ng nasabing nobela sina Dolly de Leon, Agot Isidro, Lance Reblando at Jessa Espina, samantalang magpe-perform si Bayang Barrios.

May puwesto rin sa PICC Executive Lounge ang grupo ni Kych Minemoto at nagtitinda sila roon ng T-shirts.

Abangan natin kung susuportahan ng Vivamax stars ang premiere ng Vivamax movie na Call Me Alma sa Agosto 10, Huwebes ng 9:00 p.m. sa Cinema Felipe (Meeting Room 4). Ito ang kauna-unahang Vivamax movie na magpe-premiere sa Cinemalaya.

Idinirek ito ni Mac Alejandre, mula sa panulat ni Ricky Lee. Nasa cast ng Call Me Alma sina Azi Acosta, Jaclyn Jose, Mon Confiado, Gold Aceron, Soliman Cruz, Josef Elizalde, Aiko Garcia, at Richard Solano.

call me anna

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER:

Merong Film Industry Conference ang Cinemalaya ngayong Martes ng hapon sa PICC Cinema Palma (Meeting Room 5). Kasama ako sa third session, 4:10-5:20 p.m.

cinemalaya

Perhaps the only way to drive Pinoys to watch local movies these days is through our local festivals.

So, kami nina Ed Lejano (QCinema) Chris Millado (Cinemalaya) are tasked to talk about our respective festivals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May iba pang forum na naka-lineup kaya magandang makiisa sa mga ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Margot Robbie and Ryan Gosling are the lead stars of 'Barbie,' now the second highest-grossing film in 2023.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results