PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lovi Poe, nagpaalam sa 'Batang Quiapo'; magpapakasal na sa Europe?

Lovi Poe, babalik pa kaya sa 'Batang Quiapo' matapos magbakasyon sa Europe?
by PEP Troika
Published Aug 9, 2023
lovi poe monty blencowe engaged
Lovi Poe, nagpaalam muna sa 'FPJ's Batang Quiapo' para sa mahigit isang buwang bakasyon sa Europe. Dito na rin kaya magaganap ang pagpapakasal ng aktres sa kanyang fiance na si Monty Blencowe?
PHOTO/S: @lovipoe on Instagram

GORGY RULA:

Tikom ang bibig ng ilang taong malapit kay Lovi Poe kapag kinukulit namin tungkol sa napapabalitang magpapakasal na ito sa kanyang fiancé na si Monty Blencowe.

Iyon kasi ang matagal nang bulung-bulungan nang umalis si Lovi patungong Europe kamakailan.

Read: Lovi Poe announces engagement to British boyfriend Monty Blencowe

Nagpaalam ang aktres sa FPJ’s Batang Quiapo na buong August o baka ma-extend pa na hindi siya makapag-taping sa teleseryeng ito ni Coco Martin.

Kaya bago umalis si Lovi ay kinunan na ang mga eksena niya, at ii-stretch na lang ito para patuloy pa rin siyang mapapanood sa naturang teleserye.

Kaya lang, ang tanong ng karamihan: babalik pa kaya si Lovi sa FPJ’s Batang Quiapo?

Sa takbo ng kuwento ay tila hindi si Tanggol (Coco Martin) ang makakatuluyan ni Mokang (Lovi Poe), dahil nagpakasal na pala ito kay Boss Ramon (Christopher de Leon).

Pero puwede namang baguhin ang kuwento kapag bumalik na si Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya lang, walang makapagsabi kung magtatagal siya sa Europe kasama ang kanyang fiancé.

Kung totoong magpapakasal na siya roon, hindi rin natin matiyak kung ano ang mga mababago sa plano nilang dalawa.

Kaya may nagtatanong sa amin kung tatapusin na ba ang karakter na ginagampanan ni Lovi sa FPJ’s Batang Quiapo, at may mga bagong karakter na papasok.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA:

Ang naulinigan ng PEP Troika, may isang premyadong aktres na papasok sa FPJ’s Batang Quiapo at mahalaga ang role na gagampanan.

Malapit kay Coco ang aktres na ito at mukhang tinotoo nito ang biruan nila noon na bakit hindi siya kunin sa teleseryeng ito?

Kung nagkapalit-palit ang mga leading lady ni Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano, posible kayang ganoon din ang mangyayari sa FPJ’s Batang Quiapo?

NOEL FERRER:

Of course, may nabalitaan din tayo na, kasama ng fiancé ni Lovi, may plano ang aktres na mag-produce ng isang kakaiba at edgy na pelikula. At nasa proseso na sila ng pagsasara ng investors para sa pelikulang nabanggit.

Exciting ito para kay Lovi at sa panibagong chapter sa kanyang buhay, sa love life man o sa career!!! All the best!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovi Poe, nagpaalam muna sa 'FPJ's Batang Quiapo' para sa mahigit isang buwang bakasyon sa Europe. Dito na rin kaya magaganap ang pagpapakasal ng aktres sa kanyang fiance na si Monty Blencowe?
PHOTO/S: @lovipoe on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results