GORGY RULA:
Magtatay ang papel nina John Arcilla at Paolo Contis sa Kapuso primetime series na Sugo (Hulyo 2005-Pebrero 2006).
Magkakatrabaho silang muli sa pelikulang Fuchsia Libre, kung saan mag-ama na naman sila.
Read: Paolo Contis at John Arcilla, magtatagisan ng husay sa pag-arte sa pelikula
Nag-look test sila noong Agosto 13, 2023, Linggo ng hapon, sa Casa Milan, Brgy. Fairview, Quezon City.
Kuwento ni Paolo, “I play a gay character here. So, I think dun papasok yung pangalan, Fuchsia Libre.
“Basta medyo mahirap i-explain yung kuwento pero sabihin natin, kung pink ang ibig sabihin ng Fuchsia, then Libre is freedom, ika nga.
“Inimbento ko lang ang ibig sabihin na ito, ha?!”
Pag-ayon ni John, “Ang pagkaintindi ko talaga sa Libre is freedom. Parang how do you call it? Ang paglaya ng pink. Ha! Ha! Ha!”
Sambot ni Paolo, “Ang paglaya ng aking ahhh… pagkatao. It’s the journey kung paano ako matatanggap ng aking father.”
Pagmamatuwid ni John, “I think this is really very relevant especially these days. Kasi, yung isyu tungkol sa LGBTQ, napag-uusapan na nang mas detalyado kesa dati.
“Dati, napakasimple lang siya. O, bading ka, tapos.
"Ngayon, yung mga confusion ng ibang mga tao, yung mga actually pain at dilemma na pinagdadaanan ng parents saka nung family, ano naman yung side na yun?
“Kasi, hindi lang naman puro masaya. Maraming family, maraming parents na parang hindi natin alam kung papaano nila tinanggap, or tinatanggap ba nila kaagad?
“Or ano ang pinagdaanan nila? Ano ang naging journey nila? Paano nila natanggap yung anak nila na hindi nila kapareho?”
Susog ni Paolo, “Na never na napag-uusapan. Lagi nating napapag-usapan yung dapat ma-accept, dapat ma-accept. Which is tama naman.
“Pero yung struggle nung parent, para sa akin, kailangan siyang madetalye. Para sa tao, para alam din nila kung ano yung hirap, dilemma ng magulang, ika nga, para sa kanilang mga anak.
“Kasi more than yung acceptance, naniniwala kami ni Sir John na nandiyan yung fear ng magulang para sa anak.
“So, lahat yan, madi-discuss dito.”
Ang Fuchsia Libre ay ididirek ni RC de los Reyes para sa Mavx Productions.
NOEL FERRER:
Gay wrestler ang karakter ni Paolo sa Fuchsia Libre.
“Isa yun sa mga trabaho ko, ikanga,” sey ni Paolo.
Sabi ni John, “Or isa yun sa mga siguro surprises ng film. Kasi meron tayong mga napapanood or nababalitaan tungkol sa mga gay na sumali sa mga parang… male-dominated na klase ng sports, ‘no?
“Pero nag-e-excel sila. So, hindi na siya bago, pero kukunin natin yung ganung peg doon sa kuwentong ito.
“And then, despite of the fact na sa sports siya sumali, ano ba iyung magiging tingin ng magulang mo?
“OK lang ba sa kanya na ganun? ‘OK, OK, sige bading ka pero sumali ako sa panlalaking laro. OK na ba ako, Dad?’ Parang ganun.
“Or talaga bang hilig niya yun, o meron ba siyang dahilan kung bakit niya ginawa iyun?
“So, makikita mo yung kung paano pina-process mismo ng mag-ama. Kasi pareho silang nagpa-process, e.
“Kasi mismo yung anak, tinitingnan niya yung magulang niya kung natatanggap na ba siya o hindi pa.
“Magiging masaya ba siya kung hindi siya tanggap ng magulang niya? Yung magulang naman, pina-process niya ang sarili niya kung paano niya tatanggapin yung anak niya na bading, or yung anak niya na hindi heterosexual.
“So, pag hindi niya tinanggap, ano naman yung effect sa anak niya? So, yun yung process na yun. Journey ng magulang at anak, iyon yung tungkol sa kuwento.”
JERRY OLEA:
Ay, Barbie! Sabi ko na, Barbie!!!
Hindi po straight drama ang Fuchsia Libre. Meron itong humor.
Hanash ni Paolo Contis, “Siyempre hindi mawawala yung humor. Kasi siyempre, habang pinag-uusapan mo ang isang napakabigat na topic, minsan mas madaling makinig ang mga tao pag may humor.
“Pero we’ll make sure na hindi offensive, of course. Sa panahon ngayon, we have to be very sensitive about it.
“Pero yun nga, susubukan naming matapos yung pelikula within the year and maipalabas siya within the year.”
Ilang beses nang umakting si Paolo na accla o Barbie. Keribells ba niya ang gay character na hindi caricature?
Tumikwas ang kilay ni Paolo, “Yes, yes! Yes! Actually I’ve been playing that character before na medyo caricature and everything.
“So, kaya ko gusto ang character na ito, it’s a more serious take on the LGBTQ na role.
"Na kumbaga kung makakatulong ako sa mas malawak na pagtanggap sa kanila, e, at least medyo malaking challenge siya sa akin.
“Marami pa akong kailangang aralin, to be honest. May mga ipinadala na sa akin… lalaki. Lalaki, o?! Para pag-aralan.
“Maraming ipinadala sa akin na mga scenes na kailangan kong aralin. So I’m taking it seriously.
“Kasi siyempre, malaki yung grupo na ire-represent ko, e. So, ayokong mapahiya, ayokong mabastos sila dun sa gagawin ko.”
May love interest ba siya sa Fuchsia Libre? May kaeksena ba siyang lalaki?
Mahiwaga ang ngiti ni Paolo, “Meron, meron. Abangan nila yun kung sino yun.”
Pagbibiro ni John Arcilla, “Labintatlo yung… Ha! Ha! Ha! Ha!”
Pagsakay ni Paolo, “Labintatlo. Merong isang eksena na pipilay-pilay ako.”
Lalong lumakas ang halakhak ni John.
