PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MTRCB to Address Kim Chiu's 'It's Showtime' Comment

Sa halip na vibrato, ang nasabi ni Kim Chiu ay "vibrator."
by PEP Troika
Published Aug 18, 2023
kim chiu tawag ng tanghalan
Sa August 2, 2023 episode ng It's Showtime ay nagkomento si Kim Chiu sa isang "Tawag Ng Tanghalan" contestant, "Ang ganda ng vibrator ng boses mo." Dahil dito, ipinatatawag umano ng MTRCB ang representative ng noontime show.
PHOTO/S: Kapamilya Channel

GORGY RULA:

May panibago na naman palang complaint laban sa Kapamilya noontime show na It's Showtime na ipinarating sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Habang pinag-uusapan pa ang mga dati nilang violations, nadagdagan ito ng "vibrator" issue ni Kim Chiu.

Read: MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment

Hindi namin napanood ang episode na yun. Pero ayon sa nakalkal namin sa X (dating witter), nangyari raw ito sa "Tawag Ng Tanghalan" segment nung August 2, 2023.

Komento ni Kim sa isang contestant, "Ang ganda ng vibrator ng boses mo."

Kaagad itong inireklamo ng ilang netizens ito sa MTRCB, pero sa tingin ko naman ay walang malisya ang pagkasabi ng Kapamilya actress-TV host sa "vibrator."

Malinaw naman kasing ang ibig niyang sabihin ay "vibrato" o timbre ng boses.

Pero may ilan pa raw nabanggit si Kim na pinag-uusapan ngayon ng board ng MTRCB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isa ring episode kung saang binanggit ni Kim ang "p*kp*k shorts."

Kaagad ito kinorek ni Jhong Hilario at sinabing "kwek kwek shorts."

Sinang-ayunan agad ito ni Kim ng, “Oo, kwek kwek shorts!"

Meron bang kwek kwek shorts, mga Ka-Troiks?

Pero parang may pagkamali-mali itong si Kim. Kaya sabi nga ng ibang napagtanungan, parang innocent mistakes lang ito ng actress-TV host.

Read: MTRCB Chair Lala Sotto affirms decision that 'It's Showtime' committed a violation: "Magalit na kung sino man ang magagalit."

NOEL FERRER:

Ayon sa pagtatanung-tanong namin, hindi pa rin daw tapos ang deliberation sa MTRCB. Wala pa tayo ngayong aasahang statement mula sa naturang ahensya.

Posibleng sa susunod na linggo ay may ilalabas daw na statement ang MTRCB kung ano ang magiging desisyon nila sa isyu ng It's Showtime, at baka pati na rin sa E.A.T.

Read: MTRCB summons 'E.A.T.' for violation following Wally Bayola’s swearing in "Sugod Bahay"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA:

Quack-quack! Quick-quick!

Ngayon lang pumasok sa consciousness ko ang kwek kwek shorts!

Edible ba ang mga iyon?!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa August 2, 2023 episode ng It's Showtime ay nagkomento si Kim Chiu sa isang "Tawag Ng Tanghalan" contestant, "Ang ganda ng vibrator ng boses mo." Dahil dito, ipinatatawag umano ng MTRCB ang representative ng noontime show.
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results