GORGY RULA:
Cool lang si Vic Sotto sa isyu ng Eat Bulaga! at E.A.T..
Ngayong Biyernes, August 11, 2023, naisalang na sa witness stand si dating Senator Tito Sotto kaugnay sa reklamong copyright infringement na isinampa ng TVJ at ni Jeny Ferre laban sa TAPE Inc. at GMA-7.
Read: TVJ, Jeny Ferre file copyright infringement and unfair competition complaints vs TAPE, GMA-7
Si Tito Sen din ang madalas sumasagot sa mga isyu. Si Joey de Leon naman ay panay ang patutsada na ipinu-post din niya sa Instagram.
Pero tahimik lang si Bossing Vic at tikom ang bibig niya kapag hinihingan namin ng pahayag sa ilang isyung pinag-uusapan.
Read: Tito Sotto on TAPE: "They're deceiving the people by saying na sila yung 'Eat Bulaga!'"
Kitang-kitang masaya si Bossing Vic sa pag-aabang sa pagdating ng bunsong baby girl nila ni Pauleen Luna.

Dagdag na tsika ni Pauleen sa PEP Troika, girl talaga ang hula ni Bossing Vic, at type din niya dahil ito ang wish ni Talitha.
Read: "It's a girl!": Vic Sotto, naging emotional sa gender reveal ng second baby nila ni Pauleen Luna
Nung sinabi ni Pauleen kay Tali na buntis siya at magiging ate na siya, baby girl daw talaga ang gusto nitong magiging kalaro niya.
Kaya nung nagpa-gender reveal party na in-organize nina Danica Sotto-Pingris at Joy Sotto, magkakampi sina Bossing Vic at Tali sa "Team Girl."
Si Pauleen naman sa "Team Boy" dahil feeling daw niya, boy ang ipinagbubuntis niya.
Read: Pauleen Luna, excited sa gender reveal party
Pero nagkamali siya, at hindi napigilang maiyak ni Bossing Vic nang ma-reveal na girl ang kanilang second baby.

Okay na raw ngayon si Pauleen at hindi na gaanong nahihirapan sa pagbubuntis.
Mas okay ang bonding nila ni Tali dahil nasa bakasyon daw ito ngayon sa school.
"Naka-vacation si Tali. So, ine-enjoy ata last few days na bunso siya hehe!" text ni Pauleen sa PEP Troika.
Sa February 2024 ang due ni Pauleen kaya nagpapahinga lang daw siya.
Hindi pa raw sila nakakapag-isip ng ibibigay na pangalan, pero malamang na si Tali ang masusunod diyan.
NOEL FERRER:
Nakita ko ang gender reveal video at nakakatuwa!!! At mukhang dun na lang talaga mag-thrive sa good vibes.
Ibang klase ang interes ngayon sa mga noontime shows, may susubaybayang developments on and off camera.
Winner!!!
JERRY OLEA:
Merong Open 24/7 si Bossing Vic sa GMA-7, at si Jose Manalo naman ay merong Battle of the Judges, kaya makabubuting quiet lang sila sa bardagulan ng E.A.T. at Eat Bulaga!.
Kung nasa Eat Bulaga! si Yorme Isko Moreno, patok ang pagme-meyor eme ni Jose sa E.A.T.
Read: Wally Bayola apologizes for cursing on 'E.A.T.': "Nagkamali po ako dun."
