PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LJ Reyes on Paolo Contis, Yen Santos

Paolo Conti on Yen Santos: "She deserves a clean slate."
by PEP Troika
Published Aug 14, 2023
paolo santos lj reyes yen santos
Paolo Contis (left) gives brief statement about the engagement of ex-partner LJ Reyes to Philip Evangelista (center) and the possibility of marrying girlfriend Yen Samtos (right).
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram

JERRY OLEA:

Iniiwasan na sana ni Paolo Contis na magsalita o magbigay ng reaksyon kaugnay sa nalalapit na kasal ni LJ Reyes at ng fiancé niyang si Philip Evangelista.

Read: LJ Reyes now engaged to non-showbiz boyfriend Philip Evangelista

Nakorner ng PEP Troika si Paolo sa look test ng bagong pelikula niya sa Mavx Productions na pinamagatang Fuchsia Libre, kasama si John Arcilla.

Gagampanan ni Paolo rito ang isang wrestler na miyembro ng LGBTQIA+ community. Sa istorya, ang kanyang ama ay isang military na gagampanan ni John Arcilla. Si RC delos Reyes ang magdidirek ng pelikulang ito.

Read: Paolo Contis at John Arcilla, magtatagisan ng husay sa pag-arte sa pelikula

Pagkatapos ng look test ay nagpaunlak si Paolo na magpa-interview at tinanong ko kung ano ang masasabi niya sa nalalapit na magpakasal.

"Sino? Si LJ?”

May reaksiyon ba siya?

“Wala naman. I mean, of course, I'm very happy for her,” malumanay na tugon ni Paolo nitong Agosto 13, 2023, Linggo ng hapon, sa Casamilan Subdivision, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It's her ano... I'm very happy for her na nakita niya yung pag-ibig and I don't have anything bad to say, di ba?

"She has the right to be happy. Karapatan niya yon and I'm very happy that she's happy. Di ba? I'm very happy for her."

Read: Paolo Contis, "masaya" para kay LJ Reyes: "Deserve niyang maging masaya."

GORGY RULA:

Darating din kaya ang panahong magpapakasal na rin si Paolo? Naiisip na rin ba niyang malagay na rin sa tahimik, lalo pa’t magkakasunod ang nagpakasal lately.

"Darating naman yun. Darating yung time na yun," mabilis niyang sagot.

"Katulad nga ng sinasabi ko, yung nangyari sa akin ngayon na ito, ang lahat ng trabaho na ito, blessing ito. Kasama ito sa pag-aayos ko ng lahat, para sa future mo and everything.

"And then, kapag ang lahat ng bagay maayos, that's the only time we can think about that. Kasi, siyempre ayokong maging unfair sa lahat ng parties.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gusto ko kapag ready, malinis lahat. I think, Yen deserves that," dagdag niyang pahayag.

Kapag dumating ang araw na yun, si Yen Santos na nga kaya ang babaeng pakakasalan niya?

"Oo naman! Bakit hindi, di ba?" mabilis niyang sagot.

"I mean, yung pinagdaanan naman... oo. And she's a very, very good person. Katulad ng sinabi ko, she deserves a clean slate," seryosong pahayag ni Paolo.

Read: Paolo Contis finally admits relationship with Yen Santos; denies Yen as cause of his breakup with LJ Reyes

NOEL FERRER:

Ang tinutukoy na gustong ayusin ni Paolo ay para sa kanyang tatlong anak.

Maingat ang mga pahayag ng Eat Bulaga! co-host, lalo na't pagdating sa kanyang mga anak. Kaya minabuti niyang huwag na lang magdetalye tungkol doon.

Read: Paolo Contis on estranged daughters: "My biggest fear… is for them to actually hate me."

"Katulad ng sinabi ko, ang personal ay personal kong aayusin. Ang problem lang, anything you say, iibahin yan e. So, mas magandang tumahimik.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi, kung ano man yung sabihin mo ngayon, yung magagaling na blogger na mga content creator, kukuha ng picture kong umiiyak, kukunin yung ganun, para sa clickbait, para kumita sila."

Ang maganda nito, kahit busy si Pao sa TV, meron siyang magagandang pelikulang magpapaalala na isa siyang mahusay na aktor at gagawa at gagawa pa siya ng magagandang pelikula.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis (left) gives brief statement about the engagement of ex-partner LJ Reyes to Philip Evangelista (center) and the possibility of marrying girlfriend Yen Samtos (right).
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results